Ai-Ai delas Alas now "moving forward" after failed marriage

Nalagpasan na raw ni Ai-Ai delas Alas ang mapait na sinapit ng pagsasama nila ng nakahiwalayang asawa na si Jed Salang. Sabi ng komedyana, “Tapos na, tapos na. Ang title na ngayon ng ginagawa natin ay moving forward.”


Aminado si Ai-Ai delas Alas na kasabay ng paggawa niya ng pelikulang Kung Fu Divas ang matinding “pinagdaanan” niya tungkol sa kanyang marriage life.

Ito kasi ang panahong dumaan sa matinding pagsubok ang pagsasama nila ng kanyang asawa na si Jed Salang, na hiniwalayan niya isang buwan pagkatapos nilang ikasal.

Kaya naman, sabi ng Comedy Concert Queen, bukod sa physical training na kinailangan para sa pelikula, naging dahilan din ng pagpayat niya ang personal niyang problema.

“Pumayat talaga ako doon kasi ‘yon yung mga time na marami akong pinagdadaanan.

“Kaya natural din ang pagpayat ko. Mataba ako noon, tapos papayat ako nang papayat,” nakangiting sabi ni Ai-Ai sa bloggers conference para sa Kung Fu Divas kahapon, September 12.

Pero ngayong tapos na ang pelikula, tila tapos na rin ang kanyang problema sa nakahiwalayang asawa.

“Tapos na, tapos na. Ang title na ngayon ng ginagawa natin ay moving forward,” matipid na sabi ni Ai-Ai.



CORPORATE FRIEND. Samantala, ilang followers ni Ai-Ai sa Instagram ang naintriga sa isang post niya noong Septmber 8, kung saan nag-“selfie” shot siya kasama ang isang non-showbiz na lalaki.

“Masama bang mag-selfie?” natatawang balik-tanong ni Ai-Ai nang tanungin ng media tungkol dito.

Pagkatapos ay nilinaw niya na isang kaibigan lamang ang lalaking kasama niya sa larawan.

Kuwento niya, “Kasi noong mga panahon na ‘yon, lahat ng mga boss ng mga ine-endorse ko, ini-invite ko.

“Siguro dahil maraming ginagawa yung iba, siya lang yung nakapunta.

“Thankful naman ako na nandun siya.”

Pero hindi na raw siya dapat intrigahin tungkol sa nasabing larawan.

Giit niya, “Friend lang talaga. I’m not yet ready for love.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN