Raymond Gutierrez remains elusive about reported son of twin brother Richard with Sarah Lahbati

Hindi direktang masagot ni Raymond Gutierrez ang tanong kung tatanungin ba niya ang kakambal niyang si Richard, sa interview niya rito, tungkol sa sinasabing anak nito kay Sarah Lahbati. Hindi rin masagot nang direkta ni Raymond kung nakita na niya ang sinasabing bagong pamangkin niya kay Richard.


Excited si Raymond Gutierrez sa kauna-unahang programa niya sa TV5.

Isa siya sa mga host sa bagong showbiz-oriented talk show na Showbiz Police na magsisimula na bukas ng gabi, Sabado, September 14.

Kuwento ni Raymond sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kaagad niyang nakapalagayan ng loob ang mga co-host niyang sina Cristy Fermin, Joey Reyes, at Lucy Torres-Gomez.

“I think we get along kasi they’re all very smart and witty.

“They all have opinions, hindi sila yung parang robot lang.

“That’s what I like, kasi feeling ko, magiging maganda ang batuhan naming apat kasi lahat iba-iba yung background.

"Tapos lahat kami, iba-iba din ang opinyon,” sabi ng bagong Kapatid artist.

CRISTY FERMIN. Aware si Raymond na curious ang ilan kung paano niya makatrabaho si Cristy Fermin dahil sa may pinagdaanan ito sa kanyang pamilya.

Ayon kay Raymond, “She’s super nice naman to me.

"Kung ano man ang pinagdaanan ng family ko, hiwalay naman ako dun, e.

“So as long as we have mutual respect for each other, I think we’re gonna have a good working relationship.

"Kasi so far, mabait naman si Nay Cristy sa akin, I don’t think I don’t have anything to worry about.”

QUESTION FOR RICHARD. Sa pilot episode nila bukas, ang unang special guests ni Raymond na iinterbyuhin niya ay ang kanyang mga kapatid na sina Ruffa at Richard Gutierrez.

Alam ni Raymond na inaabangan ng lahat kung itatanong nito sa kanyang kakambal na si Richard ang isyung matagal na nitong hindi sinasagot: Kung nabuntis at nanganak nga ba ang kasintahan nitong si Sarah Lahbati?

“We will see, we don’t know,” alanganing sagot ni Raymond.

“I think what’s gonna be nice with my segment for the first show is that, for the very first time, na sa haba ng career namin sa showbiz, magkakasama kami ni Ate, ni Chard in one stage for an interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi it’s never happened. Kasi before, my sister was on The Buzz, and she was on TV5, and then when she became freelance, hindi naman kami nagkaroon ng chance na kaming tatlo.

“So, naging idea ko rin na it would be nice for my first show for both of them to come and support me.”

Muli naming tinanong si Raymond kung itatanong ba niya kay Richard ang tungkol sa balitang isa na itong ama.

Sagot niya, “I will try my best and, you know, I just gonna do my job.

“For me, he hasn’t had an interview for few months, so I think it’s also nice for him to acknowledge certain things.”

Nang tinanong siya uli kung itatanong ba niya ito sa kanyang kapatid, nakangiting sagot ni Raymond: “We’ll see tomorrow how I’m feeling when I wake up.”

Pero nang tinanong si Raymond kung mayroon na ba siyang bagong pamangkin, hindi rin niya ito diretsahang sinagot.

Nakita na ba niya ang sinasabing anak ng kanyang kakambal kay Sarah?

“Ano ka ba? That’s not me… and Chard better not steal my thunder!” natawa niyang sagot.

May bago ba siyang nephew o niece?

Sagot ni Raymond, “Si David, hindi n’yo pa nakilala, the son of Rocky.”

Solong nakatira si Raymond sa sarili niyang condo unit sa Rockwell kaya hindi niya raw masagot kung madalas bang magkasama sina Richard at Sarah, o magkasama na ba sila sa iisang bahay.

“I see her often, but I think she still has her own place,” sabi ng TV host.

Gusto rin daw sana ni Raymond na interbyuhin si Sarah at maging special guest sa mga susunod niyang episode, pero depende pa raw iyon sa abugado ng young actress.

Bukod pa dito, sa dami raw ng mga pinagdaanan ni Sarah, hindi raw niya alam kung handa na itong umupo at magpa-interview sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT EXCLUSIVE. Samantala, mas pinili raw ni Raymond na huwag munang pumirma ng exclusive contract sa Kapatid network dahil sa marami rin daw siyang ginagawa.

Bukod sa pagiging style editor ng Esquire magazine at creative director ng Unilever, bahagi rin siya ng bagong bar na bubuksan sa Makati na kung saan ka-partner nito ang ilang kaibigan.

“Kaya nung in-offer sa akin ni Tita Wilma [Galvante] na exclusive contract, sabi ko parang, ’Let’s not do muna exclusive because I’m also doing many things outside of showbiz, na I might not be able to give you all the time that you need. Let’s start first with the first show,’”sabi ni Raymond.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN