(UPDATED) Sheree confirms split from live-in partner Gian Magdangal

“Mahal ko pa naman si Gian. Pero mabuting ganito na lang kami, para makapag-decide siya kung ano ang dapat niyang i-prioritize,” sabi ni Sheree tungkol sa paghihiwalay nila ng singer na si Gian Magdangal.


Kinumpirma ng dating Viva Hot Babes member na si Sheree na hiwalay na sila ng live-in partner niyang si Gian Magdangal.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheree at inamin niyang isang linggo na silang hiwalay ni Gian.

Pinag-iisipan pa raw ng sexy actress kung magsasalita pa siya dahil ayaw naman daw niyang magsalita ng makasisira sa singer.

“Mahal ko pa naman si Gian. Pero mabuting ganito na lang kami, para makapag-decide siya kung ano ang dapat niyang i-prioritize,” pahayag ni Sheree.

Nag-uusap pa rin daw sila pagdating sa kanilang anak na lalaki. Pero mukhang tuluy-tuloy na raw ang paghihiwalay nila, dahil mas mabuting mag-focus daw muna sila sa kanilang mga career.

REASON FOR BREAKUP. Medyo alanganin si Sheree sa mga sagot nito nang tinanong ng PEP kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila ni Gian.

Aniya, “Sabi ng sister ko, kung lumabas ang balitang hiwalay na kami, huwag daw ako magsinungaling. Kaya pag-isipan ko pa po muna kung ready na ba akong magsalita.”

Sinundan namin ng tanong kung may third party involved.

“May naririnig ako, pero huwag po muna. Hindi ko pa masasabi,” alanganin pa rin niyang sagot.

Nanghihinayang daw si Sheree sa anim na taong pagsasama nila ni Gian.

Pero sa tagal ng pagsasama nila, parang wala naman daw balak si Gian na magpakasal.

“Kapag tinatanong ko siya, iniiba niya ang usapan. Parang hindi pa rin siya handa, e,” sabi ng sexy star.

Kaya mabuting mag-concentrate na lang daw siya sa kanyang anak at sa trabaho.

Maayos naman daw silang nagkausap at napagdesisyunang maghiwalay, kaya wala raw siyang sasabihing ikasisira ng dating karelasyon.

GIAN’S SIDE. Tinawagan ng PEP si Gian para kunin ang kanyang panig, pero hindi ito makapagsalita nang maayos dahil nasa rehearsal daw siya.

Nag-text lang ito sa PEP na hindi siya makapagbigay ng statement bilang respeto na lang kay Sheree at sa pamilya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang pinag-usapan po namin is between us, and I consider it personal,” saad ng bahagi ng text message ng singer-stage actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN