Charice and Alyssa Quijano to celebrate their first anniversary in their new house: "It’s a huge step for us."

Sa susunod na buwan ay isang taon nang magkarelasyon sina Charice at Alyssa Quijano. Masaya man si Charice sa kanilang unang anibersaryo ni Alyssa, umaasa siyang makakausap na niya sa wakas ang kanyang Mommy Raquel. "Iba pa rin yung talagang like, someday na talagang, alam mo yun, na magkakaharap kami. Yung masasabi niya sa akin na, ‘I’m proud of you, no matter what,’" pag-asam ni Charice.


Sa unang pagkakataon ay magkasamang kumanta sa isang musical variety show si Charice at ang girlfriend na si Alyssa Quijano.

Naganap ang performance ng dalawa kagabi, September 15, sa bagong TV5 show nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid na The Mega and The Songwriter.

Pero bago pa sila sumalang sa show, nakapanayam sila ni MJ Marfori para sa bagong Kapatid showbiz talkshow na Showbiz Police: Intriga Under Arrest noong September 14, Sabado.

“Ako, excited,” tugon ni Charice sa tanong kung kinakabahan siya sa duet sila ng girlfriend sa isang production number.

“Pero ’andun pa rin yung kaba. Kasi... I don’t know, pero andiyan lang yung kaba na yun. Siguro yung kaba na yun, kilig."

Sabi naman ni Alyssa, “Kinakabahan nga ako, kasi medyo matagal na yung last time na nag-perform ako."


U.S. TRIP. Kagagaling lang ni Charice sa kanyang U.S. at Germany trip, at sa social media ay pinaramdam niyang na-miss niya nang todo si Alyssa.

Ano kaya ang ginawa nila noong nagkita silang muli pagbalik nito sa bansa?

Kuwento ni Charice, “We celebrated our monthsary...

"Actually, anniversary na namin next month.”

Sabat ni Alyssa, na parang kinikilig, “First time nating sinabi, ’no?"

"Yung mga fans namin, nanghuhula, ’Uy, ilang months na ba kayo?’

"So, yeah, one year na kami next month," sabi ni Charice.

Ano ba ang balak nilang gawin sa kanilang anniversary? Mag-a-out of the country ba sila?

“My plan is... wherever naman yun, kung nasa’n man kami, basta kasama siya," sagot ng 21-year-old singer na umaming tomboy nung Hunyo ng taong ito.

Samantala, umamin naman sina Alyssa at Charice na naaapektuhan pa rin sila sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanilang relasyon.

“Well, alam mo yun? Siyempre, kahit na sabihin mong ita-try mong hindi pansinin or what, minsan talaga parang maapektuhan ka," ani Alyssa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag naman ni Charice, “You know, like other people think na baka… ok, I’m gonna say it. It is what they’re thinking—that she’s gonna use me for, you know...

"But I keep telling her that we can’t control other people, you know?

“We’re not gonna be able to stop them from thinking kung anuman yung dapat nilang isipin.”

“But the thing is, I know who you are.”


NEW HOUSE. Isang bagong bahay ang ipinapagawa raw ni Charice sa may Gulod, Cabuyao, Laguna, at ilang araw na lang ay tapos na ito.

“Nae-excite ako. Siguro mga three more days, tapos na siya, three more days.

“And ahh… you know, parang it’s a huge step for us..."

Pagkasabi nito’y kinilig nang husto’t napapadyak pa si Charice. Nakangiti naman si Alyssa habang nakatingin kay Charice.

“Hindi kasi, di ba? After three days, alam mo yung feeling na sabay kaming mamimili ng mga gamit namin..." kinikilig pa uling sabi ni Charice na humalik pa sa buhok ni Alyssa.

Huge step ngang maituturing nina Charice at Alyssa ang tuluyan na nilang pagsama sa iisang bubong.

Tinanong sila ni MJ kung anong kulay ang kuwarto nila.

Napa-“Oh, my God! Oh, my God..." si Charice habang pinipigilan naman siya ni Alyssa.

Kuwento ni Charice, nakiusap daw siya kay Alyssa na kung puwede ay wala sanang kulay pink sa kuwarto nila.

“Pero isa lang din yung pakiusap niya, yung CR [comfort room], Hello Kitty lahat.”


MOMMY RAQUEL. Kumusta na kaya sila ng ina niyang si Mommy Raquel?

“Better than before, definitely, yun masasabi ko... Better than before.

"Kasi... ano, maybe I just wanna keep it private," biglang kambiyo ni Charice.

"Pero yun, I think it’s ano, big ano naman yun...words. ’Better than before.’"

Umaasa rin si Charice na balang araw ay magkausap sila nang harapan ng ina at marinig mula rito ang mga salitang gusto niyang marinig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana, pero siyempre iba pa rin yung talagang like, someday na talagang, alam mo yun, na magkakaharap kami.

“Yung masasabi niya sa akin na, ‘I’m proud of you, no matter what.’”

Sa pagtatapos ng panayam, tinanong ni MJ si Alyssa kung ano ang mensahe niya hindi lang kay Charice kundi sa lahat ng manonood sa kanila sa The Megastar And The Songwriter.

"Siguro, kapag pinakinggan n’yo yung song at pinanood n’yo kaming mag-perform, sana huwag na nilang isipin yung issues, pakinggan na lang nila yung music," pagtatapos ni Alyssa.

Video uploaded by Showbiz Police: Intriga Under Arrest


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN