Solenn Heussaff on being linked to Cesar Montano: "We’re friends naman and friends sila ng dad ko.”

“No, I am not scared of issues. I stand strong as a person. So, for me, what people want to talk about, they can do it on their own. They know naman not to mess with me," matapang na pahayag ni Solenn Heussaff nang hingan ng reaksyon kung sakaling maiugnay siya sa Akin Pa Rin Ang Bukas co-star na si Cesar Montano.


“That’s a lie!” tila nagbibirong deklarasyon ng Akin Pa Rin Ang Bukas star na si Solenn Heussaff.

Sinabi kasi sa kanya na marami na ang nakakapansin sa magaling niyang pagsasalita ng Tagalog.

“Sino bang may sinabi [nagsabi] niyan?" baluktot ang Tagalog na tanong ng Filipina-French na dalaga sa mga kausap reporters sa Avon event na ginanap nung Biyernes, September 13, sa The Peninsula Manila, Makati City.

"I am a bit scared of the role, kasi siyempre doctor. So, mas mature yung role, di ba? Hindi puwedeng magbabaliw-baliw.

“Kapartner ko pa si Cesar [Montano]..." banggit pa ni Solenn sa award-winning actor na kapareha sa nasabing GMA-7 drama series.

"So, kinakabahan talaga ako.

“Tapos, behind the camera naman, si Direk Laurice [Guillen]. So, sometimes kahit ako lang sa eksena, walang ibang tao, naba-buckle ako, sa tapos sobrang kinakabahan.”


AKIN PA RIN ANG BUKAS. Noong nakaraang September 9 umere ang Akin Pa Rin Ang Bukas at masaya naman si Solenn sa magandang feedback mula sa viewers.

Ikinuwento niya na halos gabi-gabi itong nagte-trending sa Twitter, “Oo, trending every night, almost.

“I have a very good chemistry with everyone. The story is very solid din, so, I think people really enjoy it as it goes on.”

Ano pa ba ang dapat abangan ng viewers dito?

Sagot ng aktres, “Siyempre it’s gonna be messy, that’s how it goes.

“Well, what will you do if you were hurt or betrayed as a person?

“So, that’s how different people will handle the situation.”

Hindi man idinetalye ni Solenn ang mga kapanapanabik na mangyayari sa kanilang soap ay pahapyaw niyang ikinuwento ang magiging alitan sa pagitan karakter niya at ng ginagampanan ng bidang si Lovi Poe.

Saad niya, “Ako and si Lovi, magiging frenemies.”

Dagdag ni Solenn, “It’s more on the story of the Villacorta, their family story. Siyempre someone has to be a kontrabida at one point.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging mahirap ba sa kanya ang pagganap bilang kontabida?

Pag-amin ni Solenn, “Hindi, I can be a kontrabida in real life.”

WORKING WITH CESAR. Kinumusta namin ang working relationship niya kay Cesar at tinanong kung hindi ba siya natatakot na baka gaya ng ilang babaeng nakatrabaho ni Cesar ay ma-link siya rito.

Prangkang sagot ni Solenn, “No, I am not scared of issues.

“I stand strong as a person. So, for me, what people want to talk about, they can do it on their own.

“They know naman not to mess with me.

“Even yung mga press, they know na I am not pakipot. So, when you ask me, I will tell you bluntly and straightforward.”

Paglinaw pa niya tungkol sa kanila ni Cesar, “We’re friends naman and friends sila ng dad ko.”

WORK-VACATION. Nabanggit din ni Solenn ang nalalapit na paglabas niya ng bansa.

Pupunta ang 28-year-old singer-actress sa India para makiisa sa Ganesh Festival.

“Work-vacation, I am going to India. Pero two weeks lang, babalik agad ako,” kuwento ni Solenn.

Inamin niya na excited na siyang ma-explore ang India.

“I am excited to see the fabrics, yung tela, yung culture, yung food. Super-I love Indian food.

“Tapos it’s the festival of Ganesh, so, maraming tao ang pupunta doon para sa festival. So, I am excited to experience the whole chaos.”

"Work-vacation" ang ginamit niyang salita para ilarawan kung ano ang gagawin niya sa India. Pero anong klaseng work ba ang gagawin niya roon?

“Secret work, hindi pa puwedeng sabihin. Pero you’ll see in Feb," pahapyaw na sagot ni Solenn.

Tinanong namin siya kung may kinalaman ba ito sa gusto niyang clothing business venture?

Pag-amin niya, “No naman. Maybe in three years. Matagal pa ‘yon!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN