Dingdong Dantes renews contract with GMA-7; acknowledged as "Kapuso Primetime King"

Dingdong Dantes signed another five-year contract with GMA-7 earlier today, September 14. Present at the contract signing held at Manila Polo Club were GMA-7 top executives Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Gilberto Duavit, Mr. Felipe L. Yalong, and Ms. Lilybeth Rasonable. Dingdong was with with his manager, Perry Lansigan.


"Hail to the King! Hail to Dingdong Dantes!’
Ito ang naging pagpapakilala kay Dingdong Dantes sa ginanap na contract signing niya sa GMA-7 kaninang umaga, September 14, sa Manila Polo Club.
Opisyal nang natuldukan ang mga haka-haka kung mananatiling Kapuso o lilipat ng ibang network si Dingdong dahil panibagong five-year contract ang pinirmahan niya kanina sa GMA-7.
Present sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Gilberto Duavit, at Mr. Felipe L. Yalong. Ganundin sina Ms. Lilybeth Rasonable, Atty. Annette Gozon-Abrogar, Ms. Redgie Magno, at iba pa.

Kasama naman ni Dingdong ang kanyang talent manager na si Perry Lansigan.

FIFTEEN YEARS AND COUNTING. Sa simula ng presscon kasunod ng contract signing ay may nagtanong kung ilan taon ang pinirmahan ng aktor.

Sagot ng COO at EVP ng Kapuso netwok na si Mr. Duavit, “Wala hong katapusan ang kontrata. Habambuhay po!”

Dahil dito ay nagtawanan at nagpalakpakan ang mga imbitadong press at mga taga-GMA-7.

Labinlimang taon nang Kapuso si Dingdong at madaragdagan pa ito ng panibagong limang taon.

Hindi itinago ng kampo ni Dingdong, partikular na ng kanyang manager na si Perry Lansigan, na may offer ang ibang networks sa aktor.

Aminado rin ang aktor na na nagdalawang-isip siya ngunit sa huli ay pinili pa rin niyang maging loyal sa Kapuso network.

Pahayag ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “Alam n’yo po, just like any other profession, sa career po nila, darating po talaga ang crossroad sa kanila.

"A time wherein magkakaroon ng ibang opportunity. A time wherein magkakaroon ng ibang option.

“Pero at the end of the day, lahat ng mga guiding principles, e, uuwi rin sa kung ano ang sinasabi ng puso.”

Ano ba ang naging deciding factor niya na manatiling Kapuso pa rin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng aktor, “Alam n’yo, maraming dahilan, pero para sa akin, ang pinakaimportante is throughout the years, around fifteen years, practically half of my lifetime, they were there to support me noong nag-uumpisa ako, nag-uumpisa akong mangarap.

“Hindi ko pa alam kung ano ang magiging direksiyon ko sa buhay.

“Noong panahon kung kailan I failed, noong mga panahon kung kailan hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila.

"Kumbaga, they are always there to support me in fulfilling my dreams. Lahat ng pupuwede ko pang gustong gawin.

“And that support, like what I’ve said, is beyond just being company and network and just a house to hone my talents, but I see it as a home.”

MARIAN RIVERA. Ilang linggo bago pumirma ng kontrata sa GMA-7 si Dingdong ay ang girlfriend naman niyang si Marian Rivera ang naunang nag-renew ng kontrata sa network.

Nakatulong din ba sa naging desisyon niya na manatiling Kapuso ang pagpirma rin muli ni Marian sa GMA-7?

Sagot ni Dingdong, “Ever since, lahat ng desisyon, ang desisyon namin, we work separately.

"Hindi namin binabase ang desisyon namin sa kung ano ang desisyon ng isa’t isa. So, independent po ang aming mga desisyon.”

Marami rin ang nagulat sa five-year contract na pinirmahan ni Dingdong. Paano siya napapayag na matali sa isang network ng ganun katagal?

Nakangiting sabi ni Dingdong, “Alam n’yo, sa totoo lang, looking back, noong pumirma ako ulit sa kanila, sa GMA, sa Executive Lounge nila, sa Boardroom nila, that was three years ago.

"Imagine, I couldn’t believe how fast time flies.

“And for all you know, yung five years, e, mabilis lang din ‘yan.

“Siguro sa dami rin kasi ng workload na ibinibigay sa akin. Nandoon din sa fulfillment sa trabahong ibinibigay nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everything, I look forward.”

Ayon pa kay Dingdong, “pretty much the same” ang bagong kontrata niya sa GMA sa dati niyang kontrata.

Pero natawa ang aktor nang sabihin namin na posibleng ang kaibahan ngayon ay siya na ang "highest-paid artist" ng Kapuso network.

Sabi niya, “You know what, I wanna be politically correct by saying that I am not in the position to answer that. It’s classified.

"Pero more than the monetary amount, more than the compensation, it’s the commitment both our hearts have and, I think, that’s for me is priceless.”

KAPUSO PRIMETIME KING. Kanina rin sa contract signing ay opisyal nang ibinigay ng GMA-7 ang titulong "Kapuso Primetime King" kay Dingdong.

May ilang nagsasabing "long overdue" na ang titulong ito para kay Dingdong dahil marami na siyang napatunayan kung tutuusin pagdating sa mga teleserye niya sa GMA-7.

Pero ayon sa award-winning actor, “I wouldn’t want to say that.

“I am more grateful... Kumbaga, siguro for all the years na nandito ako at nakatrabaho ko ang GMA, para sa akin, that’s more than enough.”

Nagbigay rin ng pahayag ang chairman, president, at CEO ng network na si Atty. Gozon tungkol sa naturang titulo ni Dingdong.

Aniya, “Alam n’yo, gusto ko lang din i-emphasize na magla-labinlimang taon na si Dingdong sa GMA.

"Siguro, ito ang magpapatunay na marunong din ang GMA na gumawa ng Primetime King and also Primetime Queen—and Dingdong is the living example of that.”

Si Marian ang itinuturing na Primetime Queen ng GMA-7.



UPCOMING PROJECTS. Sa ginanap na contract signing din ay ipinalabas ang mga nagawa at naiambag ni Dingdong sa Kapuso network sa loob ng labinlimang taon.

Kasunod nito ay ipinakita rin sa unang pagkakataon ang teaser ng bago niyang primetime series na magsisimulang mapanood sa unang linggo ng October, ang Genesis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Genesis, nakalatag na ba ang mga proyektong gagawin niya sa loob ng limang taon?

Sabi ni Dingdong, “Hindi naman natin puwedeng ilagay specifically ang mga kaganapan for the next five years.

"But siguro, the most important thing now is the commitment that we both have. My commitment to them and their commitment to me.

“That we will collaborate in pursuing my dreams and pursuing what is best for the network.”

Ano pa ba ang mga gusto niyang gawin?

“Marami pa ho, kaya nga ho it’s an ongoing process.

“Well, halimbawa po, once a year, e, magkakaroon ako ng TV special na dati naman, e, meron din.

"Although, hindi rin nabigyan ng pagkakataon na magawa ko dahil siyempre, because probably yung nakapilang content na kailangan pang ipalabas.

“And like what I’ve said, yung pagpunta sa GMA Pinoy TV internationally, mas magiging visible ako dun.”

Sa panibagong kontrata ni Dingdong, may boses na rin siya kung anong mga konsepto o proyekto ang gusto niyang gawin.

“Malaking bagay po na binibigyan nila ako ng tiwala,” sabi niya.

Kabilang din ba rito ang pagpoprodyus at pagdidirek niyang muli?

“Yes, yes, that’s also possible,” sagot ni Dingdong.

Posible rin ba na may sarili siyang team na dadalhin o gagamitin sa mga proyektong gagawin niya?

“Well, hindi na naman kailangang maging specific yun. But I come in as an entity, as me.

"And I will also have a team behind me that will help me para makapag-collaborate sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN