Sid Lucero surprised by Heart Evangelista’s admission that they dated last year

Sid Lucero on brief romance with Heart Evangelista: "Yeah, we were dating. But, I think it was more of... sakto kasi we were there for each other at a certain point of our lives. It just happened. It was spontaneous. And it abated on its own."


Halatang nagulat si Sid Lucero sa biglaang pag-amin ni Heart Evangelista tungkol sa naging ugnayan nila noon.

Sa ginanap na press conference ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? kagabi, September 17, walang sabi-sabing ibinunyag ng aktres na may ilang beses din silang nag-date ni Sid noong una silang nagkatambal sa teleseryeng Legacy (2012).

Sabi ni Heart, “Pag may chismis, minsan totoo naman. Nag-date kami for a time. We were friends. Then we went out for a couple of times. I will never lie.”

Habang nagsasalita ang aktres, kapansin-pansin na bahagyang ninerbiyos si Sid dahil napainom ito ng tubig, at saka natatawang sinabi kay Heart, “Warning muna, ha?”



DATING HEART. Hindi akalain ni Sid na mauungkat ang nakaraan nila ni Heart dahil hindi naman nauwi sa seryosong relasyon ang pagde-date nila noon.

Todo-paliwanag tuloy ang aktor dahil dati-rati ay itinatanggi nila na nagkaroon sila ng ugnayan.

“Hindi... well, parang tuloy sinungaling ako!” natatawang pahayag ni Sid nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters pagkatapos ng press conference.

“No, but don’t take it against me. I’m just respecting the other person.

"It’s really not about my privacy anymore. Respeto lang naman sa isa’t isa.”

Ang kagandahan nito ay hindi na nila kailangan magsinungaling tungkol sa nakaraan nila ni Heart.

“Siyempre nagulat ako. Gulat na gulat nga ako [na inamin niyang nag-date kami dati].

“At least, it’s gonna be easier to talk to you guys, because I don’t have to think of weird alibis!” natatawa pa ring saad niya.

Nang tanungin si Sid kung maituturing ba niya si Heart bilang “the one who got away,” ipinaliwanag nito na hindi nabigyan ng pagkakataong lumalim ang ugnayan nila.

Nagkataon lang daw na naging malapit sila sa isa’t isa dahil pareho silang kagagaling sa breakup noon—si Heart sa dating nobyo na si Daniel Matsunaga, habang si Sid ay kahihiwalay rin kay Bea Lao noong panahong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Sid, “No, I wouldn’t say so [that Heart is the one who got away].

"I wouldn’t even say that it’s what you’re thinking, that kind of relationship.

“Yeah, we were dating. We would see each other.

"But I think it was more of... sakto kasi we were there for each other at a certain point of our lives.

“And I think the relationship, more than anything, became part of our growth as individuals.”

Ngunit hindi nagtagal ay napagdesisyunan nila na mas mabuting manatili silang magkaibigan.

“It’s not that it didn’t work. There was no pursuing in any way.

“It just happened. It was spontaneous. And it just abated on its own.

"And then, parang we’ll see each other. ‘How are you?’ ganyan-ganyan.”

Hindi raw nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila kahit pa naudlot ang kung anumang namagitan sa kanila.

Giit pa ng Kapuso actor, “Hindi nga negative yung effect nung dating phase na yun, e. It was very constructive para sa amin.

“That’s why we’re friends. If it was more than that, I don’t think anybody will be friends just like that.

“Kahit gaano ka-professional, medyo mahirap yun. We’re really good friends.”

BACK TO WORK. Sa katunayan ay hindi nagdalawang-isip si Sid na magbalik-tambalan sila ni Heart sa Magkano Ba Ang Pag-ibig?.

Saad niya, “Wala naman problema.

"They asked me naman, ‘Do you have any problem working with anybody?’ Sabi ko, ‘No, none at all.’

“I was really excited. Number one, because you’re given someone whom you’ve already worked with before, who knows you a bit more than anybody else.

"And that gives you a sense of comfort with each other.”

Kabisado na raw nila ni Heart ang isa’t isa pagdating sa trabaho kaya mas maayos nilang nagagawa ang mga eksena nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It gets to a point where hindi n’yo na kailangan mag-usap. Alam mong sasaluhin ka niya, pag alam niya na may darating na buckle or whatever.

"I think yun ang pinakaimportante sa lahat.”



NO REGRETS. Hiningan din ng opinyon si Sid tungkol sa current boyfriend ni Heart na si Senator Chiz Escudero.

“I don’t know what you mean by that,” sabi ni Sid, na halatang ayaw panghimasukan ang personal na buhay ng aktres.

Wala raw kasi siya sa posisyon na magkomento dahil hindi naman talaga nila napag-uusapan nang husto ang kani-kanilang love life.

Wala ba siyang regrets na hindi sila nagkatuluyan ni Heart?

“No, no way," sagot ni Sid.

Dagdag pa niya, “Kasi yesterday, it was my first day sa taping. Siyempre, may small talk. Magkukuwento siya.

"Sabi ko, ‘You’re looking really well.’ It’s obvious that she’s in a good place.

“But still, I wouldn’t call it opening up about lovelife. It’s basically nag-uusap lang.

"Medyo open naman kami sa isa’t isa with the things that happened. I don’t think it’s anything special.”

Si Sid naman ay masaya na rin sa kanyang buhay-pag-ibig ngayon, lalo na’t may anak na sila ng nakabalikan niyang girlfriend na si Bea Lao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN