Marian Rivera on exposure with Ai-Ai delas Alas in Kung Fu Divas: "Wala akong karapatang magreklamo dahil Ai-Ai delas Alas ‘yan."

Bagamat panay positibong bagay lamang ang ipinu-post ni Marian Rivera sa kanyang Instagram account, mayroon pa ring bumabatikos sa kanya. Sabi ng aktres tungkol dito, “Pero siyempre, kahit anong positive mo sa buhay, palaging may sinasabi. Palagi namang may mga bashers kahit na ordinaryong tao. Pero siyempre, kung wala lang, bakit pa ako magsi-share, wala namang saysay, di ba? At saka, walang basagan ng trip. ‘Eto ang gusto ko, e!”


Hindi naman itinatago ni Marian Rivera na nag-e-enjoy siya ngayon sa Instagram, ang nag-iisang social networking site na mine-maintain niya.

Nasorpresa nga si Marian dahil umabot na ng 321,000 ang IG followers niya sa loob lamang ng ilang buwan.

Nagbukas ng kanyang Instagram account si Marian noong April 2013.

INSTAGRAM CONTEST. May pa-contest ngayon si Marian sa kanyang IG followers na "sweetest and most sincere smile" na may hashtag na #YanangSmile.

Ang mapipili niyang winner ay magkakaroon ng pagkakataong maka-bonding siya.

Hanggang sa katapusan lang ng September ang pa-contest na ito ni Marian at mahigit dalawang libo na raw ang nagpapadala ng kanilang larawan na nakangiti.

Sabi ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Happy ako sa Instagram kasi doon lumalabas ang pagiging artistic ko.

"Mahalaga kasi sa akin ang Instagram. Ayoko ng nagpo-post na wala lang.

"Mas gusto ko, yung ise-share ko, baka man lang kumonti yung negative na tao sa pagpu-post ko ng positive outlook sa buhay. Malay mo, makatulong.

“Palagi akong ’Be happy, smile, follow your dreams, good vibes lang...’”

Ganunpaman, hindi pa rin nawawala ang bashers niya kahit puro positibo ang ipinu-post niya sa kanyang Instagram account at nagbabahagi pa siya ng ilang personal na pangyayari sa kanyang buhay.

Sabi ni Marian, “Pero siyempre, kahit anong positive mo sa buhay, palaging may sinasabi.

"Palagi namang may mga bashers kahit na ordinaryong tao.

“Pero siyempre, kung wala lang, bakit pa ako magsi-share, wala namang saysay, di ba?

"At saka, walang basagan ng trip. ‘Eto ang gusto ko, e!” natatawang biro pa niya.

KUNG FU DIVAS. Sa October 2 na ang showing ng kauna-unahang pelikulang co-produced ni Marian, ang Kung Fu Divas nila ni Ai-Ai delas Alas.

Kahapon, September 12, ay tumuntong si Marian sa bakuran ng ABS-CBN upang makipag-meeting sa executives ng Star Cinema, na isa rin sa producers ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


(CLICK HERE to watch video.)

Ayon kay Marian, “Sobrang plantsadong-plantsado na siya at naghihintay na lang kami ng October 2.

"Tapos, may premiere night kami ng October 1.

“Excited ako kasi, trailer pa lang, ang dami na naming good comments na nakukuha.

"Excited ako kasi first time kong mag-produce.

"Malay ninyo, yumaman ako rito sa pagpo-produce ko!” natatawa niyang sabi.

Napanood na ba niya ang pelikula?

“Napanood ko siya sa dubbing lang, kasi ayoko siyang panoorin, tapos papanoorin ko na naman.

"Gusto ko premiere night, para yung totoong reaksiyon.

“E, kasi, napanood ko na, paano pa ako magre-react? Gusto ko yung totoo lang.”

Masusundan pa ba ang pagpuprodyus niya ng pelikula?

Sabi ni Marian, “Minsan nilalatagan nila ako, ’Gusto mo pa bang mag-produce?’

"E, ito muna. Try ko muna ito.”

NO BILLING ISSUE. Pantay ba ang exposure nila ni Ai-Ai delas Alas sa Kung Fu Divas, na tulad niya ay isa rin sa mga producer ng pelikula.

Ayon kay Marian, “Fifty-fifty at saka, ano rin, just in case na hindi fifty-fifty, okay lang. Ai-Ai delas Alas is Ai-Ai delas Alas!

"Kahit anong sabihin, kahit siya ang iano, wala akong reklamo o ako bago siya. Ay, wala akong problema.

“Wala akong karapatang magreklamo dahil Ai-Ai delas Alas ‘yan. The mere fact na nakasama ko siya.”

Mas lalong hindi raw magkakaroon ng billing issue sa kanilang dalawa.

Sabi ni Marian, “Siyempre, bilang respeto na mas beterano siya at siya ang Comedy Queen, walang problema yun sa akin.

"Walang problema sa akin ang billing.”

Nasubukan na niya ang pagpoprodyus ng pelikula, posible kaya na ang susunod naman niyang gawin at subukan ay ang pagdidirek?

“Wala akong karapatan,” mabilis niyang sagot.

Bakit naman?

“Naniniwala ako na kailangang pag-aralan ko muna yun. Meron akong mga gustong pag-aralan, pero hindi more on directing.”

Sa puntong ito ay pina-off the record na lang ni Marian kung ano ang plano pa niyang pag-aralan. Nang sabihin niya ito, halos lahat ay humanga sa isang talento pa ng Primetime Queen ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN