Dominic Roco on friend JM de Guzman’s personal struggles: "I don’t like to think it’s true."

Ipinagtanggol ni Dominic Roco ang sarili at iba pa niyang mga kaibigan sa akusasyong naging masamang impluwensiya sila sa aktor na si JM de Guzman. Sabi niya, “Kaya ako nasaktan, kasi people pointed fingers at us, e. People only saw our troubles, they didn’t see our struggles. Kaya it’s a sensitive issue.”


Nine years na pala sa showbiz si Dominic Roco.

Pagbabalik-tanaw ng aktor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ang presscon proper ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? ng GMA-7 kagabi, September 17, nagsimula sila ng kakambal niyang si Felix sa “cutie roles.”

“I started fourteen… fifteen [years old]. Candy cutie pa kami nun!” natatawang sabi nito.

Pero kahit daw parang “see-saw” ang showbiz career ni Dominic sa siyam na taon na iyon, marami na raw siyang natutunan sa larangang ito.

Nag-mature din daw siya sa mga leksiyong ito—both as a person and as an actor.

“I could say na I have matured a lot dahil I can handle my own problems. I can make my own decisions.

“Nagpapasalamat din ako sa mga kaibigan ko na kung hindi dahil sa kanila, hindi ko mahal ang trabaho ko.

“Kung hindi dahil sa kanila, I know I would not love my job as much as I love it now.

“Sila ang nagbukas ng mata ko sa trabahong ito,” aniya.

Nabanggit ni Dominic sina Alywyn Uytingco, Carlo Aquino, Alchris Galura, at JM de Guzman sa ilang kaibigan niya sa showbiz.



JM DE GUZMAN. Pero nang matanong ang aktor tungkol kay JM—na balitang may pinagdadaanang “krisis” ngayon sa buhay—halatang iwas si Dominic na mapag-usapan ito.

Aniya, “No comment. It’s a sensitive issue.

“Ever since, and I’ve said it before, I see JM as a mentor.

“Kaya ganito ako umarte, kaya ganito ang tingin ko sa industriya, dahil sa kanila [his friends].

“Sila yung nag-udyok sa aking mag-indie, sila yung nagpasok sa akin.

“If it weren’t for them, I wouldn’t be doing this stuff for sure.”

Patuloy ni Dominic, “Kaya kami naging close talaga, we talk with each other, yung pinag-uusapan namin what is happening as friends.

“We talk about the industry, what we want to happen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know if this is right, pero before, we don’t want to do these things.

“We wanted to stay true to yourself. Yung I don’t want to change my image because they’re telling me to change my image. I want to stay as me. We want to stay as ourselves.

“Feeling ko, kaya kami... we bonded really good kasi all of us has the same vision.”

Kailan niya huling nakasama si JM?

Sabi ni Dominic, “The last time I saw JM was a year ago.

“Whatever JM is going through, I really hope he’s doing good.

“Kasi, honestly, I really don’t know where he is.

“I’ve heard… pero I don’t like to think it’s true.”

Pero inilabas na rin ni Dominic ang kanyang saloobin sa isyu tungkol kay JM dahil sila raw mga kaibigan nito ang itinuturong naging masamang impluwensiya rito.

“Kaya ako nasaktan, kasi people pointed fingers at us, e.

“People only saw our troubles, they didn’t see our struggles. Kaya it’s a sensitive issue,” napapailing na pahayag ng aktor.



MOST CHALLENGING ROLE. Sa Magkano Ba Ang Pag-ibig?, isang binatang autistic ang role ni Dominic na nais ipakasal ng kanyang ina (Celia Rodriguez) sa empleyado nito na ginagampanan ni Heart Evangelista.

Puna ng ilang press, base sa ipinakitang trailer ng teleserye, ang role na ito ay pang-acting award.

Ngunit pahayag ni Dominic, “Honestly po, hindi ko iniisip na yung ginagawa ko, pang-award.

“Gusto ko lang pong bigyang justice yung character, and I don’t like to think na I’m doing this for an award.

“I could honestly say, this is the most challenging role na gagawin ko po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN