Sheena Halili denies undergoing breast enhancement: “Hindi, ‘no! Ayoko!”

Sheena Halili on what she wants to do on her next project: “Gusto ko namang magpakilig—iyon na lang ang hindi ko nagagawa. Nagawa ko na ang magpatawa, nakapag-horror na rin ako—magpakilig naman.”


Nakasandong puti lamang si Sheena Halili nang humarap siya sa ilang members of the press sa last taping day ng pinagbibidahan niyang early primetime series na Binoy Henyo.

Ginanap ang location shooting sa Bago Bantay Elementary School sa Quezon City noong Linggo, September 15.

Sa suot niyang sando ay kapansin-pansin ang malusog na dibdib ng Kapuso actress. Kaya pabiro namin naitanong sa kanya kung sumailalim ba siya sa breast enhancement.

“Hindi, ‘no! Ayoko!” mariing tanggi niya.

“Ang pangit, ang liit ko tapos... di ba?”

Masaya na raw siya kung ano man ang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

“Oo, okay na ito,” sabi ni Sheena.

Tumanggi rin siyang sabihin kung ano ang bustline niya.

“Huwag nang sabihin yung size sa tao, happy naman ako.

“Pangit naman kung... hindi lang ako halata na may ganito kasi hindi ako masyadong nagsusuot ng [sexy], puro T-shirts.”

Tinanong na raw siya dati ng GMA Artist Center kung payag siyang mag-pose for FHM.

“Matagal na, i-keep ko na lang ito, puwede?” at tumawa si Sheena.

“Sa atin-atin na lang... huwag na, huwag na, sa akin na lang ito.”



NEXT PROJECT. Ano ang next project niya sa pagkatapos ng Binoy Henyo, na magtatapos na sa Biyernes (September 20)?

“Wala pa po, sana pinagpe-pray ko pa pero sana meron... kailangan!” tawa na naman niya.

Tiyak namang hindi siya mababakante sa trabaho dahil may network contract pa siya hanggang February of 2014. Magre-renew ba siya?

Tugon ni Sheena, “Pag-uusapan pa yung kontrata ko, e.”

Ano ang plano niyang gawin pagkatapos ng Binoy Henyo?

“Siyempre tatanggap pa rin po ako ng mga guestings, ng mga raket sa labas.

“And iyon, papasyal with my family, birthday ng mommy ko sa 29.

“Tapos, meron ding offer sa amin na indie film, kaming dalawa ni Luis [Alandy].

“Pero hindi ko alam kung matutuloy siya this month or imu-move yata ng February, pero sana hindi ma-move.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang horror movie ang pagsasamahan nila ni Luis, na leading man din ni Sheena sa Binoy Henyo.

Ayaw raw niya ng indie movie na bold and daring.

“Hindi ako puwede sa sexy, hindi ako papasa doon.”



GOOD FRIENDS. Matalik na magkaibigan sina Sheena at Marian Rivera, at isa si Sheena sa natuwa nang muling pumirma si Marian ng kontrata bilang isang Kapuso artist.

Sai niya, “Siyempre naman, siyempre naman.

“Nagkita kami sa regional [show] sa Batangas, pero hindi pa siya nakakapirma noon. Pero doon kami last na nagkita at nag-usap.

“At saka nag-text siya sa akin noong minsan, parang may pinost ako sa Instagram, tapos nag-text lang siya sa akin.

“Siyempre naman, masaya ako na nag-stay siya sa GMA.

“At least, may possibiltiy pa rin na makatrabaho ko siya ulit, gusto ko yun!”

FOR A CHANGE. Ano ang proyektong gusto sanang gawin ni Sheena matapos gumanap bilang isang ina sa Binoy Henyo?

Sabi niya, “Gusto ko namang magpakilig!

“Parang feeling ko, iyon na lang ang hindi ko nagagawa, e.

“Nagawa ko na ang magpatawa, nakapag-horror na rin ako—magpakilig naman.”

Sino ang gusto niyang makapareha?

“Puwedeng si Luis, gusto ko rin si Dennis [Trillo] tsaka si Tom [Rodriguez]!

“O, di ba, bilang hot sila ngayon?” pagtukoy niya sa mga bida ng My Husband’s Lover.

“Gusto ko rin si Alden [Richards] kaya lang younger sa akin, pero hindi naman halata. Wow!” at tumawa si Sheena.



ROCCO NACINO. Okay lang ba na gumawa ng proyekto kasama ang dati niyang “special friend” na si Rocco Nacino?

Tahimik na tumango lamang si Sheena.

Nakapag-usap na raw sila ni Rocco, pero tumanggi si Sheena na ikuwento pa kung ano ang napag-usapan nila.

Hindi yata niya nabanggit si Rocco sa mga gusto niyang posibleng makapareha sa isang kilig project?

“Okay na yun, past na yun, e, huwag nang ulitin!” at natawa muli si Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero papayag naman daw siya kung may project sila together ni Rocco.

“Oo naman, okay lang.”



UNFORGETTABLE. Ano naman ang pinakagusto niyang eksenang nagawa niya sa Binoy Henyo?

“Pinakagusto ko na hindi ko makakalimutan, yung first na iyak ni Binoy.

“Yung nagpaalam ako na nalaman niya na pupunta ako ng ibang bansa.

“Sobrang ano... ang sarap lang ng feeling na talagang nag-connect kami ng bata doon sa scene na iyon.”

Ang child actor na si David Remo ang gumaganap bilang Binoy Henyo.

“And alam mo yun? Kahit ako yung nandoon sa eksena, first time ko na ako yung umiiyak sa eksena.

“Tapos, naiyak din ako habang pinapanood ko siya. So gusto ko siya.

"Tapos yung ending namin, nakunan na namin yung ending namin.

“Secret kung ano yun—basta panoorin ninyo, maganda siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN