Ervic Vijandre has no regrets in case Ariela Arida rejects him: “At least ako, ginawa ko yung lahat ng best ko, para sa sarili ko.”

Kahit na masugid na manliligaw ni Bb. Pilipinas-Universe Ariela Arida si Ervic Vijandre, may posibilidad na hindi rin siya sagutin nito. Pananaw ni Evic, “Well, nasa sa kanya na yun, di ba? Ganoon naman yun, di ba? Kung para sa iyo, para sa iyo, kung hindi, di ba?”


Mas naging close si Ervic Vijandre sa child actress na si Angel Satsumi na gumaganap na kanyang kapatid sa Binoy Henyo.

Kaya lalo raw ikinalulungkot ni Ervic na isang linggo na lang eere ang Binoy Henyo ng GMA-7.

Sabi niya, “Lalo na siyempre, naging close ako sa ibang kasama ko dito, lalo na yung kapatid ko dito, si Lenlen.”

Ang batang si Angel ang gumaganap na Lenlen sa Binoy Henyo.

“Lagi kaming nagba-bonding kapag breaktime. Halimbawa, dinner time, ganyan, nagdya-Jollibee, ganoon.”

Bukod kina Ervic at Angel, nasa Binoy Henyo rin sina David Remo bilang ang bidang si Binoy.

Kasama rin sina Sheena Halili bilang si Agnes, pati rin sina Luis Alandy at Gwen Zamora.

Nag-last taping day ng Binoy Henyo sa Bago Bantay Elementary School sa Quezon City kahapon, September 15.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ervic.


IDEAL FATHER. Matuwain raw siya sa bata, kaya nasabi namin kay Ervic na tiyak na magiging very ideal siyang ama balang araw.

“Oo naman, siyempre,” pagsang-ayon naman niya.

Dahil magiliw nga si Ervic, gusto na raw niyang magkaroon ng anak.

“Oo, siyempre,” at tumawa ang hunky male star.

“Siguro, pag nagkaroon ako ng anak, hindi na ako lalabas ng bahay,”

“Kasi yung mga anak noong mga pinsan ko, ako ang nagpapatulog, ako ang laging naggaganoon.”

Marunong din siyang magpalit ng lampin o diaper ng bata.

“Kuya kasi ako, e. So, yung kapatid ko dati, noong bata pa siya, yung bunso kong kapatid, inalagaan ko.”


FULL SUPPORT. Kinumusta naman namin kay Ervic ang panliligaw niya kay Ariela Arida, ang Binibining Pilipinas-Universe 2013 at kasamahan niya sa Mercator Artist & Model Management.

Tugon niya, “Nanliligaw pa rin, ganoon pa rin. Focused kasi siya sa ginagawa niya, e.”

Pupunta si Ariella sa Russia ngayong October para maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2013 na gaganapin sa November 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalathala na rin dito sa PEP na susunod si Ervic sa Russia para suportahan ang kanyang nililigawan.

Sariling gastos daw ni Ervic ang pagsunod niya sa Russia.

Kumpirma niya, “Inaayos ko yung visa ko. Manonood ako, susuporta ako.”


NO ASSURANCE. Kapag nanalong Miss Universe si Ariella, tiyak na dadami ang manliligaw nito.

Ano ang meron si Ervic para siya ang piliin ni Ariella?

“Ako e ano... hindi dahil sa sumikat [si Ariella] or ano, di ba?

“Kumbaga, nandoon ako noong wala pa or kung anuman, di ba?”

Hindi kaya kapag Miss Universe na si Ariella ay makalimutan na si Ervic?

“Well, nasa sa kanya na yun, di ba? Ganoon naman yun, di ba? Kung para sa iyo, para sa iyo, kung hindi, di ba?

“At least ako, ginawa ko yung lahat ng best ko, para sa sarili ko.

“Wala akong regret, na sasabihin ko na, ‘Kung siguro kung ginawa ko yun, siguro sa akin siya napunta, di ba?

“Pero para sa akin, ginawa ko nang lahat.

“Kung ginawa ko nang lahat, ’tapos, hindi siya napunta sa akin, at least ako, wala na akong hihilingin pa sa sarili ko.

“Alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat.

“Kung hindi sapat, hindi na ako ang may problema doon—wala akong regret.”

Ayon pa kay Ervic, “Naiintindihan ko naman, focused talaga siya doon sa ginagawa niya kaya ayun.

“Ako naman, hindi naman ako nagmamadali din, di ba?

“So, mas napapakita ko yung suporta ko, di ba?

“Mas napapakita ko na seryoso ako dahil sa pagsuporta ko sa kanya. So, maganda din.”

Ikinuwento pa ni Ervic na sasali pa lang daw si Ariella sa Binibining Pilipinas nang mag-umpisa siyang manligaw sa dalagang taga-Alaminos, Laguna.

Kaya ngayon, nagbigay naman ng time frame sa panliligaw si Ervic.

Sabi niya, “Siguro mga five or six months na akong nanunuyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BASKETBALL LEAGUE. Hindi pa alam ni Ervic kung ano ang susunod niyang proyekto sa GMA-7 pagkatapos ng Binoy Henyo.

“Nagdadasal pa ako ng susunod ko,” at tumawa si Ervic.

“Pero pagkatapos ng Binoy Henyo, maglalaro ako ulit ng basketball, sa PBA D-League, yung dating PBL.

“Iyon yung one step closer to professional basketball dito sa Pilipinas.”

Wangs ang pangalan ng bagong team kung saan player si Ervic.

“Last name [Wangs] yun ng isang Chinese businessman, ’tapos, yung business niya kasi, manpower. So, parang iyon yung pinakaano lang.

“Sakto nga, tapos na yung Binoy Henyo, ’tapos, mag-i-start na ako ng everyday practice doon.

“Siguro, mga two months din akong maglalaro. Sakto wala pa naman akong ginagawa.

“Dati nga, napagsabay ko yung The Good Daughter, ’tapos iyon, nagte-taping ako.

“Kunwari, 9 a.m. yung practice ko, 7 a.m. yung calltime ko sa taping, magpapalam ako kung hindi ako kukunan,.

“Sabi ko, magpapraktis lang ako. Nine to eleven, tapos! Balik ako ng taping, ’tapos matatapos kami the next day, alas-siyete!

“Diretso na ulit ako doon sa gym. Matutulog ako ng dalawang oras, ’tapos, ’ayun, practice na ulit ako.

“Nabubuhay lang ako sa energy drink,” at natawa si Ervic.

Graduate si Ervic noong 2007 ng kursong Philippine Studies, major in Filipino Mass Media sa De La Salle University sa Taft Avenue, Manila.

“Kung nagtrabaho ako, ako yung isa sa mga behind the cameras sa taping, sa production or puwede akong maging writer.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN