Claudine Barretto on ongoing legal battle with husband Raymart Santiago: "May purpose ang lahat ng ‘to... kung bakit nangyayari ‘to.”

Last week ay muling humarap sa korte ang aktres na si Claudine Barretto para sa pagdinig ng petition for Permanent Protection Order na hinihiling niya laban sa asawang si Raymart Santiago.


Bagong gupit si Claudine Barretto nang makausap ng Showbiz Police: Intriga Under Arrest ng TV5, noong September 11, sa Marikina Regional Trial Court.

Ang pagpunta ng aktres sa korte ay kaugnay ng pagpapatuloy ng pagdinig ng petition for Permanent Protection Order (PPO) na isinampa niya laban sa asawang si Raymart Santiago.

Sabi niya tungkol sa kanyang bagong hairstyle, “Wala lang. Ano lang, panibagong buhay, look… light lang.”

Simbolo ba ito ng pagtanggal niya ng mga negatibong bagay sa kanyang buhay?

Natatawang sagot niya, “Yes, yes, definitely!”

Gaano ka-negative yung mga buhok na natanggal?

“Sobra, kasi ang haba, di ba?” biro niya.

Kailan niya naisip na mag-iba ng hairstyle?

Sagot ni Claudine, “A few days ago, pagkalabas ng mga anak ko sa ospital, nagpaalam lang ako ng isa, dalawang oras.”

Magkasunod na naospital sina Sabina at Santino noong mga nakaraang linggo.



VERY PROUD MOM. Sa social media na Instagram ay palaging pinu-post ni Claudine ang report cards nina Sabina at Santino. Dahil matataas ang marka ng dalawa kaya very proud daw siya sa mga anak.

Pagmamalaki ng aktres, “Yes, I’m very proud of my kids, napakataas ng mga grades nila.

“I can’t ask for more, I’m really, really thankful dahil masipag yung mga anak ko.

“Kumbaga, masipag mag-aral, obedient yung mga anak ko, they’re very, very responsible.”

Siya ba mismo ang nagtu-tutor sa mga anak niya?

Saad niya, “Meron silang tutor na very respectful, na itinuturing na nilang parang nanay na rin nila.

“But also, nandiyan rin ako. Pagkauwi, nire-review ko sila.

"Importante rin yung magulang na nakatutok sa mga anak, kasi ano ba naman ang role natin kung hindi tumutok din sa mga anak natin?”



STILL STANDING. Mga pasado ala-una ng hapon pa lang ay dumating na si Claudine sa Marikina RTC, kasama ang kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio, para sa 2 p.m. hearing nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang minuto pa ay dumating na rin ang abugado ni Raymart at nagsabing darating din daw ang aktor.

Tinanong si Claudine kung handa na ba siya sa muli nilang paghaharap ng kanyang estranged husband.

Nakangiting sagot niya, “Ready ba siya?”

Sa mga nakaraang panayam sa aktor, sinabi nitong ibibigay niya ang gustong laban ni Claudine. Ano ang reaksiyon niya rito?

“A, talaga? E, sige,” maikling tugon ni Claudine.



COME OCTOBER. Samantala, may malaki raw pinaghahandaan sa Oktubre si Claudine sa kanyang showbiz career, pero ayaw niyang magbigay ng detalye tungkol dito.

Sabi lang niya, “Oktubre, babalik na, babalik na, at lalaban na tayo.

“Babangon na tayo nang sabay-sabay, at naririnig ko lahat ng gusto nila at lahat yun ay ibibigay ko naman sa kanila.”

Sa kabila raw ng mga intriga at kontrobersiya na kinasasangkutan niya ay nananatiling matatag si Claudine.

Sabi niya tungkol dito, “Nandiyan ang Diyos siyempre, nagpapalakas sa akin. Nandiyan yung mga anak ko, nandiyan yung mga fans ko…

“Maraming taong mga nagmamahal sa akin, yun ang pinakaimportante.”

Tuwing gabi daw ang dasal ni Claudine ay: “Na may purpose ang lahat ng ‘to... kung bakit nangyayari ‘to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN