PEPtalk. Bangs Garcia sheds off sexy image?

Bangs Garcia on her character as Lauriana: “Sobra-sobra siya magmahal pero nabigo siya, but then lumaban siya sa hanggang kahuli-hulihan.” Watch her first episode on #BangsGarciaonPEPtalk!


Punung-puno ng tawanan ang pagbisita ng Kapamilya actress na si Bangs Garcia sa set ng PEPtalk noong September 2.

Naging masaya ang bukingan at panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Associate Editor na si Rommel Llanes, kasama ang PEP in-house photographer na si Noel Orsal, sa Lauriana­ lead star.

Nanguna na si Rommel sa pagtatanong kay Bangs na gusto ring malaman ng PEPsters: Naisip nga ba ni Bangs magpalit ng pangalan ngayong wala na siyang bangs?

Ani Bangs, “One length na kasi yung hair ko pero may bangs pa rin yan!”

“Gusto mo ba pakita ko sa ‘yo?”

Paglilinaw ni Rommel, “Yung bangs?”

Sagot naman ng Star Magic talent, “Yung bangs ko!”

Nagtawanan ang lahat nang sinabi ni Rommel, “A, okay yung bangs! Kinabahan ako dun, e!

“’Wag kang ganyan, mahilig akong mag-expect, e.”

Sabay tanong naman ni Bangs, “Ano bang akala mo?”

Ayon pa sa aktres, ayaw raw ng ABS-CBN President na si Charo Santos-Concio na nakatakip ang mukha niya kaya naman hindi na raw siya nagpa-bangs.

“Yes, kasi ayaw ni Ma’am Charo [Santos-Concio] na may bangs ako. Ayaw niyang nakatakip yung mukha ko.”

LAURIANA. Kasalukuyan ngayong ipinapalabas ang pinagbibidahang pelikula ni Bangs Garcia, ang Lauriana. Ang pelikulang ito ang official entry ni Direk Mel Chionglo para sa Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition organized by the Film Development Council of the Philippines (FDCP).

(Read: Lauriana movie review)

“The film is about twisted love and it’s based on a true story which occurred in Quezon Province during the 1950s era,” kuwento ni Bangs nang tanungin kung ano ang kuwento ng kanyang pelikula.

“So, naka pang-period kami na attire, everything, the set pero hindi naman kami masyado nahirapan sa set, it’s a small town in Quezon Province called Lucena.

“Tapos yung mga tao dun very cooperative.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong muli ni Rommel, “How twisted?”

Sagot naman ng 26-year-old actress, “Yes, twisted kasi si Allen [Dizon] dito, may pagka-psychotic siya, e.

“And, ako naman… sige, I’ll describe Lauriana first as my character.

“Si Lauriana ay probinsyana na mataas mangarap.

“Ang trabaho ko dito, e, baylerina.”

Ayon kay Bangs, ang mga baylerina ay mga "taxi dancers" o paid dance partners noong 1950s at ngayon nga, ang madalas na misconception sa mga baylerina ay sila raw ang mga sinaunang prostitute.

Pagpapatuloy ni Bangs, “Nakilala niya yung isang sundalo, mataas siya mangarap, di ba?

“So, nakipag-live in siya sa sundalo na ‘to thinking na yung magtutulong sa kanya na umahon sa hirap and yun ang akala niya.

“Sobra-sobra siya magmahal pero nabigo siya, but then lumaban siya sa hanggang kahuli-hulihan.

“So battered siya dito, battered si Lauriana but then, lumalaban siya so palaban ang pagkatao ni Lauriana.”

CAREER SHIFT? Binigyang linaw din ni Bangs ang sinabi nito sa isang interview na ito na raw ang first and last most daring film na kanyang tatanggapin.

Kaya naman, tinanong ng PEPtalk hosts kung nagbabalak nga ba siyang magpalit ng career at magpaka-wholesome na. Ang sagot ni Bangs, panoorin sa #BangsGarciaonPEPtalk!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN