Katrina Halili on marrying Kris Lawrence: "Huwag muna po... kapag thirty na ako."

Almost four years na ang relasyon ni Katrina Halili at ang ama ng kanyang anak na si Kris Lawrence. Nang tanungin kung ano ang sikreto ng kanilang matibay na pagsasama, sagot ng Kapuso actress: “Ang tiyaga niya! Magkaiba naman kasi kami ng personality, e. Kung ano ang kulang ng isa, yun ang meron ako. Kung ano ang meron siya, basta ganun.”


Noong September 17, Martes, ang first birthday ng anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence na si Katie. Pero ang selebrasyon ay gaganapin bukas, September 20, sa Oasis sa may Aurora Blvd., Quezon City.

Ayon kay Katrina, “Candy Land” ang theme ng first birthday party ng kanyang anak.

Uso raw kasi ang larong Candy Crush nang pinaplano nila ang party ni Katie, kaya iyon na rin ang naisip nilang maging tema nito.



INVITED GUESTS. Sinu-sino naman ang mga inaasahan nilang darating sa birthday party ni Katie?

Sabi ni Katrina, “Sigurado akong pupunta si Mark Herras. Sabi niya, nagpa-block off na siya.

“Si Yasmien [Kurdi], dumalaw siya sa bahay kasi nag-taping ng Follow That Star, tapos nagpunta sila sa bahay.

“Si Jennylyn [Mercado], matagal ko na kasi siyang na-meet, last month pa.

“Si Cristine [Reyes], birthday ng mommy niya. Siyempre, family day yun, di ba?

“Pero siyempre, importante na makarating ang ninang, ninong, di ba?”

Sina Mark, Yasmien, Jennylyn, at Cristine ay mga ka-batch ni Katrina sa dating artista search ng GMA-7 na StarStruck.

Ayon kay Katrina, mayroon silang kinuhang event organizer, pero hands-on pa rin daw siya sa preparasyon ng kaarawan ng anak.

“Siyempre, aagahan ko. Hindi ako puwedeng ma-late, e.

“Iba pala kapag ikaw na ang gumagawa ng event. Kasi, matatakot ka kung paano walang pumunta? Paano kung sobra ang pumunta?

“Tapos, iba pala kapag ikaw ang nag-set-up lahat. E, normally dati, pupunta ako sa mga ganyan, late na o gitna!” natatawang sabi niya.

Dagdag niya, “Ngayon ko naisip na ganito pala ang paghahanda.

“Hindi siya basta lang ginawang party. Iniisip mo lahat ‘yan—yung theme, yung pagkain...

“Inisa-isa mo ‘yan kung ano ang kakainin ng bisita mo. Basta… ang dami.”

Aminado si Katrina na maraming nabago sa kanya magmula nang maging ina na siya.

Sabi ng 27-year-old actress, “Marami… direksiyon sa buhay, nagkakaroon ng purpose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, mas gusto kong mag-ipon ngayon kasi mas may iniisip ka. May direksiyon pa rin, at saka mas seryoso kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa presscon ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? noong Martes, September 17, sa 17th floor ng GMA Network Center.



NO WEDDING YET. Sanay na rin daw si Katrina na madalas ay tinatanong siya tungkol sa planong pagpapakasal nila ni Kris.

Pero ayon sa Kapuso actress, “Huwag muna po... kapag thirty na ako. Twenty-seven pa lang ako. Mag-iipon muna po ako.”

Siya talaga ang mag-iipon, hindi si Kris?

Sabi niya, “Siyempre po, kailangang mag-ipon din ako, para mabibili mo ang gusto mo.

"Ang hirap naman ng hihingi ka na lang nang hihingi.”

Wala naman daw silang planong sundan agad ni Kris si Katie. Kung sakali raw, kasal muna ang gusto nilang unahin.

Mag-aapat na taon na raw ang relasyon nina Katrina at Kris.

Nasa buhay na raw niya si Kris noong panahong nasangkot si Katrina sa sex video scandal, pero hindi raw siya iniwan ng singer.

Ano ang sikreto at nagtatagal ang relasyon nila?

“Ang tiyaga niya!” natatawang sagot ni Katrina.

“Magkaiba naman kasi kami ng personality, e.

“Kung ano ang kulang ng isa, yun ang meron ako. Kung ano ang meron siya, basta ganun.”

Maayos din daw ang relasyon ni Katrina sa mga magulang ni Kris.

“Nagkakausap po kami palagi sa… we chat.

“Palaging nagpapadala ng package, kaya hindi na kami bumibili ng mga damit ni Katie.”

Sa palagay ba niya ay sila na ni Kris hanggang huli?

“Bakit naman hindi?” mabilis niyang sagot.

Pero natatawang dugtong niya, “Basta ganoon pa rin ang tiyaga! Hindi… mabait po. Mabait po si Kris.”



PROTECTIVE MOM. Lumalabas naman ang pagiging nanay ni Katrina kapag may nangba-bash sa kanyang anak sa social media.

Kailan lang daw ay may nang-bash sa anak niya at hindi napigilan ni Katrina na sagutin ito sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi naman niya, “Minsan kasi, ang sarap lang sumagot, di ba?

“Actually, sasagutin mo nang slight, tapos ‘report abuse.’ Tapos, bina-block mo.

“Actually dati, kapag may binabasa akong pangit, blocked, blocked. E, Instagram yun.

“Kapag inspired ka, ilagay mo, di ba, yung feeling, tapos may makikita kang pangit?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN