Aiza Seguerra says lovelife makes her "feel complete"; to Charice, it’s a "dream come true"

Aiza Seguerra has an advice for Charice: “So, lahat yun ng nangyari, just learn from it. Take in whatever you need to take in. Ilabas mo sa buhay mo kung ano ang gusto mong ilabas."


Naging masaya ang kuwentuhan tungkol sa lovelife nina Aiza Seguerra at Charice Pempengco nang mag-guest ang dalawang singing sensation sa ABS-CBN showbiz talk show The Buzz kahapon, September 15.

Ang nagbukas ng topic ay ang co-host ng talk show na si Toni Gonzaga, na pinaalalang nagkasama sila ni Aiza sa Himig Handog, isang annual songwriting competition ng ABS-CBN.

Sabi ni Toni, isang nagngangalang Lisa ang kasama ni Aiza at hindi nito “nilubayan” ang singer hanggang sa manalo ito.

Ang nakangiting dagdag ni Aiza, “Hindi ko rin naman siya nilulubayan... But I’d rather not name names.”

Biro naman ni Toni, tawagin na lang siya na Miss L, at sino nga ba ito sa buhay ni Aiza?

“The closest girl that comes to mind, you know, when I just feel complete… And, she just makes me the happiest.”

Paano nabago ni Miss L si Aiza?

“Oh, in many, many ways. For once, nagle-leather shoes na ko ngayon. Dati, hindi.

"But she’s the type of person na, ewan ko, you just wanna be your best when you’re around her. I just wanna be at my best because she deserves it.”

Sa parte naman ni Charice, “dream come true” sa kanya ang pagiging couple nila ni Alyssa Quijano.

Sabi niya, “Ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko… parang since first day na nagkasama kami. Kasi, ten years na kaming magkakilala. Noong una pa lang, nagka-crush na ko sa kanya.

"Siyempre, yung day na naging kami, dream come true yun. Pinaka-the best moment para sa akin.”

At kahit pa masalimuot ang pinagdaanan nila, masaya raw ang international singer.

Dagdag pa ni Charice, “First time ko na maipaglaban nang sobra yung taong mahal ko. At saka, gusto ko rin pasalamatan siya. Binigyan niya ako ng strength na pagdaanan lahat.”

Halos hindi naman ito makasagot sa sumunod na mga tanong ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang may plano na silang magpakasal ni Alyssa? Nag-propose na ba si Charice? Engaged na ba sila?

Natatawa man, seryoso ang singer sa sagot niya. “Siyempre naman, sa future… kasi ako, malinaw sa akin, nakikita ko siya sa future ko. Hindi ko masasabing matagal pa, siya na talaga.”

She’s the one?

“Yes, she is the one.”

Samantala, kinumusta rin ni Toni ang relasyon ngayon ni Charice sa kanyang ina na si Raquel Pempengco at kapatid na si Carl?

Kamakailan, nagpahayag si Raquel ng malaking sama ng loob sa paglabas ng anak sa media tungkol sa kanyang pagkatao.

Paliwanag naman ni Charice, nabawasan na ang tensiyon sa kanyang pamilya.

Sabi niya, “If they are watching right now, masasabi kong better than before. Before, kahit hindi kami nagkakausap, kumbaga, feel na feel mo yung talagang sobrang tense. Ngayon, medyo kalma na. Siyempre, especially, malapit na ang Christmas.”

Hanagd daw niya ay tuluyan na silang magkaayos.

Ani Charice, “Siyempre, nandoon yung wish ko na magkaintindihan, at yung acceptance.

"Sa ngayon, wala pa talaga yung face-to-face. If ever rin naman, hindi ko rin sasabihin sa mga tao kung nagkausap na kami.

"Siguro, eventually, magugulat na lang na may mga pictures na magkakasama kami.

"Kumbaga kahit na lahat ng tao sa buong mundo, sabihin nila sa akin na proud sila sa akin, iba pa rin yung feeling na sa kanila ko maririnig.“

At nang hingan ng mensahe para sa pamilya, heto ang emosyunal na ipinarating ni Charice:

“And yeah, I know that they are watching right now and I just wanna say I love you Mommy and I love you Carl and I miss you, yung mga kulitan and everything.

"At sana, dahil sa mga nangyari at nakikita niyo na, sana, hindi yun ang maging reason kung bakit tayo magkakahiwa-hiwalay. Because that shouldn’t be the reason. I know kung ano ang love sa family natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CONCERT. Magkakasama sina Aiza Seguerra at Charice Pempengco sa The Power of Two: Charice and Aiza concert sa Araneta Coliseum sa September 28.

Nagsimula ang collaboration ng dalawa nang makasama ang huli sa show nina Aiza at Noel Cabangon.

Biro ni Aiza, “Pareho naman kaming maliit.”

Tanong ni Toni, sino ang nakaisip na mag-concert kayo sa Araneta Coliseum?

“Ewan ko,” saad ni Aiza.

Sabi naman ni Charice, “Bigla na lang na-plano, e.”

At saka ikuwinento ni Aiza ang magiging kaibahan ng kanilang conert.

“Charice and I are very different. Genre pa lang, ibang-iba na.

"So, siguro ako, medyo nagki-cater tayo sa ka-edaran natin, alam na, mga pinagdaanan na.

"Yung pinaka-concept ng show, I asked Charice kung cool siya sa idea kasi, it’s pretty obvious naman why we put together in a show.

“So, you know, instead of not recognizing that, mas magandang i-recognize na pinagsama kami because we are both out and proud.

"Kumbaga, yun ang napag-usapan namin for this show. We want to tell people that it’s okay who you are. It’s okay to not hide and it’s better if you’ll not hide. It’s better to love yourself.

“Kasi, if you love yourself, ipapakita no’n kung sino ka talaga, and people will love you and you can be successful and, you know, hindi kakulangan sa isang tao if you’re a homosexual. Hindi…

“That’s our goal, to empower people. Not just the third sex but everyone. Lahat naman tayo, may truth na itinatago sa puso natin. Not just the third sex.

"We wanna belong, we want to be accepted. But now, we don’t need that, especially now, sa age of bullying.

"Ang dami riyan, binu-bully ng tao just because they look different. But no, you be yourself. You love yourself and you will make it. That’s the whole premise of the show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magta-tatlumpung taon na si Aiza ngayong taon habang si Charice naman ay 21 pa lamang.

CHARICE’S ALBUM. Sa The Buzz, dala-dala ni Charice ang kanyang Charice Chapter 10 album.

Makabuluhan daw kay Charice ang 10 dahil 10 years na silang magkakilala ni Alyssa at 10 years na siya sa industriya at 10 tracks rin ang nakapaloob sa album.

Ayon naman kay Charice, “Birthday ko, birthday rin ni Mommy.

"Chapter 10 kasi, gusto ko, parang libro ng aking buhay. Sobra yung, palagi ko ngang sinasabi, sobra yung emotion.

"Sabi nga ni Aiza, may libreng luha sa loob.”

Sabad ni Aiza, “Everything that she’s going through right now, I’ve been there. The family thing and you know, kumbaga, a lot of people are asking, especially sa interviews, buti ikaw yung family mo, ganyan-ganyan.

“It wasn’t that easy, too. Kumbaga, for more than a year, we we’re having this conflict ng family.

"But, I just wanna let you know that, ako, naniniwala ako, noong time na nangyayari sa akin ‘yan, ang pinaka-quote ko sa buhay ko, ’it came to pass.’

“So, lahat yun ng nangyari, just learn from it. Take in whatever you need to take in. Ilabas mo sa buhay mo kung ano ang gusto mong ilabas.

"And after this, you will emerge stronger. Mas magkakaroon ka ng understanding sa paligid mo.

“Don’t let it break you because, ano ‘yan, e, kapag nakuha mong lahat, nabalanse mo, mas titibay ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN