Lian Paz on Cebuano suitor: “Kapag sinagot ko siya, diretso na sa kasal!”

Bagamat hiwalay na si Lian Paz kay Paolo Contis, wala naman daw masasabing hindi maganda ang dancer turned actress sa pagiging ama ng dating asawa. Ani Lian, “Sa pagiging ama naman, wala po naman akong masasabi. Noong time na magkasama pa po kami, ibinigay naman po niyang lahat ang pangangailangan namin ng anak niya. So ngayon, iniintindi ko na lang po.”


Kapansin-pansin ang pagpayat at pagiging sexy ulit ng dating miyembro ng EB Babes na si Lian Paz.

Hindi aakalaing may dalawa na siyang anak dahil para pa ring dalaga ang pigura niya.

“Talagang nagpapayat po ako nang bongga!” pag-amin ni Lian nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Prinsesa Ng Buhay Ko kahapon, September 12, sa GMA Network Center.

Patuloy niya, “Pinaghandaan ko po talaga ang role ko dito sa Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Sa story kasi, isa akong sexy dancer at GRO sa club, girlfriend ako ni Marco Alcaraz.

“At kukumbinsihin ko siya na huthutan namin ang kapatid niya na si Kris [Bernal].”



SEXY PICTORIAL. Isa pa raw dahilan kung bakit sinikap niyang magbawas ng timbang at maging sexy ulit ay dahil nakatakda siyang maging cover girl ng isang men’s magazine.

Gaano ba ka-sexy ang pictorial na gagawin niya?

“Abangan na lang po ninyo!” sabay tawa ni Lian. “Naku, secret po muna!”

What made her decide to do it?

Sagot niya, “Gusto ko pong maging inspirasyon sa mga nanay na katulad ko, na kaya pa rin ibalik yung dating sexy na katawan kahit nanay ka na.”

Hindi raw alam ng estranged husband niyang si Paolo Contis ang tungkol dito.

Paliwanag ni Lian, "Kasi hindi naman po kami nagkakausap."

Paano kung mag-react ito?

“Ay, naku, hindi naman po ako maghuhubad nang bonggang-bongga!

"Ito po ay para sa larangan ng art! Para po maipakita natin ang ating pinaghirapan na… maibalik ang figure, di ba?”



CONTROVERSIAL VIDEO. Kamakailan ay kumalat sa Internet ang sex video ng komedyanteng si Wally Bayola at ng EB Babes member na si Yosh Rivera.

Bilang isa sa orihinal na miyembro noon ng EB Babes, ano ang reaksiyon ni Lian sa sex video scandal na ito?

Tugon niya, “I am very disappointed! Sobra po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit hindi na ako part ng EB Babes, natira po kasi doon yung kaibigan kong si Hopia, so siya na lang ang natirang original doon.

“And… seven years na po yung grupo ng EB Babes, ngayon lang po may lumabas na ganoong klaseng issue.

“Parang ano… nakaka-hurt lang.

“Although, hindi po kami magkakilala ni Yosh. Hindi po kami nag-abot sa Eat Bulaga!.”

Bilang babae, ano ang naging pakiramdam ni Lian hinggil sa pagkalat ng intimate video na ito?

Sabi ni Lian, “Frankly speaking, I don’t have any pity for her [Yosh].

"Kasi not for anything, may asawa po kasing tao si Kuya Wally, e, di ba?”

Napanood ba niya yung video?

Medyo natawa si Lian at hindi ito nakasagot kaagad. Pero pag-amin niya, “Tiningnan ko lang naman po, hindi ko naman po tinapos.”

Bakit hindi niya tinapos?

“Ano po kasi… kaibigan ko po si Kuya Wally. Nagkasama po kami sa Eat Bulaga!, so parang hindi ko po talaga kayang tingnan."

Ano ang opinyon niya sa couples na bini-video ang private o intimate moments nila?

Sabi ni Lian, “Actually, nirerespeto ko po yung ganoong mga bagay.

"Kasi kapag mahal mo ang isang tao, you can do crazy things when you’re in love, e.

“Pero you have to keep it really private talaga po siguro, di po ba?

“Itago na lang, huwag nang hayaan pa na makalabas.”



RESPECT. Kumusta na sila ni Paolo Contis ngayon?

Sabi ni Lian, “Okay po kami ngayon, we’re very much ano talaga… mas okay kesa sa dati. Mature parents para sa aming dalawang anak."

Isang taon na raw ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila.

May natitira pa ba siyang pagmamahal para kay Paolo?

“Respeto po,” mabilis na sagot ni Lian.

Sa ngayon, tumutulong naman daw si Paolo sa mga gastusin at pangangailangan ng kanilang dalawang anak, na ngayon ay three at two years old pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi lang po palagi.

“E, sa ngayon po kasi, alam ko na may problema siya, nagkakaproblema siya financially.

“Kasi alam ko po, namatay yung father niya, tapos nawalan siya ng show nang matagal.

“Meron man po kaming misunderstanding when it comes to that, pero sa totoo lang po, sa pagiging ama naman, wala po naman akong masasabi.

“Noong time na magkasama pa po kami, ibinigay naman po niyang lahat ang pangangailangan namin ng anak niya.

“So ngayon, iniintindi ko na lang po.”



SUITOR FROM CEBU. Wala pa raw siyang boyfriend ngayon, pero aminado si Lian na mayroon siyang masugid na manliligaw na isang businessman.

“Si John Cabahug po, taga-Cebu po siya,” banggit ng dancer turned actress.

Boyfriend o husband-material ba ito sa paningin niya?

“Guwapo po siya. At saka matangkad,” sagot ni Lian.

Napag-uusapan ba nila ni Paolo ang tungkol sa manliligaw niya ngayon?

“Wala naman. Actually no comment naman siya sa mga ganyang bagay.

“Ako rin, no comment din ako kung meron siya.”

Sa tingin ba niya ay may lovelife din ngayon si Paolo?

“Yes! Yes daw talaga? Hindi, no comment!” natatawang sabi niya.

Malaki ba ang tsansa na sagutin niya ang kanyang manliligaw ngayon?

“Old friend ko po kasi siya, classmate ko siya mula grade school hanggang high school. So, nagkakita kami ulit sa Cebu.

“Sa kanila kasi yung Skinmate, kinuha niya akong endorser.

“Sa Cebu po siya naka-base, pero pumupunta siya sa Manila kung minsan kasi may office din sila dito.

“Nagkikita kami kapag nandito siya.”

Gusto ba niyang magkaroon ulit ng katuwang sa buhay?

“Opo,” sabi ni Lian. “And nagwi-wish naman po ako na merong someone na mag-aalaga sa akin at sa mga anak ko.”

At pupuwedeng yung Cebuano na manliligaw niya ito?

“Sana... kung meron man po akong magiging sunod na karelasyon, sana siya na po talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sa mga magulang ko, sinabi ko na kung meron man akong magiging boyfriend, I’ll see to it na iyon na ang taong forever na.”



SCRUTINY. Kinikilatis ba muna niyang mabuti ang mga manliligaw niya ngayon?

“Opo. Sa totoo lang, medyo mataas na po ang expectation ko siyempre sa pag-ibig ngayon.

“Dahil hindi lang ikaw ang mamahalin, e. Siyempre nandiyan ang mga anak ko, di ba?

“So dapat din, hindi balewala yung mga anak ko, na kaya rin niyang mahalin.

“At feeling ko, kaya naman niyang mahalin ang mga anak ko, kasi may anak din siya—babae rin, seven years old na.

“Single dad siya and, yes, advantage yun para sa akin na may anak din siya.”

Pasado ba naman ito sa dalawang anak niya?

“Oo. Natutuwa naman yung dalawang bata sa kanya, okay naman sila.

“Yung mga anak ko, parang may sarili nang mga pag-iisip, parang mature na ang utak nila kahit three and two years old pa lang sila.

“Alam nila kung sino ang Papa nila. At kapag bumibisita si John, alam din nila… Tito ang tawag nila.”

Six months na raw siyang nililigawan ni John.

“Kapag sinagot ko siya, diretso na sa kasal!” natatawang sabi ni Lian.

UPDATE. Ano na ang update tungkol sa pagpapawalang-bisa sa kasal nila ni Paolo?

Ayon kay Lian, “In the process na po siya, malapit na po.

"Magsasalita po kami kapag okay na ang lahat.”

Annulment na lang ba ang hinihintay niya bago siya muling magmahal at makipagrealsyon ulit?

“Opo. Respeto lang, di ba?” sabi ni Lian.

Kapag na-annul na ang kasal nila ni Paolo, sasagutin na ba niya si John at diretso kasalan na sila?

“Ang taray!" tawa niya. “Tingnan muna po natin, kasi, malay natin naman kung hindi pa yun, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN