Julie Anne San Jose reveals real-life inspiration for role in Kahit Nasaan Ka Man

Julie Anne San Jose on her real-life inspiration for role as a blind girl in Kahit Nasaan Ka Man: “Actually, kasi po, kilala niyo po si Fatima Soriano? Bale, before, na-meet ko po siya sa taping ng Andres de Saya. So, iyon, binista niya po ako sa taping, tapos, ano po, gusto lang niya po akong makilala. Actually, meron akong CD niya, tapos pinapatugtog ko siya sa car, as in like every day. Kasi ang lamig ng boses niya, para talaga siya


Galing sa lagnat si Julie Anne San Jose nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Studio 1 ng GMA Network Center nitong Biyernes, September 13.

Ginanap doon ang pictorial ng upcoming musical/drama series ng GMA na Kahit Nasaan Ka Man, na pagbibidahan nina Julie Anne at Kristoffer Martin sa kanilang unang tambalan.

Medyo masama pa ang pakiramdam ni Julie Anne pero nag-pictorial siya at nakipagkuwentuhan sa press na pumunta sa kanilang pictorial.

“Pagka may goal ka, kailangan mong magpursige, ’tsaka kumayod,” sabi ni Julie Anne.

Ano ang kanyang pakiramdam na si Kristoffer ang leading man niya sa Kahit Nasaan Ka Man na eere na sa September 23?

“Of course masaya po ako! ’Tsaka excited ako kasi first time ko siyang makakatrabaho, aside from working with him before sa Party Pilipinas and ngayon sa Sunday All Stars.

“’Tsaka excited po ako kasi makikita ko na kung paano siya makaeksena, iyon.”

SADDENED BY ELMO’S EXCLUSION FROM CAST. Wala ba siyang halong lungkot na naramdaman dahil dapat sana’y si Elmo Magalona ang kapareha niya sa nabanggit na programa?

“Hindi naman po siguro lungkot. Parang ano, sayang lang din, nanghihinayang lang din, kasi before nasabi nga po sa akin na kasama po siya tapos, parang, I dunno what happened e,” pag-amin ng dalaga.

May nagtanong na bakit tila may taong iniiwas diumano sa kanya si Elmo, ayon na rin sa mga tsismis?

“I don’t know, maybe he has his reasons but, of course, my life would still continue,” saad niya.

Pero nararamdaman ba niyang may gumagawa ng paraan na hindi na sila magkatrabaho ni Elmo?

“Actually naman kasi, I don’t know, wala naman akong parang napi-feel na personal or something, pero kasi siyempre pag trabaho po, trabaho talaga.

“At saka alam mo yun, ayoko pong idamay yung personal na ano e... kumbaga parang walang personalan, trabaho lang, ganun,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero parang siya ba ang pinepersonal?

“Ay, hindi ko po alam, wala po ako talagang alam diyan e,” diin niya.

Bulag ang papel ni Julie Anne sa Kahit Nasaan Ka Man.

Pero ooperahan siya sa kalaunan ng kuwento.

“Actually, opo. May eksena po akong bulag, pero maooperahan po ako sa latter part,” pagkumpirma niya.

REAL-LIFE INSPIRATION. Unang pagganap ito ni Julie Anne bilang isang bulag.

At ang pinagbasehan niya…

“Actually kasi po, kilala niyo po si Fatima Soriano? Bale, before, na-meet ko po siya sa taping ng Andres de Saya.


“So, iyon, binista niya po ako sa taping, tapos, ano po, gusto lang niya po akong makilala,” kuwento niya.

Isang bulag na female singer si Fatima na umaawit ng mga religious songs.

“Actually, meron akong CD niya, tapos pinapatugtog ko siya sa car, as in like every,day. Kasi ang lamig ng boses niya, para talaga siyang angel,” dagdag pa niya.

Isang beses lang niya na-meet si Fatima halos dalawang taon na ang nakakaraan.

“So, ayun nga, naalala ko siya, so parang na-inspire ako. Ang galing niya, mahilig siya sa music, tapos nakaka-inspire po siya ng maraming tao.

“Kasi despite of her, yung parang illness niya, na hindi siya nakakakita, nakakakanta siya at ang ganda-ganda ng boses niya,” pagmamalaki niya kay Fatima.

JULIELMO FANS. Binanggit namin kay Julie Anne na inaaway na si Kristoffer ng ibang mga fans nila ni Elmo.

“Naku, huwag po nilang awayin! Kasi lahat naman po ng nape-pair sa akin ay trabaho lang naman po. Wala naman pong personalan iyon,” pakiusap niya.

Nag-effort ba siyang kausapin ang fans na nang-aaway kay Kristoffer?

“I think they’ll understand naman po, e. I mean if, di ba, alam naman po nila sa sarili nila na bakit nila aawayin yung isang tao na wala namang ginagawang kasalanan sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na di ba, parang, I mean like may certain level sa isang tao na parang sa sobrang kagustuhan, parang nagiging immature na, ganun,” sabi pa niya.

Sa tingin ba ni Julie Anne, ang show nila ni Kristoffer ang unang hakbang para buwagin na ang loveteam nila ni Elmo?

“I don’t know, hindi ko po alam. Hindi ko po masasabi iyan for now kasi inaamin ko naman po na, ayun, na marami pa rin po talagang sumusuporta sa amin together, di ba? Siyempre, hindi naman po talaga mawawala iyon.

“And siyempre, it’s up to them pa rin naman po kung itutuloy nila yung support nila for Elmo and siyempre para din po sa akin.

“Or, siyempre, di ba, kapagka talagang sobrang idol mo yung artistang yun, pagka sobrang mahal mo sila, susuportahan mo sila all the way.

“Kahit saan man sila magpunta.

“Di ba? Kahit hiwalay pa ’yan or tandem pa ’yan,” paliwanag pa ni Julie Anne.

NO COMMUNICATION WITH ELMO. Hindi pa raw sila nagkakausap ni Elmo tungkol sa mga bagay-bagay, partikular na ang tungkol sa show nina Julie Anne at Kristoffer.

Ayon kay Julie Anne, “Hindi po, hindi po talaga.”

Wala raw silang komunikasyon ngayon kahit sa pamamagitan ng text messages.

Alam naman daw nila ang number ng bawat isa.

“But we don’t get to talk, we don’t get to talk,” ulit pa niya.

Tungkol pa rin sa pagkawala ni Elmo sa cast ng Kahit Nasaan ka Man, wala raw talagang alam si Julie Anne.

“Hindi ko po alam, wala po talaga akong alam, hindi ko po alam kung ano po yung reason.”

Hindi rin daw siya nagtanong.

“Ayoko na rin pong i-open up e, ayoko na din pong magtanong po e kasi baka ma-misinterpret or something, so I’d rather keep silent na lang,” pagtatapos niyang pag-amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN