Alex Gonzaga on new suitor: "Basta non-showbiz siya, kaya hindi na natin papansinin."

Sa pagbabalik ni Alex Gonzaga sa bakuran ng ABS-CBN, may intrigang ang dapat sanang mga proyekto para sa mga datihan nang Kapamilya stars ay napupunta na sa kanya. Ngunit pagtatanggol ni Alex sa sarili, “Siguro po kasi, since kapapasok ko pa lang po ng April, siyempre ang dami ko pang hindi nagge-guest-an. Ang dami ko pang hindi nae-experience na show rito, so siguro, di ba, kapag bago ka minsan, ige-guest ka? Pero wala namang nasagasaan, wala namang ganoon."


Ilang buwan pa lang ang nakalilipas buhat nang bumalik si Alex Gonzaga mula sa TV5 papuntang ABS-CBN.

Sa loob ng panahong ito, nakapag-host na siya ng The Voice of Philippines at nakasama sa gag show na Banana Split.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex kung ano ang pakiramdam na nagiging "household name" na siya gayong baguhan pa lang siya sa ABS-CBN.

Tugon niya, “Siyempre, thankful naman ako.

“Feeling ko naman, ang hirap-hirap makapasok dito sa ABS dahil ang dami-daming artista na rito. Ang dami-daming gustong pumasok.

“The fact na nakabalik ako dito, siyempre hindi naman ako...

"Kahit paano nabigyan ng mga projects sa pinanggalingan kong network [TV5]... hindi naman siguro nila ako kukuhanin ulit.”

TV5 PRINCESS. Maayos naman daw ang pagpapaalam niya noon sa TV5.

“Naka-text ko noon si Mr. Perci [Intalan, TV5 executive], tapos bumisita po ako sa Ang Latest pa noon, before ako lumipat.

“Lahat ng nakatrabaho ko doon, nakausap ko naman sila, lahat naman sila, masaya.”

Noong nasa bakuran pa siya ng TV5 ay "prinsesa" ang turing sa kanya. Hindi ba niya ito pinanghihinayangan?

Sabi ni Alex, “Marami naman kami doong prinsesa... basta nagpapasalamat talaga ako sa kanila.”

Hindi ba niya nami-miss yung pagiging "prinsesa"?

“E, kasi, dito naman sa ABS, parang lahat naman kami, dahil magkaka-pamilya, wala namang ganoon.

“At saka nabibigyan ako ng trabaho, mas nabi-busy ako.”

Sa usaping bigayan ng trabaho, hindi mawawala ang isyu na sa kanya raw napupunta ang projects na nakalinya sana sa mga datihang Kapamilya stars. Ano ang reaksiyon ni Alex dito?

“Over!” natatawang sabi niya.

“Siguro po kasi, since kapapasok ko pa lang po ng April, siyempre ang dami ko pang hindi nagge-guest-an.

“Ang dami ko pang hindi nae-experience na show rito, so siguro, di ba, kapag bago ka minsan, ige-guest ka?

“Pero wala namang nasagasaan, wala namang ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano naman ang ibinibigay na trabaho sa amin, talaga namang tinatanggap namin.”



SISTER’S SHADOW. Sinasabing magkapareho sila ng forte ng kanyang ate na si Toni Gonzaga. Ngayong magkasama ulit sila sa isang network, may conscious effort ba kay Alex na magpakita ng kakaiba sa ginagawa na ng kapatid?

“Ano, nila-lock ko ang pintuan niya para hindi siya makalabas ng kuwarto… ‘Ay, wala siya, absent siya, ako na lang!’” biro naman ni Alex.

“Pero hindi, wala na kaming ganoon.

“Kasi, di ba, usually naman kapag magkapatid, even naman yung kambal, may pagkakaiba pa rin?

“So, sabi ng daddy ko, huwag na raw kaming gumawa ng conscious effort na ibahin ang isa’t isa.

“Kasi, sooner or later, makikita rin naman ng tao kung ano ang pagkakaiba namin.

“Siyempre, meron naman talagang pagkakapareho, kasi magkapatid kami.

“At the end of it, meron din naman kaming pagkakaiba, kasi wala namang taong magkapareho talaga.

“So, yung personality niya, iba naman sa personality ko.”



“STAGE SISTER.” Sinabi rin ni Alex na wala siyang problema kasama ang ate niya on-cam. Mas pressured pa nga raw siya kapag magkasama sila off-cam.

Kuwento niya, “Kasi, marami siyang napapansin, ‘Bakit ganoon ka maupo?’

“Over! Pati mga kinakain ko, pati ‘Hindi maganda mga jokes mo yata?’ Ganyan siya!

"Pero on-cam, wala kaming problema, kasi ano naman siya, e, inaano niya ako, nakikisakay siya sa akin.

“Minsan, tuturuan niya ako. Minsan magsasabi ako na, ‘Ate, gagawin ko ito.’

“’O, sige, gawin mo.’ O kaya, ‘Gawin mo ito.’”

Hindi ba naman napipikon si Toni sa kanya kapag hinihiritan niya?

“Minsan napipikon siya, kasi nga patawa ako nang patawa off-cam, kasi tahimik lang siya. Dapat daw nagbabasa lang ako ng script.

“Sinusumbong niya ako palagi sa mommy... OA [overacting] din yun!” natatawang sabi pa niya.

Sa kabila ng lahat, alam daw ni Alex na masaya para sa kanya ang kapatid sa nangyayari sa career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“OA naman kung hindi siya masaya!” tawa niya ulit.

“Of course, masaya siya at palagi niya akong binibigyan ng tips.

“Gusto niya, kapag nagpupunta ako sa trabaho, palagi kong binabasa ang script, ang dami niyang advice talaga.

“Parang masahol pa siya sa manager at sa E.P. [executive producer] ng show.

“Ang dami niyang sinasabi na, ‘O, diyan sa ABS, ang daming artista diyan.’

“Lalo na kapag kunwari, ang daming artista, ‘O, doon ka muna sa tabi. Huwag kang pabida, huwag kang madaldal, bago ka pa lang.’ Ganoon siya.”

Ano ba talaga ang gusto niyang tahakin pagdating sa kanyang career?

Sagot ni Alex, “For me, kahit ano. Kasi right now, siyempre I’m enjoying.

“I’m doing a comedy show and I’m hosting sa The Voice, tapos I’ll be doing a teleserye.

“Sa akin, parang lahat ng puwede kong magawa is magagawa ko sa mabibigay sa aking project.

“As of now, hindi ko muna maiisip yun, kung ano ang ibibigay sa aking project.”



KEAN CIPRIANO. Dati nang na-link si Alex kay Kean Cipriano noong pareho pa silang nasa TV5. Paglipat ni Alex sa ABS-CBN, nandun na rin si Kean at magkasama pa sila ngayon sa gag show na Banana Nite.

Kumusta sila ni Kean ngayon?

“Okay naman. Pumipikit ako kapag nakikita ko siya!” biro niya.

Hindi pa sila okay?

“Hindi!” bulalas niya.

Pero bawi niya agad, “Okay kami ni Kean, friends kami ni Kean, at okay na kami.

“Matagal na kaming okay. Noon pa sa dati naming network, okay na kami."

Patotoo pa niya, “Di ba, nagawa pa namin ang isang soap? Okay na okay na kami noon.

“Tapos noong soap, hindi na kami nagkitang muli, kasi ABS na siya.”



TIME FOR LOVE. Hindi naman makapag-deny si Alex nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife at kung may oras pa ba siya para rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ginagawan natin ng paraan!” natatawa niyang sabi.

May lovelife pala siya?

“Wala!” sabay bawi naman niya. “Aaminin ko, wala talaga.”

Paano niya nasabing ginagawan niya ng paraan kung wala naman pala?

“Siyempre, kung gusto mo ang isang bagay, gagawan mo ng time.

"Basta, non-showbiz siya, kaya hindi na natin papansinin.”

Kakikilala lang ba niya sa non-showbiz guy o dati pa?

“Hindi, bago ito. Siya ay businessman at private na person kaya hindi na natin siya…” natawa na lang si Alex at hindi na natuloy na pahayag.

Okay na ba sa Mommy Pinty niya na mag-boyfriend siya?

“Hindi pa rin… well, tinitingnan niya kung sino muna, hindi pa nakikilala ni Mommy, e,” sabi ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN