Ping Medina dabbles in light comedy in Prinsesa Ng Buhay Ko; gets first hosting break

Ping Medina on what it’s like to be the son of respected actor Pen Medina: “Actually double-edged sword siya, e. Kasi una nakakatulong siya dahil Medina so mapapansin ka agad. Pero at the same time may expectation agad na mataas. So pag hindi mo naibigay, yari ka! Thankfully naman, ako na-meet ko naman yung expectations, wala namang masyadong nang-ano sa akin.”


Hindi na raw matandaan ni Ping Medina kung pang-ilang regular TV show na niya ang Prinsesa Ng Buhay Ko ng GMA-7.

“Marami-rami na rin, at least may isa every year since like 2005, since nag-start ako,” sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ping nitong nakaraang Huwebes ng gabi, September 12, sa presscon ng Prinsesa Ng Buhay Ko sa 17th floor ng GMA Network Center.

LIGHT COMEDY. Mabait daw ang role niya sa naturang show na pinagbibidahan nina Kris Bernal (as Princess) at Aljur Abrenica (bilang si Nick).

Aniya, “Ako yung best friend ni Aljur na confidante niya.”

Ano ang mas gusto niyang role: Mabait o kontrabida?

“Hindi mo talaga maku-compare, e. Kasi yung kung kontrabida ka, iba rin yung pinapasok mo na energy at yung effort into it.

“Pero ito kasi like dito sa role ko as Steve, mabait siya pero medyo mas light lang.

“Yung medyo kuwela minsan, comedy, pero yung style kasi namin dito sa show, sabi ni direk Dondon [Santos], ‘Comedy kayo pero dapat hindi kayo nagpapatawa, natural lang na acting, huwag kayong magpa-slapstick, huwag kayong magpatawa.’

“Basta dapat lalabas doon sa sitwasyon yung comedy. So ganun lang.

“Mas masarap. Ewan ko, ako mas nae-enjoy ko ito in general kasi ano lang siya... masaya lang siya, e. Para lang kayong nag-uusap, naglalaro lang kayo, ganun-ganun.

“Pero pag mga bad roles, iba rin naman yung fulfillment na nakukuha ko.”

WHO’S BEST AMONG THE SIBLINGS? Tinanong namin si Ping, without being safe, kung sino sa kanilang tatlong magkakapatid ang pinakamahusay bilang artista?

Artista na rin kasi ang mga kapatid niyang sina Alex at Carl Medina.

“Apat na, may isa pa, si Victor! Baka sumunod pa yung sister ko,” pagtatama naman sa amin ni Ping.

So, sino sa kanilang apat na magkakapatid na lalaki ang pinakamahusay?

“Siyempre ako!” bulalas ni Ping habang tumatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, hindi... siguro in terms of experience ako, kasi magna-nine years na ako sa industry.

"Si Alex, magaling na siya, pero yung experience dumarating pa lang.

“Yung kuya ko [si Carl], hindi ko pa napapanood, e.”

Pero si Alex ang daring, dahil game ito sa love scenes at butt exposure.

“A, oo! Ako, pinaka-daring ko na ever, nipple exposure, iyon na! Kahit kissing scene, wala.

"Dati binigyan ako ng chance sa MMK na reypin si Anne Curtis, pero hindi ko tinanggap kasi hindi ko pa kaya that time.

“Twenty-three pa lang ako nun, ganun. Parang feeling ko, hindi pa ako ready, baka hindi ko siya magawa nang tama, so hindi ko ginawa.

"For MMK iyon, matagal na,” kuwento ni Ping.

Ngayon ba ay handa na siyang magpaseksi sa isang project?

“Ngayon, hindi na puwede kasi tumaba ako, pero nagpapapayat ako ngayon, nag-e-exercise.

"Yung healthier living, nagwu-workout so unti-unti pumapayat ako.

“Pero hindi naman ako totally sarado to it, e.

“I’m sure pag may dumating na role na kailangan kong magpakita ng puwet o kailangan kong gawin yun, pero iyon kailangan muna siyempre may ipapakita muna, may ibubuga na ako, di ba?”

BEST ADVICE FROM DAD. Ano ang best advice na ibinigay sa kanya ng ama niyang si Pen Medina, na isang respetadong aktor sa industriya?

“Madami kasi, e. Pero sige isa na lang, ‘Huwag mo lang masyadong seryosohin yung buhay.’

“Ganun. ‘Paglaruan mo lang, maglaro ka lang, maglaro ka lang.’

“Kasi pag sineryoso mong masyado, I’m sure magkakaroon ka ng maraming heartaches, disappointments, dapat enjoy mo lang,” saad niya.

Ano ang advantage o disadvantage ng pagiging anak ni Pen Medina?

Ayon kay Ping, “Actually double-edged sword siya, e. Kasi una nakakatulong siya dahil Medina so mapapansin ka agad.

“Pero at the same time, may expectation agad na mataas. So pag hindi mo naibigay, yari ka!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thankfully naman, ako na-meet ko naman yung expectations, wala namang masyadong nang-ano sa akin.”

Loveless si Ping ngayon.

“Mga two years ago pa yata. Ngayon kasi very busy ako, e.

"Aside from this, may ginagawa ako na hosting naman, hosting a show for GMA News TV.

“Yung Philippine Book of Records. Kasama ko si Bernadette Herrera-Dy.”

HOSTING STINT. Ipapalabas ang naturang show tuwing Sabado, alas-dos ng hapon simula sa September 29. Unang sabak daw ito ni Ping sa isang regular hosting job.

“Basically all the Philippine Records, locally. Kunwari the biggest mooncake, sa Quiapo po mahahanap.

"So mga ganun, mga first, mga biggest, ganyan, longest, ganyan,” detalye pa niya.

Ano ang pakiramdam na nag-branch out na rin siya sa hosting?

“Actually masaya siya, kasi challenge siya dahil sa dami ng mga characters na na-portray ko, ngayon ko lang ipu-portray ang sarili ko.

“So kailangan ako lang ito na mas bibo, alam mo yun? Mas loose version ko so sa ngayon nae-enjoy ko na siya,” sabi niya.

Paano siya nag-adjust sa hosting?

“Actually parang ano, e, siyempre sa umpisa nangangapa pa.

"So lalo na medyo stiff ka pa dito, hindi ka pa relaxed so basically I just had to loosen up.

“Tinanggal ko lang yung stiffness, nag-relax ako, in-enjoy ko lang.

“Tapos alam mo yun, kahit magmukha akong gago sa mga ginagawa ko!” sabay tawa ni Ping.

HONING HIS WRITING SKILL. Bukod dito ay isang writer na rin si Ping; sa unang pagkakataon ay magsusulat siya ng isang episode ng Magpakailanman.

Hindi pa raw puwedeng sabihin kung kaninong buhay ang isusulat niya.

“Pero hindi siya celebrity.

“Yung writing po kasi, iyan po yung una ko talagang goal sa industry, as a writer.

“Diyan po ako nag-umpisa, pero nangyari lang yung Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros kaya mas nag-full swing yung acting ko,” paliwanag ni Ping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan niya mas gusto na umarte: Sa isang TV series o sa pelikula?

“Magkaiba sila, e. Yung sa series kasi ang tagal niya, yung naa-attach ka dun sa character mo.

"Tapos naa-attach ka din sa mga tao, dun sa mga katrabaho mo, mga naging kaibigan mo na.

“So iba yun sa... yung indie usually twelve days, fourteen days, ganun lang siya.

"Pero siyempre yung character na ibibigay sa iyo, yung material na gagawin mo, hindi usually puwede sa mainstream

“So iyon lang yung okay dun, iyon yung nakukuha namin, may ibang fulfillment,” pahayag niya.



DREAM ROLES. Ano ang dream role ni Ping?

“Marami... Jose Rizal, flamboyant na gay... sana kung kakayanin,” sabi niya.

Nag-bading na raw siya ng isang beses sa isang episode ng Wagas sa GMA News TV.

“Pero ano lang siya, e, simpleng bading lang, medyo lalaki yung dating niya.

“Ang gusto ko naman yung flamboyant talaga na ano... kaya medyo mahirap, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN