Gwen Zamora will miss playing Faye Kabisote in MMFF this year

Magbubukas ng restaurant business si Gwen Zamora kasosyo ang tatay niya at boyfriend na si Raymund Romualdez. Kuwento niya, “Since I love to cook, my dad loves to cook as well, and he knows this kind of business, might as well go on with it, di ba? And Raymund nga loves to eat kaya he wants to be part of this business na rin.”


Nalulungkot si Gwen Zamora dahil for the first time in three years ay wala siyang pelikula para sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Gwen kasi ang laging gumaganap na Faye Kabisote sa mga pelikulang Enteng Kabisote ni Vic Sotto.

Una siyang gumanap sa naturang role noong 2010 sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Sumunod ang Enteng Ng Ina Mo noong 2011 at nSi Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako noong 2012.

Ngayon taon, ang Torky and My Little Bossings ang entry ni Vic sa MMFF. Kasama niya sa pelikulang ito sina Kris Aquino, Aiza Seguerra, Ryzza Mae Dizon, at ang anak ni Kris na si Bimby.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwen sa last taping day ng Binoy Henyo sa may Batasan Hills, Fairview, Quezon City, noong September 15.

Sabi ng Kapuso actress, “It’s sad nga na this Christmas, wala akong movie sa Metro Manila Film Festival.

“I got used pa naman to being busy during that time and joining the parade on Christmas Eve.

“I did that for three straight years, kaya nga wala akong bakasyon during Christmas because I’m helping out sa promotion ng movie.

“Ngayon, wala akong movie because Bossing Vic is fielding a different a movie.

“Mami-miss ko lang playing Faye Kabisote at yung nagwe-wave kami sa mga tao kapag may parade.”



EUROPE TRIP. Kaya sa darating na Pasko ay baka lumipad sa Europe si Gwen dahil kinuha siyang local celebrity endorser ng KLM Airlines.

Baka raw sa Amsterdam, Netherlands siya mag-Pasko kasama ang kanyang mga magulang.

Hindi raw niya makakasama ang kanyang boyfriend na si Raymund Romualdez sa trip niyang ito.

Sabi ni Gwen, “It’s a family trip kasi.

“I think this is the first time na magkakasama kaming buong family on a Christmas vacation, matagal din kaming hindi nagkasama-sama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Since I won’t be busy this Christmas, kasi wala naman akong movie to promote, nag-plan na kami ng vacation namin.

“I would love to have Raymund sana on our trip, pero he has his own Christmas thing with his family here.

“Kaya mag-Skype-Skype na lang kami during the Holidays.”



FAMILY BUSINESS. Bago matapos ang taon ay magbubukas daw ng sariling restaurant business si Gwen.

Magiging kasosyo niya ang kanyang boyfriend at ang kanyang ama na magre-resign na bilang hotel manager sa Dubai.

Kuwento ng aktres, “My dad decided na to stay put na lang here in the Philippines and mag-restaurant business na lang kami.

“I guess napagod na rin siya working there and he wants to take it easy naman and start our own business… at least he’s the boss na.

“Since I love to cook, my dad loves to cook as well, and he knows this kind of business, might as well go on with it, di ba?

“And Raymund nga loves to eat kaya he wants to be part of this business na rin.

"He will be handling the paperworks of the business, ako sa kusina naman!” tawa niya.



OFF-THE-AIR. Sa Biyernes, September 20, na ang huling episode ng Binoy Henyo sa GMA-7 at feeling relieved si Gwen dahil na-survive niya ang nine weeks ng show.

Gumanap dito si Gwen bilang kontrabida ni Sheena Halili.

“Sa totoo lang, I enjoyed playing kontrabida to Sheena.

"We are actually having fun pa nga kapag may eksena kami ni Sheena.

“Si Sheena kasi, she’s such a funny girl. Kapag may scene na I need to be hard on her, pinapatawa niya ako.

“Kasi nga, she makes these funny faces and she pretends to overact the scene. Kaya I can’t stop laughing at her.

"E, ang role ko, kailangan mean at cold ako—nawawala ako sa character when Sheena starts doing her thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will definitely miss the crew of Binoy Henyo, they have been such darlings sa aming lahat.

“And of course, sa whole cast—we worked so good together kaya it’s sad na we have to say goodbye na to one another.

“Sa ngayon, wala pang new show but they can still see me sa Bubble Gang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN