Rocco Nacino on foregoing participation in Cosmo Bachelor Bash 2013: “I want to stay true sa character ko as Pedro Calungsod. Bilang respeto na rin sa taong ginagampanan ko.”

Rocco Nacino on skipping this year’s Cosmo Bachelor Bash 2013: “Ayokong ma-confuse ang mga tao sa mga ginagawa ko ngayon. Gusto ko na focus ako sa ginagawa kong role as Pedro Calungsod. Kaya habang ginagawa natin itong movie on Pedro Calungsod, hindi muna tayo tumatanggap ng anumang sexy photo shoots. I want to stay true sa character ko as Pedro Calungsod. Bilang respeto na rin sa taong ginagampanan ko.”


Kapansin-pansin na hindi nakasama si Rocco Nacino sa line-up ng 2013 Cosmopolitan Bachelors.

Noon pa nga nabanggit ng Kapuso hunk na hindi muna siya rarampa kasama ng ilang sexy bachelors sa nalalapit na Cosmo Bachelor Bash 2013 sa September 23.

Inamin nga ni Rocco na pinagdesisyunan niyang hindi muna mapabilang sa sexy photo shoot para sa Cosmo Men dahil sa ginagawa niyang pelikula ngayon na Pedro Calungsod: Batang Martir, na isa sa official entries ng 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Katwiran ni Rocco na hindi naman tama na habang ginagawa niya ang role ng isang Filipino martyr ay napapanood naman siyang nagpapa-sexy sa isang event or magazine.

“Ayokong ma-confuse ang mga tao sa mga ginagawa ko ngayon.

“Gusto ko na focus ako sa ginagawa kong role as Pedro Calungsod.

“Kaya habang ginagawa natin itong movie on Pedro Calungsod, hindi muna tayo tumatanggap ng anumang sexy photo shoots.

“I want to stay true sa character ko as Pedro Calungsod. Bilang respeto na rin sa taong ginagampanan ko,” diin ni Rocco nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center kamakailan.

Marami nga ang makaka-miss kay Rocco dahil sa mga nakaraang tatlong taon ay na-feature na siya bilang isa sa mga sexy bachelors ngayon.

“That is a sacrifice na kailangan kong gawin, and I hope na maiintindihan nila ang gusto kong gawin ngayon.

“Mas okay siguro na suportahan nila itong movie namin once na magsimula na ang MMFF sa December 25.

“Hindi naman nila ako mami-miss dahil meron naman akong primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas on GMA-7,” banggit pa niya.

Ikinatutuwa ni Rocco ang magandang pagtanggap ng televiewers sa teleserye nilang Akin Pa Rin Ang Bukas. Maganda ang kinalabasan ng ratings kaya lalo raw silang ginaganahang magtrabaho.

“Ang sarap ng feeling dahil ito ang pagbabalik ko sa primetime ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The last primetime series I did was Time of My Life in 2010. Puro afternoon series na ang mga sumunod for the past three years.

“Kaya nakakatuwa na marami ang nag-abang at hindi sila nagsasawa sa team-up namin ni Lovi Poe.

“Sana ay hindi sila magsawa pa dahil makakasama ko rin si Lovi sa GMA News TV Original Series na Titser. May role din ako roon kaya panoorin din nila ang Titser,” ngiti ni Rocco.

AMONG KAPUSO PRIME LEADING MEN. Kaya rin hindi kagulat-gulat na bigyan siya ng titulo ng GMA bilang isa sa “Kapuso Prime Leading Men.”

Natuwa si Rocco sa binigay na titulo sa kanya noong nag-press launch ng Akin Pa Rin Ang Bukas.

Nakagaan raw iyon sa pakiramdam niya dahil hindi raw maganda ang naging simula ng araw niya. Napangiti raw siya dahil ramdam niya ang malaking importansya ng GMA-7 sa kanya.

“Hindi lang naging maganda ang simula ng araw ko noong day na iyon. Siguro mali lang ang paggising ko.

“Tapos nagkapatung-patong ang schedules ko. Basta naging magulo ang lahat sa araw na iyon kaya. Pero noong tawagin nga ako as one of the prime leading men ng GMA-7, doon gumaan ang pakiramdam ko.

“Doon ko na-realize na kahit magulo at naging mabigat ang lahat sa araw na iyon, may isang bagay pa rin na magpapagaan nito.

“Kaya I feel blessed at wala akong reason para magreklamo sa rami ng trabaho natin,” pagpapasalamat niya.

BAYAN KO, PART 2. Bukod sa mga nabanggit ng mga shows ni Rocco, sisimulan din niya ang Part 2 ng mini-series na Bayan Ko, na ginawa niya for GMA News TV.

“Nagustuhan kasi nila ang feedback ng marami sa unang Bayan Ko, kaya magkakaroon ito ng panibagong story.

“I will reprise my role as Mayor Joseph Santiago. Mas marami siyang mae-encounter na mga problema at isa-isa niya itong bibigyan ng solusyon ang mga ito,” pangwakas niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN