Enzo Pineda on “dating” status with Louise delos Reyes: “Kinikilig din ako, ’no?”

Enzo Pineda on current status of relationship with Louise delos Reyes: “Ah, me and Louise are... how do you call that... ngayon mas naging close kami ulit. Hindi kami but we’re dating. Kinikilig din ako, ’no? Siyempre pag lalaki patago lang, papogi lang, slight lang. I’m enjoying our company.”


Mukhang masaya ngayon si Enzo Pineda. Kahit abala siya sa kanyang mga showbiz commitments, nakukuha pa rin niyang mag-enjoy at lumabas kasama ng kanyang mga kaibigan.

Sabi niya, “I’m having fun!”

Ano ang ginagawa niya to have fun?

“What I do to have fun? Siyempre nagtatrabaho at the same time inspired sa maraming bagay, sa mga taong nagmamahal sa akin,” at tumawa muli si Enzo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa press launch ng upcoming weekly series ng GMA-7 na Dormitoryo nitong Miyerkules, September 11, sa 17th floor ng GMA Network Center.

DATING, BUT NOT COMMITTED. Kumusta na ang sitwasyon sa pagitan nila ni Louise delos Reyes?

“Ah, me and Louise are... how do you call that?... ngayon mas naging close kami ulit.

“Hindi kami but we’re dating,” paglinaw niya sa kanilang relasyon.

Gaano katagal na silang dating ulit?

“A few months, two months, ganun.”

Pag si Louise ang tinatanong tungkol dito ay kinikilig ang young actress.

“Kinikilig din ako, ’no?” natatawang pag-amin ni Enzo.

“Siyempre pag lalaki patago lang, papogi lang, slight lang.”

“I’m enjoying our company.”

Last week lang daw ay lumabas silang dalawa ni Louise.

Sa Eastwood sila nag-date, silang dalawa lang.

Kailan sila magiging sila ulit?

“Hindi ko alam, e. Kasi sa totoo lang marami kaming trabaho ngayon, she has her own show, ngayon she has a new endorsement so malalaman ninyo soon.

“And ako busy ako with my show also so ayoko namang sirain iyon, yung streak na yun nas maganda ang trabaho.

“Pero at the end of the day, after work it’s always good to have fun. That’s why we go out, you know.” saad ni Enzo.

MEETING HALFWAY. Nakakasira ba ang pagkaroon ng relasyon? Hindi nga ba’t nagiging inspirasyon nga ito para sa maraming bagay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakaka-inspire pero nothing way more than that. Masaya, healthy siya actually, it’s healthy to have a balance between work and friends and with your loved ones,” muling pagklaro ng binata.

Paano kung dahil nagde-date lang sila ni Louise ay makatagpo si Louise ng ibang lalaking mamahalin?

Masasaktan kaya si Enzo?

“Siyempre masasaktan ako, pero... ayun, masasaktan ako.”

Pinipigilan ba niya si Louise na tumanggap ng mga manliligaw?

“Ah hindi, kasi ako ano, e... ayokong pinagbabawalan ang isang tao na mahal ko so if gusto talaga niya with someone else, okay lang basta doon siya masaya

“Kasi ganun din yung motto ko sa buhay, e. I mean if I’m not happy, bakit ko pa iku-continue ito? Pero as much as possible I always try to fix things para at least mag-meet halfway kami,” giit niya.

Ano na ang ginawa niya to fix things, para mag-meet sila halfway at para maibalik ang dati nilang pagtitinginan ni Louise?

Pahayag niya, “Wala namang nagbago, e. Siguro, ano lang, yung time na hindi kami nagsasama, ayun... binabawi lang namin.

“Siguro may nagbago ng konti because mas naging mature kami.

“Pero yung time lang na hindi kami magkasama siguro iyon lang yung binabawi namin ngayon.”

Si Enzo raw ay walang ibang nililigawan.

Pero hindi naman daw iyon nangangahulugang ayaw niyang magpaligaw sa ibang lalaki si Louise.

“Hindi naman pero siyempre may commitment pa rin, so ganun.”

Meron daw silang understanding ni Louise.

Sa Dormitoryo, gumaganap si Enzo bilang si Burn Chaves, si Lauren Young bilang Hazel Espinosa at si Winwyn Marquez naman bilang si Maika Benitez.

Nasa Dormitoryo rin sina Mayton Eugenio bilang Weng Dimagiba, Ruru Madrid bilang Charlie Chavez, Joyce Ching bilang Airiz de Ocampo, Annicka Dolonius bilang Janet Pulido, at Ash Nordstrom bilang Rose Angeles.

Ito ay sa direksyon ni Jun Lana at mapapanood sa GMA tuwing Linggo simula September 22 pagkatapos ng Sunday All Stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON HIS FEMALE CO-STARS. Sa mga co-stars niyang babae sa Dormitoryo, ano naman ang masasabi niya?

“Well, lahat naman sila naa-appreciate ko in their own way.

“Si Mayton, si Winwyn are my close friends, magkakabarkada kami dito sa GMA, and I find them attractive at the same time they have their own unique personalities na gusto ko.

“Si Winwyn matalino, poised... she knows how to handle herself, very independent.

“Si Mayton naman is a good cook. Nagluluto siya para sa amin sa set. Si Mayton is very funny and witty at the same time, si Mayton kasi ay magaan kasama,” pagmamalaki niya sa kanyang mga female co-stars.

Halimbawang wala si Louise sa buhay niya at walang boyfriend si Lauren at walang dine-date si Winwyn, sino sa dalawa ang liligawan niya?

“Actually parehas, e. Puwedeng yung isa muna tapos yung isa ulit, parang ganun,” at tumawa si Enzo.

Ang pinakagusto niya kay Winwyn...

“Si Winwyn yung tipong magiging mas mature ka as a person at the same time si Winwyn kasi I think she’s very loyal kapag naging girlfriend mo siya,” saad niya.

Paano niya nasabi?

“Wala, nasa ugali niya, how she brings herself, yung mga values niya in life yung mga pinanghahawakan niya.

“At the same time she’s very educated and everytime na kausap ko siya, girlfriend material siya,” patukoy niya kay Winwyn.

Si Lauren naman?

“Actually Lauren and Winwyn are almost the same, si Lauren lang mas makulit pag sa taping mas makulit si Lauren. Si Winwyn medyo poise pa, refined pa.”

ON HIS NEW ONSCREEN CHARACTER. Biniro namin si Enzo na hindi siya nalayo sa bagong karakter niyang si Burn dahil pareho silang mayaman

Tumawa dito si Enzo sabay-sabing, “Mayaman talaga?”

Ano pa ang pagkakapareho nila at pagkakaiba nila?

Habulin ng babae si Burn.

“Ako mas gusto ko ng serious relationship. Ayaw ko yung puro laru-laro lang kasi siyempre it’s bad to play around, di ba, especially when it comes to relationships.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masama iyon, e. At the same time... pagkakapareho siguro in a way yung pagiging makulit and paano dumiskarte si Burn sa mga babae,” at muling tumawa si Enzo.

“Minsan ganun din ako, e. There’s this side of me na parang over-confident na parang kung gusto ko itong babaeng ito, makukuha ko, at the same time, wala... overconfident lang sa sarili,” at muling tumawa si Enzo.

“At the same time he’s also a sports jock, he’s a varsity swimmer, si Burn. And ako I used to be a taekwondo, football and track and field varsity player so I know how it feels like to be a varsity player.

“And yung dedication na binibigay mo sa sport mo.”

Heartthrob si Burn pero si Enzo raw mismo ay hindi heartthrob noong nag-aaral pa siya.

“Hindi pa ako artista nun e, ’tsaka hindi pa ako pumopogi nun, e.”

“Siyempre pumogi na ako ngayon, mas nag-improve,” natatawa niyang pagtatapos sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN