Billy Crawford says “no third party” involved in breakup with Nikki Gil

“I’m happy. I’m thankful. I’m excited. I feel like right now I am at the center of God’s will,” says Nikki Gil about how she feels after her breakup with Billy Crawford.


Iwas ang singer-dancer-actor na si Billy Crawford sa mga tanong tungkol sa dating girlfriend na si Nikki Gil.

Sa ginanap na premiere night ng kanyang pelikulang Momzillas noong Martes, September 17, naging mailap si Billy sa media sa tuwing tatanungin siya tungkol sa isyung third party umano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Nikki.

(Read: Nikki Gil and Billy Crawford split)

Isa nga sa mga lumabas na pangalan ay ang kapareha niya sa pelikula na si Andi Eigenmann.

Sa unang pagkakataon na hiningan siya ng pahayag tungkol dito, nakangiting sagot lamang ni Billy, “What rumor? It’s all about Momzillas.”

Bago pumasok sa sinehan, tinanong naman ng media si Billy tungkol sa panayam ni Boy Abunda kay Nikki sa “Ikaw Na” segement ng Bandila, na lumabas noong Lunes, September 16.

Hindi nagbigay ng komento ang It’s Showtime host, na nagsabing hindi pa raw niya ito napapanood.

Sa naturang TV show, tinanong si Nikki kung ano ang naging dahilan ng pagtatapos ng relasyon nila ni Billy.

Hindi direktang sinagot ito ni Nikki, pero sinabi nito, “If I were to give a reason for it, because I don’t think it was ever made clear, but the difference is in values.

“You know, it’s one of the things na napakaimportante, na pareho kayo ng pinaniniwalaan, pareho kayo ng values.

“It has to be the same. Otherwise, it won’t work.”

Dahil dito, tinanong siya nang diretsa ni Boy kung mayroong third party.

Sagot ni Nikki, “You know, at this point, I don’t think it’s any of my business anymore.”

Ang isyu rin ng third party ang itinanong ng media kay Billy sa premiere night, pero naging matipid ang singer-dancer-actor sa kanyang tugon: “I’ve said it before, there’s no third party. That’s what everybody else thinks, right?”

Sinabi rin nitong hindi naapektuhan ng mga bali-balita ang pagkakaibigan nila ng kanyang Momzilla co-actor na si Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sinabi naman ni Nikki sa TV interview kay Boy na masaya siya ngayon, “I’m happy. I’m thankful. I’m excited. I feel like right now I am at the center of God’s will.”

Nabanggit din niya, “I think, more importantly, what’s happening now. For me that is more important. There’s no use looking back. I just want to be excited for the things to come, the people that I will be meeting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN