Mara Lopez on doing more nude scenes: “If it’s an acting piece, magaling ang director, magaling ang storyline, script, why not?”

Mara Lopez on working with Superstar Nora Aunor in Ang Kwento Ni Mabuti: "When I met her, grabe, parang family niya agad—ang warm ng welcome niya sa lahat. She’s an encouraging and real person, in a way na… Like, we did a scene na medyo mabigat, ini-encourage ka niya na, ‘Etong batang ito, ang galing.’ Tapos bibigyan ka niya ng… hindi naman pointers, but she really encourages you."


Aminado si Mara Lopez na-starstruck siya sa Superstar na si Nora Aunor nang makasama niya ito sa indie film na Ang Kwento Ni Mabuti.

Ang naturang pelikula, na idinirek ni Mes de Guzman, ay kalahok sa CineFilipino Film Festival.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mara sa presscon ng CineFilipino sa Resorts World, Parañaque City last week, inamin niyang natakot siyang mag-shooting kasama si Nora.

Kuwento niya, “Nag-guest kasi si Mommy [Maria Isabel Lopez] sa show dati ni Nora, yung Superstar.

“Tinanong ko si Mommy kung mabait ba si Tita Guy. Sabi naman niya, oo, mabait daw, kasi nakasama na niya.

“Siyempre, kinakabahan ako kasi ang role ko dito, anak niya [Nora].

“So, lahat ng eksena ko, almost everything, was with her. Kaya tinanong ko yung mommy ko kung how was she, ’Mataray ba siya or ganyan?’

"Sabi naman ng mom ko, ’No, mabait ’yan.’

“So when I met her, grabe, parang family niya agad—ang warm ng welcome niya sa lahat.

“She’s an encouraging and real person, in a way na…

"Like, we did a scene na medyo mabigat, ini-encourage ka niya na, ‘Etong batang ito, ang galing.’

“Tapos bibigyan ka niya ng… hindi naman pointers, but she really encourages you.

“Kasi she knows na ako, nag-start talaga ako sa independent cinema and this is what I really wanna do forever.

“I realized that now na—I wanna act.

“So siyempre, si Ate Guy, since she was young and until now, she’s still acting. So, parang she’s an inspiration to me.

“So, yun ang isang reason kung bakit ako na-starstruck sa kanya.”



MEMORABLE SCENES. Isa raw sa memorable moments niya with Nora ay ang pagsa-shopping nila sa ukay-ukay para kunan ang kanilang eksena.

Kuwento ni Mara, “That’s one of those lang, marami pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang role ko dito, anak niya na nagkaroon ng tatlong babaeng anak na lahat panganay.

“At every time na nanganganak ako, iniiwan ko sa kanya.

“So, makikita mo yung unconditional love ng isang ina, napakabait niya. Pero yung lola ko, nagagalit sa akin.

“So doon sa eksena, sinabi kong buntis uli ako, so nahimatay si Lola.

“Binubuhat namin si Lola, tapos si Ate Guy, nahuhubaran na sa eksena. After that, tawa lang kami nang tawa.

“Marami pa kaming memorable times together, like, pag gabi na, sabay-sabay kaming kumakain.

"Kasi we stayed in a resort. Ako, two days lang doon, so breakfast, magkakasama kami, then dinner.

“Sumasama rin siya sa amin and game na game siya, ang daming nagpa-picture sa kanya lalo na sa ukay-ukay.

“She loves her fans like her family.”



FRONTAL NUDITY. Sa indie film niyang Palitan (2012) ay nagkaroon ng frontal nuditysi Mara. Posible ba niyang gawin ulit ito sa mga susunod niyang pelikula?

Sabi ni Mara, “Yung Palitan kasi for me is once in a lifetime.

"I did it to level up, I did it to show that I’m an actress.

“I didn’t do it para magkaroon ng award.

“Naging masuwerte lang ako na napansin ako ng jury and I won best actress, with my co-actor Alex Medina."

Nanalong Best Actress si Mara sa Cinema One Originals Festival noong 2012 dahil sa pagganap niya sa Palitan.

Patuloy niya, “I’m sure naiintindihan ninyo kung bakit ko ginawa yun, kasi I’m in a standstill with my career na I wasn’t doing much on TV.

“I wanted to show that this I wanna do.

“When I did Palitan, it was an acting piece.

“Now, if I get to be offered another movie na kailangang magpakita, if it’s an acting piece, magaling ang director, magaling ang storyline, script, why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even if it’s frontal nudity, why not?

"Kasi yung sa Palitan, parang secret camera na naliligo ako, e.

“Pero para sa akin, I’m very comfortable with my own body.

"I’m such an artistic person, like my mother who’s very artistic.

“But I wanna do a film that will only titillate men, ayokong gumawa ng movie para lang maging horny yung mga guy.”

May kalaban na nga raw si Mercedes Cabral sa paghuhubad sa pelikula sa katauhan ni Mara. Ano ang reaksiyon niya rito?

Sabi niya, “Mercedes Cabral is Mercedes Cabral... Maria Isabel Lopez is Maria Isabel Lopez.”



SUPPORTIVE PARENTS. Ano ang sinasabi ng kanyang ama na si Hiroshi Yokohama, isang Japanese, sa ginagawa niyang frontal nudity?

Ayon kay Mara, “That’s funny ’coz my daddy was in Porno of Adolf Alix. Siya yung nang-rape kay Angel Aquino, so may bed scene sila ni Angel.

“He was also in Adolf Alix’s Death March [topbilled by Zanjoe Marudo and Sam Milby].

“My mom and dad are very liberated and all that.

“Sa Palitan, hindi pinanood ni Daddy noong una, nasa premiere night siya pero hindi siya nanood, nag-text lang siya.

“Noong nanalo akong best actress, sabi niya, ‘Sige, papanoorin ko na.’”

Matagal nang naninirahan sa Pilipinas ang ama ni Mara at ito ang kauna-unahang nagtayo ng surfing school dito sa bansa.

“Siya ang surfing masters nina Jericho Rosales, Paolo Soler, Solenn Heussaff, Raymond Bagatsing...

“Lahat ng mga artistang magagaling sa surfing, siya ang nagturo.”

Matagal na raw hiwalay ang kanyang mommy at daddy.

Ayon kay Mara, “Pero yung family namin, they remain close for the kids.

"Kasi ako, best friend ko si Mommy and ganoon din yung Papa ko.

“Wala pa [other family] ang Papa ko, meron siyang mga anak sa first wife niya.

“I have half-brothers and sisters sa first wife niya, pero halos sabay-sabay kaming lumaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, weird yung family ko kasi lahat kami, one big happy family kahit hiwalay na sila—friends pa rin sila kahit hiwalay na sila."

Pagbubuking pa nga ni Mara, “Ayaw na raw nga ni Mommy [makipagbalikan]… Mommy is very much single and available.

“Yung mga guys na gustong manligaw sa kanya, please! Hindi ako kokontra, basta mabait lang.”



NO TO BEAUTY PAGEANTS. Tuluyan naman nang kinalimutan ni Mara ang pagnanais niyang lumahok sa beauty pageants, gaya ng kanyang ina na si Maria Isabel Lopez na nanalong Bb. Pilipinas-Universe noong 1982.

Rason ni Mara, “Ngayon daw kasi, may height requirement na raw. I’m 5’2” kaya siguradong hindi ako papasa.

“Yung time kasi ni Mommy, walang height requirement naman.

“Sa akin, given the opportunity, why not? Kaya lang, naghubad na ako sa film, ayaw nila ng ganoon.

“So siguro, iba talaga ang path ko.

“Pag sumali pa ako ng beauty pageant, parang yung ginawa ni Mama, finallow [followed] ko lang exactly.

“That’s what I’m trying to do, to have my own image.

“I’m a Christian, I’m close to… this is what I love to do—acting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN