Robi Domingo wants to be a Ryan Seacrest

“For me, gusto ko...maging Ryan Seacrest, ganon yung path...may online show, mayroong radio show, at mayroong TV show,” kuwento ni Robi Domingo, na siniseryoso ang pagho-host.


Absent si Toni Gonzaga sa live-performance night ng The Voice of the Philippines noong Linggo, September 15, 2013, kaya ang mga online at backstage hosts ng show na sina Robi Domingo at Alex Gonzaga ang panandaliang humalili para maging main hosts of the episode.

“That was a big eye-opener for me, kasi kaming dalawa ni Alex, hindi kami sanay na facing the crowd,” simula ni Robi sa interview sa kanya sa Technomarine press conference, na ginanap sa Opus Bar in Resorts World Manila, noong Setyembre 17, Martes.

Dagdag ni Robi sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “A new experience for the both of us, but we hope it won’t be the last.”

Apart from the usual backstage interviews, nagbibigay sina Robi at Alex ng updates sa social networking sites ng The Voice of the Philippines.

Kwento ni Robi, maaga silang na-inform na siya at si Alex muna ang magiging main hosts noong Linggo, pero sa pagbubukas ng programa ay kinabahan pa rin si Robi.

“Pagdating do’n, iba yung crowd, iba yung feeling, so tinamaan kami ng kaba.

“Ako, honestly, tinamaan ako ng nerbiyos. S’yempre, hindi mawawala ‘yon kasi… imagine handling Toni’s opening line, imagine closing the vote, imagine handling the show na may lima hanggang anim na trending topics worldwide! So you can imagine the magnanimity [magnitude], kung gaano kabigat yung show na ‘yon.”

Ang realization daw ni Robi ay kailangan lang ma-overcome ang kaba sa ganoong sitwasyon para magawa nang maayos ang trabaho.

“Sobrang I can see myself doing that,” excited na sagot ni Robi.



RYAN SEACREST WANNABE. Na-realize daw ni Robi na marami pa siyang kailangang matutunan para maging mas mahusay na host, gaya ng mga tinitingala niyang celebrity hosts na sina Boy Abunda, Kris Aquino, Luis Manzano, at Toni nga.

Mapapansing, lately, naa-identify si Robi as a host, although ilang acting projects na rin ang nagawa niya before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman sa isinasantabi na niya ang pag-arte, pero mas gusto raw ni Robi ang mag-focus sa hosting.

“For me, gusto ko talaga [na pagbutihan] para maging Ryan Seacrest. Gano’n yung path [na gusto ko]: may online show, mayroong radio show, at mayroong TV show.”

Si Ryan Seacrest ang sikat na host sa Hollywood na kilala bilang resident host ng American Idol at mayroon ding mga radio at online programs.

(Ang hindi napapansin ng marami ay hindi lang on-cam talent si Seacrest, kundi malaking TV producer na rin.—Ed.)

So ngayon, mayroon ng TV at online shows si Robi, at ang kulang na lang daw ay isang radio program.

Plano nga raw niyang makipag-usap sa management ng ABS-CBN kung posibleng makakuha ng radio show upang mapraktis at masukat na rin ang kanyang hosting skills.


HAPPILY COMMITTED. Sa ngayon ay may karelasyon si Robi, ang Ateneo Lady Eagle volleyball player na si Gretchen Ho.

“We’re open about our relationship, but we’re not too open about it. We wanna keep something private to ourselves lang, but we’re happy together,” pahayag niya.

Anim na buwan na raw silang magkasintahan at masaya raw si Robi “in terms of everything.”

Samantala, nalalapit na ang pagtatapos ng The Voice of the Philippines na mangyayari sa September 29, 2013.

Pagkatapos nito, magpo-focus si Robi sa I Dare You Season 2 at The Biggest Loser Pinoy Edition Season 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN