Joey Paras admits to being Maricel Soriano’s biggest fan: “Kung hindi mo idol ‘yan, hindi ka bakla.”

Positibo ang pananaw ni Joey Paras sa paggawa niya ng pang-mainstream na pelikula pagkatapos gumanap sa teatro at indie. Sabi niya, “Lahat naman na-e-enjoy ko, mapa-teatro, indie… Alam ko na may pagkakaiba sa isa’t isa, pero, tinitingnan ko ang positive side palagi.”


Kilala ang actor na si Joey Paras sa mundo ng teatro at independent films.

Marami ang humanga sa kanya sa mga indie films na Last Supper No. 3 at Dance of the Steel Bars.

Kasalukuyang palabas pa rin ang Babagwa (The Spider’s Lair) kunsaan nanalo siya ng Best Supporting Actor sa nakaraang Cinemalaya film festival.

Pero, unti-unti nang napapasok ni Joey ang mainstream showbiz at nakikilala ang kakayahan niya bilang isang aktor.

Kasama siya ngayon sa pelikulang Momzillas ng Star Cinema at Viva Films.

Sa isang buwan, ipapalabas naman ang magsisilbing launching movie niya sa mainstream cinema, ang Bekikang.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan si Joey sa nakaraang press conference ng Momzillas sa Dolphy Theater.

Kuwento niya, kapatid siya ni Eugene Domingo sa pelikula kunsaan siya si Brunette na nag-alaga sa anak nitong si Andi Eigenmann habang nasa ibang bansa ang karakter ni Uge.

Ngayong napapasok na nga niya ang mainstream showbiz, anong pakiramdam ni Joey?

“Happy,” nakangiti niyang pahayag.

“Actually, last year, sinabi na ni Direk Wenn Deramas ang lahat ng ito, ngayong nagma-materialize na siya—happy.

“Pero, there are times na kinakabahan ako. Kasi, ang tugatog ng lahat ng ito, yung Bekikang, di ba, ’teh?

“So, yun, ngayon, papunta akong dubbing at nagre-ready na kami sa promotion.”


PLAYDATES. Ang naririnig daw niya, sa October 23 na ipapalabas ang Bekikang. Kinakabahan na ba siya dahil dito?

Pag-amin niya, “Sobra, at saka takot… takot at kaba, halu-halo.

“Pero, positive naman sa tulong nina Boss Vic [del Rosario] at ni Direk Wenn.

Dugtong pa niya, “Actually, mas takot ako sa expectation ni Direk Wenn, siya ang nanay ko rito.

“So, ayokong mag-fail kung anuman yung mangyari for me.

“Pero, kung anuman, hindi natin hawak yun, hindi natin alam kung ano ang iisipin ng mga tao, ng mga manonood.

“Pero ako, positive ako, maganda naman ang kuwento ng Bekikang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I believe, na-deliver ko naman at ng todo, tinodo ko na talaga.”


IN THE MAINSTREAM. Nae-enjoy ba naman niya ngayon ang mainstream showbiz?

“Oo, lahat naman na-e-enjoy ko, mapa-teatro, indie… lahat, nae-excite ako na ginagawa ko ang kada-isa.

“Alam ko na may pagkakaiba sa isa’t isa, pero, tinitingnan ko ang positive side palagi,” sabi ni Joey.

Marami rin ang naging guest stars sa pelikulang Bekikang, bukod pa kay Tom Rodriguez na naging leading man niya.

Ang pag-guest sa pelikula niya nina Dingdong Dantes at Iza Calzado, anong pakiramdam?

“Masaya, sobra!” saad niya.

“Una, nagpapasalamat ako kay Tom kasi, tinanggap niya ang role, siya ang leading man ko rito.

“Sila Dong, Iza, Andi at marami pang-iba, nandiyan sila to support, may mga cameo sila. So, sobrang thank you sa kanila.”


MARICEL SORIANO. Sa Momzillas naman, maraming beses na rin silang nagkasama sa isang proyekto ni Eugene.

Pero minsan lang daw silang nagkasama ni Maricel Soriano, at ito’y naganap sa Last Supper kunsaan nagkaroon ito ng cameo role.

Aminado si Joey na fan siya ni Maricel noon pa man.

Sabi niya, “Si Uge kasi, kabisado ko ito, teatro pa lang, magkasama na kami.

“So, wala talagang pinagkaiba, napakahusay.

“Si Inay Mary [Maricel], grabe! Hindi ko akalain maabot—parang Wenn Deramas, siyempre, idol ng lahat ng bakla ‘yan.

“Kung hindi mo idol ‘yan, hindi ka bakla.

“Noong na-achieve ko yun, wow, tao pala siya, mabait, sobrang bait!

“So, na-triple ng ilang ulit ang pagka-idol ko sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN