Heart Evangelista reveals secret of strong relationship with Senator Chiz Escudero

Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ni Heart Evangelista sa relasyon nila ni Senator Chiz Escudero, nananatiling matatag ang kanilang pagsasama. (Inset) Makikita si Heart at si Kim Jones, ang fiancé ni Jericho Rosales, na siyang boyfriend dati ni Heart.


Dumalo si Senator Chiz Escudero sa launching ng kasintahang si Heart Evangelista bilang isa sa pinakabagong ambassador/endorser ng brand watch na TechnoMarine, sa Opus Bar ng Resorts World, kagabi, September 17.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart sa event, tinanong namin kung ano ang nararamdaman niya sa suportang ibinibigay sa kanya ni Senator Chiz.

“I’m very happy, kasi alam kong he’s very busy, pero he is here with me, kaya nakakatuwa,” sagot niya.

ENGAGEMENT. Present din sa naturang event si Kim Jones, ang fiancée ng ex-boyfriend ni Heart na si Jericho Rosales. Nagkasama pa nga sina Heart at Kim sa stage.

Ano ang reaksiyon ni Heart sa pagkikita nila ni Kim sa event?

Sagot ng Kapuso actress, “Yeah, actually I’m not so familiar with her, how she looks like, nagulat na lang ako.

“Pero you know, nakakatuwa.”

Nag-usap ba sila?

“No, kasi I don’t know her, e.”

Ano naman ang masasabi niya sa engagement nina Jericho at Kim?

“I’m very happy for both of them,” maikling tugon ni Heart.

Sila ba ni Senator Chiz ay wala pang planong lumagay sa tahimik?

“Not yet!” bulalas ni Heart.

May dream wedding ba siya?

“Wala akong dream wedding, e. I just want na kasama ko yung dream guy ko.”

Ano ang sikreto ng relasyon nila ni Senator Chiz?

“Not making such an effort, letting go, and love each other—that’s the most important thing,” sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN