Aljur Abrenica on "Royalty Loveteam" title with Kris Bernal: "I think we deserve that..."

"Noon kasi, seryoso naman ako, but not that serious sa character treatment. Pero habang tumatagal kasi, mas nagma-mature tayo. Mas marami tayong napagdadaanan sa buhay. Mas nalalaman mo, mas minamahal mo yung trabaho mo," pahayag ni Aljur Abrenica sa nakikitang improvement sa kanyang pag-arte.


Pagkatapos ng huling pagtatambal nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Coffee Prince, muling ibinabalik ng Kapuso network ang tambalan nila sa pamamagitan ng early primetime soap na Prinsesa ng Buhay Ko.

Magsisimula itong mapanood sa September 23.

Sa teaser na ipinalabas sa presscon ng Prinsesa Ng Buhay Ko kahapon, September 12, ay ipinakilala sina Aljur at Kris bilang “GMA-7’s Royalty Loveteam.”

Ano ang masasabi ni Aljur sa titulong ibinigay ng GMA-7 sa loveteam nila ni Kris?

“I think we deserve that name na itawag sa amin. Eleventh team-up na namin ni Kris,” sagot niya.

Inisa-isa pa ni Aljur ang mga proyektong pinagsamahan nila ni Kris.

Boy Nxt Door, Zaido, Dyesebel, Luna Mystika, Dapat Ka Bang Mahalin?, All My Life, Machete, Coffee Prince… nakalimutan ko na ang tatlo.

“Pero sa six years namin yun ni Kris… na ang dami na naming napagsamahan.”

Natutuwa siya sa title na ibinigay sa loveteam nila?

“Yes, oo,” pag-amin ng Kapuso hunk.

“Sabi ko nga, I think deserve naman namin yun.

“Thank you siyempre, dahil din yun sa eleven projects na pinagsamahan namin at sa mga tagasuporta namin.”

Masaya rin daw si Aljur na kahit nakilala silang magka-loveteam ni Kris, nabibigyan pa rin sila ng pagkakataon na makagawa ng mga proyekto na hindi sila ang magkasama.

Aniya, “Thankful ako na magkatrabaho kami, pero thankful din ako na hindi kami magkatrabaho.

“Nagkakaroon kami ng chance na makatrabaho ang iba. Nae-explore namin ang isa’t isa.

“And everytime na magkakabalikan kami, palaging may surprises.

“Palagi akong nagugulat sa mga natutunan ko kung sino na si Kris bilang isang aktres.”



IMPROVED ACTING. Sa hiwalay na panayam naman kay Kris, panay ang puri nito sa ipinapakitang pag-arte ni Aljur sa Prinsesa ng Buhay Ko. Sabi pa ng young actress, parang siya ang nakukulangan sa kanyang pag-arte dahil daw sa nakikita niya sa kapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Aljur sa pahayag na ito ni Kris?

Aniya, “I think it comes with maturity.

“Noon kasi, seryoso naman ako, but not that serious sa character treatment.

“Pero habang tumatagal kasi, mas nagma-mature tayo. Mas marami tayong napagdadaanan sa buhay. Mas nalalaman mo, mas minamahal mo yung trabaho mo.

“I don’t really know kung ano ang ibig sabihin ni Kris sa dynamics, but masasabi ko, siguro kaya niya nasabi yun dahil mas seryoso ako ngayon sa trabaho.”

Kapwa sinabi nina Aljur at Kris na sa loob ng anim na taon na magka-loveteam sila ay hindi naging sila sa tunay na buhay.

Sa kasalukuyan ay may kanya-kanya silang karelasyon—si Aljur kay Kylie Padilla, at si Kris kay Carl Guevara.

Ano sa palagay ni Aljur ang mayroon sa tambalan nila ni Kris at patuloy itong tinatanggap at kinakikiligan ng kanilang mga tagahanga, sa kabila ng hindi naman sila sa totoong buhay?

Aniya, “I think I consider it as a gift na ibinigay sa amin ni God.

“Yung gift ng friendship, iba, e. Kakaiba sa amin ni Kris.

“Kahit lumipas yung panahon, palagi kaming nagki-click.

“Mag-away man kami, okay lang. Pagkatapos nun, balik din kami, okay na naman kami.

“Sa loob ng ilang taon, kahit ako, natutuwa ako na yung friendship namin, hindi nasisira.

“I think yun yung chemistry na meron kami kung bakit hanggang ngayon nagwo-work yung loveteam namin.”



COSMO BACHELOR BASH. Kumpirmado na ang pagrampa si Aljur sa Cosmo Bachelor Bash 2013 na gaganapin sa September 24, Martes, sa World Trade Center.

May naiisip na ba siyang “pasabog” na gagawin, lalo pa nga’t marami silang Kapuso actors na nakasama sa Top 10 Centerfolds this year? Bukod kay Aljur ay kabilang din sina Alden Richards, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo.

Sabi ni Aljur, “Ako, masaya ako dahil maraming Kapuso na pumasok sa Centerfolds at excited ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ikalawang beses ko na ‘tong rarampa as centerfold. Kasi, yung last two na pagrampa ko, kinuha nila akong guest for opening.

“Then, yung last two naman, for promotion ng Century Tuna.”

Hindi siya nagsasawang rumampa sa Cosmo Bash, game pa rin siya?

Sagot ni Aljur, “Siyempre, never akong magsasawa.

“Isa ‘yang Cosmo sa nag-build up ng career ko na, in a way, parang nag-set siya ng change sa career ko.

“Ipinakita ko rito yung mas maturity ko na kahit nineteen pa lang ako noon, nakilala ako bilang isang hunk.

“Isa sila sa mga dahilan kung bakit nakitaan tayo na may magandang physique.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN