The PEP List 2013: Alex Medina wants to be known as a mainstream and indie actor

"Wala akong panama kay Tom Rodriguez,” sambit ni Alex Medina nang matanong siya sa pagiging nominado sa PEPsters’ Choice 2013 2nd quarter. Sina Tom at Alex ay parehong nominado sa Breakout Star of the Year. Maaaring bumoto sa pamamagitan ng pagbisita sa www.pep.ph/pep-list/


Malaki ang potensyal bilang aktor ng baguhang si Alex Medina, anak ng beteranong aktor na si Pen Medina at nakababatang kapatid ng character actor na si Ping Medina.

Mas nakilala si Alex nang gumanap bilang Diego sa teleseryeng Ina Kapatid Anak.

Sa ginanap ng press conference last week ng kanilang pelikulang Babagwa, na contender sa film festivals sa Canada, Hawaii, at Poland ngayong Oktubre, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na makausap si Alex, kasama ang cast ng nasabing indie film.

Ang Babagwa ay entry rin sa ginanap na Cinemalaya noong nakaraang Hulyo.

Ani Alex, nae-enjoy niya ang atensiyon na nakukuha niya, pero hindi iyon ang kanyang prayoridad.

“Okey siya, natutuwa ako. Pero always focused ako sa kailangang gawin. I don’t let it get to my head. Topping lang naman. [Ang] importante yung base [which is acting].”

Guwapo si Alex pero medyo payat. Tinukso nga siya kung willing ba siyang magkaroon ng matinee idol image.

“Naman! Anything for prosperity and progress, why not? Good progress, ha,” sagot niya.

OKAY WITH DARING SCENES. Sa Cinema One Originals entry na Palitan noong nakaraang taon, ipinagkaloob kay Alex ang Best Drama Actor dahil sa kanyang pagganap.

Sa nasabi ring pelikula ay naging mapangahas ang role niya dahil nagkaroon siya rito ng daring love scenes.

Very daring din ang role niya sa Babagwa.

Tanong ng PEP sa kanya, wala ba siyang inhibisyon pagdating paghuhubad at paggawa intimate scenes?

“Wala naman, depende lang...kung in context lang, walang problema. [Kung] alam kong magwo-work. Kung umano sa panlasa ko.

“Minsan, it’s out of your control. Nasa director din, [pero] puwede mo naman i-debate. Pero ’ayun… depende.”

Does he feel sexy?

“Depende, kapag nasa mood, sexy ka. Siguro yung confidence. Ewan ko... mapi-feel mo na lang, parang bumubulusok siya sa loob.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay nominado si Alex sa kategoryang Breakout Star of the Year sa 2nd quarter ng PEPsters’ Choice.

Ano ang pakiramdam niya tungkol dito?

“Wala akong panama kay Tom Rodriguez. Ha-ha-ha-ha!”

Katunggali kasi ni Alex si Tom sa nasabing kategorya.

“Sobrang natuwa ako na merong ganito pa pala,” pagtukoy niya sa nasabing nominasyon.

MAINSTREAM OR INDIE? Bukod sa Babagwa, natapos na rin ni Alex ang isa pang indie movie na pinamagatang Angustia.

Ang TV appearance niya sa My Little Juan ang pinakahuling TV project niya. Sa ngayon daw ay wala pa siyang bagong TV project.

Saan niya mas gustong makilala, sa indie ba or sa mainstream?

“Natutuwa ako kasi mainstream at indie nagkakaroon ng… I guess sa mga moviegoers, nagkakaroon na siya ng middle point.

"Why not? Ako, maindie [mainstream and indie].

“Kahit saan, okey lang ako. Kumbaga, it’s my job as an actor to fulfill [my work].

“Tingnan natin. Dumarating na [ang time] na mga movie content at TV nagmi-merge na ‘yan. Tingnan natin kung makakasakay ako.”

Para maiboto si Alex sa PEPsters’ Choice 2013 2nd quarter, bumisita lamang sa www.pep.ph/pep-list


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN