Janno Gibbs remains loyal to GMA-7: “Medyo spoiled ako dun as an artist.”

“If you ask me now, personally, yeah, I’d like to be loyal to GMA kasi they’ve been consistently supportive of me. Kumbaga, wala ako in a position to complain,” ito ang tinuran ni Janno Gibbs hinggil sa pananatili niyang Kapuso.


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Janno Gibbs sa unveiling ng commemorative stamp sa pagdiriwang ng 100thbirthday ng National Artist for Film na si Dr. Gerardo “Gerry” de Leon.

Si Gerry de Leon ay maternal grandfather ni Janno.

“Si Lolo Gerry is the father of my mom [Baby Gibbs]. Kasi si Gerry de Leon is really Ilagan, yun ang middle name ko,” sabi ng Kapuso singer sa event na ginanap sa Leandro Locsin Auditorium ng National Commission for Culture and the Arts sa Intramuros, Manila, kahapon, September 12, Huwebes.



LOYAL KAPUSO. Nabanggit ng PEP kay Janno na sa kasalukuyan ay maingay ang pangalan ni Ogie Alcasid dahil sa paglipat nito sa TV5 at ang dami ng nakalinyang proyekto sa kanya.

Hindi ba niya naiisip na lumipat din sa ibang istasyon?

“So far, hindi pa, kasi I’m still very comfortable with Channel 7.

"Ang tawag ko nga... medyo spoiled ako dun as an artist.

“Marami akong friends dun so, as of now, comfortable pa ako,” sagot ni Janno, na magdiriwang ng kanyang 44thbirthday sa September 16.

Aniya, may kontrata siya sa Kapuso network.

“I think later this year [ang expiration], so we’ll see kung ire-renew pa namin o hindi.”

Balak ba niyang manatiling loyal sa kanyang home network?

Sabi ni Janno, “If you ask me now, personally, yeah, I’d like to be loyal to GMA kasi they’ve been consistently supportive of me.

"Kumbaga, wala ako in a position to complain.”



REASON WHY OGIE LEFT. Kasabayan ni Janno si Ogie sa showbiz at maraming proyekto at pelikula ang kanilang pinagsamahan, kaya naman solido ang kanilang pagkakaibigan.

Ano naman ang masasabi niya sa paglipat ni Ogie na for a very long time ay Kapuso artist?

“As Ogie’s friend, from what I know, parang two things: One, of course, alam naman natin changing networks is a career move.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I think more than that, parang kailangan siya ng [TV]5 para… ano ba?

"Kailangan nila ng new ideas, new shows, and I think Ogie can help them with that."

Sa pag-alis ni Ogie sa bakuran ng GMA-7, umaasa ba si Janno na mabibigyan siya ngayon ng mas maraming oportunidad sa network?

“I hope so, pero hindi naman ganon ‘yon, yung iniwan niyang [Ogie] spot, nobody can steal—not even me—iba-iba naman kami ng designation,” sabi niya.



BACK TO ACTING. Kasama ni Janno ang mga anak nila ni Bing Loyzaga na sina Alyssa at Gabby sa commemorative stamp launch ni Gerry de Leon.

Inusisa si Janno kung hindi ba papasok muli sa showbiz si Alyssa, na nag-showbiz noong bata pa.

“Before nagmu-movies movies siya with me. Ngayon, nagbi-business kasi siya. She has her own clothing business,” banggit ni Janno.

Bukod sa Sunday All Stars, nagbabalik sa pag-arte si Janno via the afternoon teleserye Pyra kung saan isang bading na mentor ang kanyang gagampanan.

“The last time I played gay, Nuts Entertainment pa, so it’s a challenge for me.

“Matagal din akong walang soap, so its a good challenge for me and enjoy ako sa ginagawa ko.”

Choice ba niya na huwag munang umarte o dahil ba ito sa kawalan ng offer?

“A little bit of both,” sagot niya.

“Kasi ako naman, not all projects tinatanggap ko, ina-accept ko.

“Dalawa yung criteria ko; one, makaka-contribute ako, tsaka makakatulong din sa akin both ways.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN