Kris Bernal commends Aljur Abrenica’s improved acting

Pagpuri ni Kris Bernal sa kaparehang si Aljur Abrenica, "Ewan ko kay Aljur kung anong ginawa niya, pero ang laki nung in-improve sa acting niya. Pag napanood n’yo to, ibang-iba talaga. Pinaghandaan niya tsaka hindi ko pa alam kung ano yung ginawa niya, kung nag-workshop din ba siya. Pero talagang iba talaga."


Balik-tambalan sina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa early primetime romantic-comedy series na Prinsesa Ng Buhay Ko.

Mula sa direksiyon ni Dondon Santos, magsisimula itong mapanood sa September 23, bago mag-24 Oras.

Huling nagkasama sina Kris at Aljur sa Coffee Prince na natapos noong isang taon pa.

Sabi ni Kris, nag-improve daw ang pag-arte ng kanyang ka-loveteam.

“Ewan ko kay Aljur kung anong ginawa niya, pero ang laki nung in-improve sa acting niya.

“Pag napanood n’yo to, ibang-iba talaga. Pinaghandaan niya.

"Tsaka hindi ko pa alam kung ano yung ginawa niya, kung nag-workshop din ba siya. Pero talagang iba talaga.”

Ayon pa kay Kris, mula sa huli nilang proyekto ay may mga bagay na nagbago sa working relationship nila ni Aljur.

“Siguro mas nagtutulungan kami ngayon, mas open kami sa isa’t isa, mas napag-uusapan namin yung mga eksena.

“Mas mature na kami ngayon. Kasi dati nag-aaway pa kami, e.

“Dyusko, dati talagang akala niya tinototoo ko yung mga sampal ko sa kanya!

"May mga ganung eksena. Siyempre, mga bata pa kami noon.

“Pero ngayon, talagang mature na yung attack, wala nang reklamo-reklamo. Talagang trabaho talaga kung trabaho.”

May pressure rin daw lalo’t nabansagan pa sila ngayon bilang “Royal Loveteam of Drama” ng GMA-7.

CARL GUEVARA. Samantala, bagamat itinanggi ni Kris na may relasyon na sila ng Kapuso actor na si Carl Guevara, inamin naman niyang ito pa rin ang pinakamalapit sa puso niya sa ngayon.

Aniya, “Siya pa rin. Pero ewan ko ba’t yung mga tao… hindi naman nag-iba, ganun pa din naman kami.

“Wala lang time ngayon kasi siyempre nagkaroon akong trabaho, e. So, nawalan ng oras.

“Tipong, nagkasakit nga ako na nagka-cancel kami ng taping dahil hindi na kaya ng katawang-lupa ko.

“Yun, nabawasan lang ng oras. Pero ganun pa din.”

Dahil maugong pa rin ang bali-balitang may relasyon sila ni Carl, pinayuhan na lamang daw siya ng aktor na manahimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Kris, “Siya nga nag-a-advice sa akin, sabi niya, ‘Alam mo, para hindi ka na rin magmukhang masama sa tao, or sinasabihan ka pa tuloy ng sinungaling, sabihin mo, huwag ka na lang magsalita.’

“Sabi ko, ‘Oo nga, kasi daldal pa ako nang daldal. Andami ko pang side comments, e.’”

Ngunit paglilinaw nila, nananatili silang malapit ni Carl sa isa’t isa.

“Nagkikita pa rin naman kami.”

Hindi rin daw nagbago ang pagtrato nila sa isa’t isa kahit sa mata ng publiko.

“Hindi naman, hindi naman sa iniiwasan pero… kung ano naman kami, kung paano nila kami nakikita, ng mga tao, ganun talaga kami.

“Yun nga lang, kung lalagyan talaga nila ng laman or something...

“Pero sa totoo lang, pag nakikita nila kami in person, ewan ko kung ano yung sinasabi nilang sweet, pero ni hindi nga kami naghu-hold hands, alam mo yun?

“So hindi ko talaga alam kung bakit ganun ang mga lumalabas.

“Feeling ko lang kasi, kahit sino naman kasing na-link sa ’kin or nadikit yung pangalan, lahat na lang boyfriend, lahat na lang, siya na agad.

"Hindi ba puwedeng friends muna?”

RENZ FERNANDEZ. Sa Prinsesa Ng Buhay Ko, magiging kaagaw ni Aljur sa puso ni Kris si Renz Fernandez.

Mas nakikilala naman daw ni Kris ang anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino dahil sila ang madalas magkaeksena.

Sa ngayon ay wala pa naman daw silang kissing scene ni Renz, “Pero marami na kaming mga kilig moments…

“Mga holding hands… as boyfriend-girlfriend, marami na kaming eksenang ganun.”

Sabi pa ni Kris, dedicated bilang aktor si Renz.

“Seryoso talaga. Minsan nagugulat na lang talaga ako. Parang, teka lang muna…

“Kaya ako rin minsan napi-pressure sa kanya, e. Kasi mamaya, sa sobrang seryoso niya, hindi ko magawa yung akin, nakakahiya naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN