Aga Muhlach on electoral protest: "Kung talagang may batas na susundin, mabubuksan iyan at malalaman ang katotohanan."

Tila napaso na si Aga Muhlach sa naging karanasan niya nang tumakbo siya bilang kongresista sa lalawigan ng Camarines Sur. Kaya nang tanungin kung tatakbo siyang muli, ani Aga, “Hindi na… Hindi naman sa hindi na parang… ayokong magsalita nang patapos, pero right now… pag malinis na siya.”


Nang tumakbo si Aga Muhlach bilang kongresista sa fourth district ng Camarines Sur noong May 2013 elections, kinailangan niyang iwan ang paghu-host niya sa adventure-travelogue show ng TV5, ang Pinoy Explorer.

Naging kontrobersiyal ang pagkatalo ni Aga sa eleksyon at naghain pa siya ng electoral protest laban kay CamSur Congressman-elect Wimpy Fuentebella.

Ngayon nga ay nagbabalik si Aga pati na rin ang Pinoy Explorer, na muling mapapanood sa TV5 tuwing Linggo ng gabi simula sa Setyembre 15.

Kabilang ang Pinoy Explorer sa pinalakas na weekend primetime ng TV5.

Ayon kay Aga, kinausap naman siya ng TV5 big boss na si Manny V. Pangilinan na anuman ang mangyari sa eleksyon ay makababalik pa rin siya sa Pinoy Explorer.

“You know, I’m just happy and I wanna thank MVP because right after the elections, I was in New York, tumawag si MVP sa akin and said, ‘Aga, don’t worry nandito kami. Hindi ka namin pababayaan. You’re still with us and TV5 needs you.’

“So, parang coming from our big boss, nakakatuwa.

“I mean, he went out of his way to call me, I was in New York. Sabi ko, ‘Boss, maraming-maraming salamat.’

“Sa TV5, thank you! Hindi lang yun, sa inyong lahat sa media sa walang sawang [suporta]… na naging mga kaibigan ko na,” saad ni Aga.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Aga sa presscon at grand launch ng “Weekend Do It Better” shows ng TV5 noong Setyembre 8 sa Megatrade Conference Center sa SM Megamall.

Hindi man pinalad sa pulitika, masaya pa rin si Aga na may career pa siyang babalikan sa showbiz.

“I was gone for almost a year para mag-campaign, di ba? So now, I am back.

“It’s just good to be back in this industry which is really far more better than yung mundong yun [pulitika].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ANOTHER SHOW. Bukod sa Pinoy Explorer, may isa pang proyektong gagawin si Aga sa TV5 na hindi muna niya puwedeng i-reveal.

May kinalaman daw rito ang pagpunta niya sa Los Angeles, California noong Martes (September 10) at nakatakda siyang bumalik sa Pilipinas ngayong Sabado (September 14).

“For Warner Bros. yun. It was a show that was presented to me, so pupuntahan namin.

“Three days lang ako doon, to meet the host and meet the producer. October ang start noon.”

Kaugnay ng pagpunta ni Aga sa L.A. ay nanood siya ng The Ellen DeGeneres Show, kung saan naging special guest ang Pinoy YouTube sensation na si Aldrich Lloyd Talonding at ang pinsan nitong si James Walter Bucong.

Nahagip ng kamera sa Aga na kabilang sa audience.

(CLICK HERE to watch related video.)

Balik-telebisyon na siya, babalik na rin ba siya sa paggawa ng pelikula?

Tugon niya, “Well, magpepelikula ako.

“So I’m just losing all the weight now, I lost twenty pounds already.

“I have to look my best when I start to do movies again.”



STILL ON PROTEST. Samantala, hindi man siya nakaupo sa puwesto sa pulitika, may ipinagpapasalamat pa rin si Aga.

“Sabi ko nga, ang pasalamat ko nga is parang pinanalo ako, pero hindi ako pinaupo, so maraming salamat.

“Parati naman akong ganun sa buhay, anything goes, thy will be done. Kung saan tayo dalhin, doon tayo.

“I have been in the [showbiz] industry for almost like thirty years and it’s been good.

“God has been good, God is always good. And I’m still here.

“Nawala ako sandali, now I’m back again. And nandiyan pa rin kayong lahat.

“Maayos ang industriya natin kaysa sa kanila.”

Sabi ni Aga, tuloy pa rin ang electoral protest na inihain niya sa COMELEC at sa House of Representatives Electoral Tribunal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naka-protest siya, naka-file na yun. But sa akin naman, para makita lang kung sino ang nanalo talaga.

“Pero pagdating sa pag-upo diyan, sa nangyayari ngayon… mahal ko ang mga taga-partido, pero at least nakita n’yo na ngayon ang dumi, so linisin muna natin.

“Sana maging malinis na malinis muna. Marami pang mangyayari ngayon, so abangan muna natin.

“Sana lang talaga, sana lang talaga, malinis na siya talaga para makausbong na ang bawat Pilipino na naghihirap na talaga.”

Confident ba siya na lalabas talaga ang katotohanan?

Aniya, “I don’t now… hindi ko naman ipipilit iyan, kumbaga nasa batas iyan ngayon.

“Kung talagang may batas na susundin, mabubuksan iyan at malalaman ang katotohanan.

“Pero sinasabi nga, kung meron ka pang mga kailangang ganito pa… kailangang magpalakas ka pa sa ganyan, e, ayoko nang daanin sa ganun yun.

“Sa akin, doon ako parati sa tamang daan, sa tamang landas. Kung babaluktutin ko, hindi ko gagawin yun.

“Sayang, you know I’m forty-four years old, buong buhay ko, hindi ako nagnakaw, buong buhay ko hindi ako gumawa ng kasamaan sa tao.

“Ngayon ko pa ba gagawin yun? Parang huwag naman, sayang.”

Kung sakaling maging negatibo ang resulta ng protest niya, susubok pa rin ba siyang pasukin ang pulitika sa susunod?

“Hindi na…” sagot ni Aga.

Ayaw na niya?

“Hindi naman sa hindi na parang… ayokong magsalita nang patapos, pero right now… pag malinis na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN