Alessandra de Rossi on being loveless for six years: "Wala pa lang akong nakikitang lalaki na pareho kami ng gusto sa buhay."

Sa edad ngayon ni Alessandra de Rossi na 29 ay puwedeng-puwede na siyang lumagay sa tahimik at magkaanak. Sabi niya tungkol dito, "Ako naman, parang ayoko naman ng baby lang. Siyempre gusto ko may daddy yung baby ko na partner ko talaga. So ayoko naman ng… dahil sa ganito, kailangan kong magmadali... Malay ninyo, magma-madre pala ako! Who knows? Bagay na bagay naman sa personality ko!”


Wala raw kaso kay Alessandra de Rossi kung kontrabida o bida ang gagampanan niyang role sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Magkano Ba Ang Pag-ibig?.

Bukod sa pagkakaroon ng bagong project ay masaya ang aktres dahil makakasama niyang muli ang kaibigang si Heart Evangelista. Unang nagkasama ang dalawa sa primetime series na Legacy (2012).

“Yung suweldo ko dito, pangbida! Pero yung pagod, hindi!” natatawang sabi ni Alex, palayaw ni Alessandra, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? kagabi, September 17.

Dagdag niya, “Sabi nila mabait ang role ko, awa ng Diyos!

“E, ako, kahit naman anong role ang ibigay sa akin, salbahe o mabait na character, okay lang sa akin. Basta okay naman siya… challenging.

“Pero talagang happy ako being able to work with Heart again.”

Since gamay na niya ang pakikipagtrabaho kay Heart, wala na bang adjustments sa muli nilang pagsasama?

“No. Bakit naman kailangan kong mag-adjust kay Heart?

“Ang kailangan ko lang mag-adjust ay yung pagdadala niya ng aso sa loob ng dressing room!" tawa na naman ni Alex.

Kuwento niya, “Minsan sa taping namin, nagulat ako na pagbalik ko, may aso na naglalakad sa kama. Sabi ni Heart, tabi raw kami!

“Ako naman, ‘No! Sa iyo na lang ‘yang kama na ‘yan. Tabi na lang kami ni Ana Capri!’” tukoy niya sa isa pa nilang co-star sa teleserye.

“Natatawa lang naman si Heart, wala namang issue sa akin ang aso—ang cute kaya ng mga aso.

“Hindi ko lang ma-get yung konsepto ng aso na nasa kama, hindi ko talaga kaya!"



INTO COOKING. Matagal-tagal nabakante sa showbiz si Alex, pero nakapagsimula na siya ng iba pang projects.

Sabi niya, “Pero happy ako na may trabaho ulit. And katatapos ko din lang ng isang indie film sa Cinema One Originals na Woman of the Ruins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, may iba pang movie na under negotiation pa.

“Kapag wala naman akong schedule sa trabaho, nasa bahay lang ako.

"I’m into cooking lately, e. Gusto ko kasing magkaroon ng cooking show. Charos!” tawa niya uli.

Sabi pa niya, “Napagod kasi ako sa arts, ayoko na ng music, ayoko na ng painting.

“Na parang… puwede bang mga totoong dapat ko ring matutunan sa buhay? Yung mga dapat kong gawin sa araw-araw, gaya ng pagluluto?”

Naniniwala ba siya sa kasabihang "The best way to a man’s heart is through his stomach"? At plus factor sa paningin ng lalaki na magaling magluto ang babae?

Tugon ni Alex, “May iba rin naman kasing maarte sa pagkain, e, pero I guess dagdag ganda points sa babae kung magaling magluto.

“Pero hindi rin naman issue iyon, kasi ang dami kong nakikita, twenty years nang kasal, yung asawa hindi marunong magluto. And yet, nagtatagal sila, di ba?"

Dahil sa paunti-unti nang nagsasawa si Alex sa kanyang hobbies, mayroon naman siyang ibang ibig pasukin.

“After ng cooking, gusto ko namang mag-mekaniko!” tawa na naman niya.

“Tambay-tambay naman sa talyer para alam ko ring mag-ayos ng car.

“You never stop learning, ‘ika nga.”



LOVELIFE. Wala raw lovelife ngayon si Alex. Pero kung papansinin ang masayang aura niya ngayon, parang meron?

Sabi niya, “Happy lang kasi ako—happy sa work, happy rin sa buhay kahit walang lovelife.”

Bakit nga ba wala siyang lovelife?

“E, busy kasi ako.”

Baka naman tomboy siya?

“Malapit na akong mag-out! Kaya lang humaba ang buhok ko kaya sabi ko, huwag na lang,” sakay naman niya sa aming biro.

“Sa ngayon kasi, wala rin akong moment na maka-meet ng lalaki, hindi naman ako lumalabas ng bahay.

“Tapos, taping lang. Wala naman akong nakikitang kaaya-aya sa taping.

“Hindi naman sa hindi sila kaaya-aya, wala lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa lang akong nakikitang lalaki na pareho kami ng gusto sa buhay—o baka naman kasi wala talagang ganoon.”



SUITORS’ QUALITIES. Ano ba ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki?

“Ayoko ngang sabihin!” tawa na naman niya.

“Mamaya malaman niya, tapos sasabihin niyang siya na pero kunyari lang. Siyempre secret muna.”

Masyado ba siyang picky pagdating sa lalaking sunod niyang mamahalin?

“No!” diin niya. “Dyusko, kapag in-enumerate natin ang mga naging dyowa ko, parang hindi naman ako ganoon ka-picky!

“Yung last relationship ko, nag-end noong 2007. Tapos simula noon, wala na talaga.

“Lahat naman ng relationship, nagwi-wish ka at gusto mo iyon na iyon. Kaya lang, hindi nag-work.

“Trial and error lang naman ang love, di ba? Hanggang sa finally ay matapatan mo na yung talagang kayo na nga.

“So, parang ayoko na muna ng mga trial-trial, di ba?

“Mas masaya yung single na lang, na aalamin mo muna kung ano yung gusto mo talaga.

“And then kapag nakita mo iyon, congratulations naman, di ba?”

Naniniwala ba siya sa love at first sight?

Sabi ni Alex, “Hindi naman spark na yung may kilig, pero naniniwala ako yung sa…

“May isang tao kang makikita, tapos from the start, sobrang interesado ka talaga sa kanya.

“Na hindi mo maintindihan kung bakit, pero wala namang malisya. Yung… gusto mo lang makilala, may hiwaga. May ganoon?

“I guess it’s spark too, you know, may ganoon. Parang ganoon.”



MARRYING AGE. Twenty-nine years old na ngayon si Alex at nasa tamang edad na upang lumagay sa tahimik. Wala ba siyang nararamdamang pressure kaugnay nito?

Sagot niya, “Actually, sila ang napi-pressure, yung mga tao sa paligid ko.

“Na, ‘Alex, dapat ang babae, magkaroon ng baby before the age of thirty.’

“Ako naman, parang ayoko naman ng baby lang. Siyempre gusto ko may daddy yung baby ko na partner ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ayoko naman ng… dahil sa ganito, kailangan kong magmadali.

“Or kung ibibigay naman, ibibigay naman. Kung hindi, hindi para sa iyo.

“Malay ninyo, magma-madre pala ako! Who knows? Bagay na bagay naman sa personality ko!” biro na naman niya.

Hindi ba nagtatanong yung mommy niya tungkol sa plano niyang magmahal ulit, mag-asawa, at mabigyan na niya ito ng apo?

“Bago niya ako tanungin, tanungin muna niya yung anak niyang eleven years nang kasal kung kailan siya bibigyan ng apo, di ba?”



SISTER ASSUNTA. Ang tinutukoy ni Alex ay ang ate niyang si Assunta de Rossi, na asawa ni Congressman Jules Ledesma.

“Bakit ako ang guguluhin niya, e, nananahimik ako?” tawa na naman niya.

“Si Assunta, gusto na niya talagang magka-baby.

“Kaya lang… siyempre eleven years na silang kasal, so alam mo iyon? Baka mahirap lang talaga for them.”

Gusto niya bang isang pulitiko rin ang mapapangasawa niya gaya ni Assunta?

“Parang hindi ko yata makita ang sarili ko na ganoon.

“At saka ang feeling ko, kapag politician’s dyowa, dapat ganyan!” sabay astang poised na poised.

“Hindi ko naman kaya, parang makakasira pa ako sa image niya!

“Tingin ko, bagay sa akin yung mga barangay tanod!” natatawang sabi ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN