Former Viva Hot Babes member Jen Rosendahl marries longtime non-showbiz boyfriend

Ikinasal na ang dating Viva Hot Babes member na si Jen Rosendahl sa kanyang longtime boyfriend na si Jules Changco noong Sabado, September 14, sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City. Nahaluan lang ng kalungkutan ang masayang araw sana sa buhay ni Jen dahil nasa ICU noong oras na iyon ang kanyang ama pagkatapos nitong atakihin sa puso.


Naging “madrama” ang pag-iisang dibdib ng dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Jen Rosendahl sa longtime non-showbiz boyfriend nitong si Jules Changco.

Isang simpleng kasalan ang ginanap sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City noong Sabado ng gabi, September 14, na dinaluhan ng mga malalapit nilang kamag-anak at kaibigan.

Kaya “madrama” ang paglalarawan namin sa naturang kasalan dahil sa hindi pagdalo ng ama ni Jen na si Volker Rosendahl.

Isang araw bago ang kasal ni Jen, inatake sa puso ang kanyang ama kaya isinugod ito sa Cardinal Santos Hospital.

Matagal na raw may sakit na prostate cancer ang ama ng dating sexy star at nagkaroon na ng kumplikasyon, na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng sakit sa puso.

JEN’S FATHER. Nakausap ng StarTalk si Jen pagkatapos nitong dalawin ang kanyang ama na nasa Intensive Care Unit (ICU) pa.

Mugto ang mata ni Jen sa kaiiyak, lalo na’t hindi siya naihatid sa altar ng kanyang ama.

Pahayag ng Filipino-German sexy actress, “Nalulungkot ako kasi I’m the only child, di ba? And then, wala naman akong relatives masyado dito.

“Siyempre, every girl wants naman that to walk in the aisle… kaso the doctor said na huwag ko raw ilabas [yung dad ko].

“For me naman, yung my dad’s safety comes first. Super sad lang ako talaga.”

Sa araw ng kasal ay na-late pa si Jen ng dating sa simbahan dahil dumaan pa pala siya sa hospital na naka-wedding gown, para magpakita at humalik sa kanyang ama.

“Gusto ko naman ma-kiss ko pa siya, mayakap ko muna siya bago ako maging misis, di ba?” sabi niya.

Ang mommy ni Jen na si Jocelyn Rosendahl ang naghatid sa kanya sa altar, pero iyak din ito nang iyak dahil hindi nito kasama ang kanyang asawa.

Ang ginawa na lang nila, naka-Facetime sila sa buong seremonya para mapanood ito ng kanyang ama na nasa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi pa rin mapigilan ni Jen na umiyak habang ginaganap ang seremonya dahil nakikita niyang pinapanood ito ng kanyang ama.

Kuwento niya, “I was crying the whole day. Tinanong pa nga ako ng mga friends ko kung gusto ko i-rechedule [yung wedding].

“I asked my dad, siyempre ayaw niya.

"Parang ang akin lang, parang paano naman ako magpakasaya knowing na yung dad ko nasa ICU, di ba? Parang ang hirap din.

“Sabi ko na lang sa daddy ko, ‘I’ll always be your baby girl, and let’s be strong together, we’ll get through this and I love you very much.

“’Thanks for everything ang nothing will change. It will be the same even after the wedding, we’ll always be together.’”

Walang mga dating kasamahan ni Jen sa Viva Hot Babes na naimbita niya dahil wala na raw siyang contact sa mga ito.

Wala ring taga-showbiz na nakadalo sa simbahan, pero pagdating sa reception na ginanap sa Blue Leaf, dumating ang mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN