Isabelle Daza on getting deglamorized for role in Lihis: “Doon yata ako mas na-challenge!”

Isabelle Daza on getting deglamorized for role in Lihis: “Doon yata ako mas na-challenge! Sanay akong maglagay kasi ng make-up. You will never see me go out na hindi made up. I need my eyelashes, my lipstick, and blush. I can’t go anywhere without them. Kaya noong sinabi ni Direk Joel na, ‘Belle, I don’t want you to put on make-up.’ Doon ako mas nag-worry kasi deglamorized nga ako rito. But when I saw some of the sce


Masaya si Isabelle Daza sa positive reviews na natatanggap niya sa kanyang pagganap sa controversial film ni Joel Lamangan na Lihis.

Ginampanan ni Isabelle ang papel na Ada, ang history teacher na gustong malaman ang katotohanan sa isang naganap na massacre, na ikinasawi ng kanyang amang si Dominador (Joem Bascon) at ng kanyang ninong Cesar (Jake Cuenca).

Hindi nga makapaniwala si Isabelle na nagawa niya ang isang pelikula na tulad ng Lihis, na isang gay film na mayroon ding temang socio-political.

Kuwento ni Isabelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam namin siya noong September 9 sa Old Spaghetti House sa The Block, SM City North EDSA, na nagustuhan daw niya agad ang script ng Lihis noong ipabasa sa kanya ito.

Ibang character naman daw ito kumpara sa first movie niya na It Takes A Man And A Woman, kunsaan glamorosa ang kanyang role.

“In Lihis, Ada is a just a simple teacher who happens to stumble into something that makes her confront her mother [played by real-life mom, Gloria Diaz].

“Little by little, she learns the truth of her existence, what happened to her parents and the secret they kept for such a long time.

“When I read it, nagustuhan ko siya. I consulted my mom about it and she liked it as well.

“Since kasama rin sa cast si mom and the director is Joel Lamangan, she gave her approval na gawin ko ang role.

“My mom said that it will be a turning point for my career to do a movie like this.

“Kaya I tried my very best in this movie. Natutuwa nga ako because of the good reviews. Not just sa performance ko but of the whole cast as well.

“Lalo na si Jake Cuenca. He is very good in this movie. I wish that he wins an award for this movie,” panimulang kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GETTING BETTER WITH HER TAGALOG LINES. Inamin ni Isabelle na nahirapan siya sa malalalim na Tagalog lines sa script. Kaya pinag-aralan daw niya nang husto ang mga dialogue.

“Ilang beses nga akong napagalitan ni Direk Joel kasi umaabot ako sa more than four takes sa isang eksena.

“Si Direk Joel pa naman, he wants you to get it sa unang take pa lang. He works fast and he doesn’t want to waste time. Para na rin mabilis ang trabaho sa set at hindi na paulit-ulit.

“Kapag umabot na ng three takes, naiirita na si direk. Kaya just imagine how mad he gets kapag ako na ang kinukunan!” tawa pa ni Belle.

“But as we went on, I was getting better at my Tagalog.

“In fairness naman, may mga scenes naman na one take lang ako. Doon ay sobrang happy na si Direk sa akin.”

JUST LIKE MOM. May nagsabi kay Belle na hindi siya nalalayo sa unang experience ng kanyang inang si Gloria Diaz, noong una itong gumawa ng pelikula via Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa noong 1974.

Hindi nga raw magaling mag-Tagalog si Gloria noon kaya hirap na hirap sa kanya ang film director na si Celso Ad Castillo.

Pero many years after ay isa na ngang award-winning actress ang former Miss Universe (1969) at iyon ang gustong matularan ni Belle sa kanyang ina.

“My mom always tells me na walang madali sa umpisa. Lahat talaga mahirap and if I am serious enough to be in this business, kailangan magtiyaga ako and never give up.

“My mom never gave up kahit na marami siyang na-receive na mga negative feedbacks on her acting.

“She said that all those negative things that other people said about her made her strong and it pushed her to improve.

“Doon naman ako hanga kay mommy because she was never a quitter. Whether positive or negative ang feedback sa kanya, she takes it all in. Gano’n lang daw talaga ang buhay,” pagmamalaki niya sa kanyang sikat na showbiz mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEGLAMORIZED. Isa pang nagpahirap kay Belle sa pelikulang Lihis ay ang sabihan siya ni Direk Joel na kailangan ay wala siyang make-up.

Kailangan daw kasing maging credible ang hitsura niya sa kanyang role bilang isang simpleng teacher.

“Doon yata ako mas na-challenge!” sabay tawa ni Belle.

“Sanay akong maglagay kasi ng make-up. You will never see me go out na hindi made up.

“I need my eyelashes, my lipstick and blush. I can’t go anywhere without them.

“Kaya noong sinabi ni Direk Joel na, ‘Belle, I don’t want you to put on make-up.’ Doon ako mas nag-worry kasi deglamorized nga ako rito.

“But when I saw some of the scenes, I didn’t recognize myself. I’m like a different person in the movie.

“Yun pala ang gusto ni Direk Joel—yung hindi ko makikilala ang sarili ko. That put me into my character,” pagbabalik-tanaw niya.

TV COMMITMENTS. Sa TV naman ay matagal nang hindi gumagawa ng teleserye si Isabelle. Ang kanyang naging first teleserye na Faithfully noong 2012 ay hindi agad nasundan.

“The truth is, marami nang in-offer ang GMA-7 na teleserye sa akin. Pero ako na nagte-turn down. I guess may three teleserye na silang binigay after Faithfully.

“The thing is, sobra nang puno ang schedule ko for the whole week.

"I do Eat Bulaga! from Monday to Saturday. Then I have Taste Buddies with Solenn Heussaff on GMA News TV. We tape like twice a week.

“When I did Faithfully kasi, sobra akong napagod.

“We were taping three times a week on location pa at inaabot kami ng madaling araw.

“It really took a lot of my time. Hindi ako makatanggap ng ibang commitments because of the taping schedules.

“Kaya noong mag-end yung Faithfully, I said na hindi muna ako tatanggap ng teleserye. Mas mag-concentrate ako sa Eat Bulaga!, Taste Buddies, and making movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It has been a year na nga na hindi ako nag-teleserye and it’s okay naman.

“My hosting jobs naman keep me busy but to a certain hour lang. Hindi tayo masyadong napapagod, lalo na sa Eat Bulaga!, masaya lang kami doon parati."

Dagdag ni Belle, “Siguro kung medyo light na ang workload natin, I can accept na ulit a teleserye. But right now, okay na wala muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN