Mark Bautista still reluctant to do sexy and daring projects: “Hindi naman ako dumating dito na yun ang magiging bread and butter ko.”

Mark Bautista on accepting gay role: “Actually, sinasabi nga nila, ‘Okay, kung gagawin mo na naman ‘yan, mabubuklat na naman yung mga [gay] issues na ‘yan.’ Wala na akong pakialam, wala na akong pakialam. Pero ang concern ko is, dahil naki-ride ka lang sa uso, okay, gagawin ko na rin ‘yan—malay mo, tanggapin din ako. E, paano kung hindi ako tanggapin ng publiko kung gaganap ako ng ganoon? Wala, ginawa na ‘ya


Nakuha pang gumawa ng isang indie film ng singer na si Mark Bautista sa gitna ng hectic schedule niya.

Bukod sa musical-variety show ng GMA-7 na Sunday All Stars (SAS), nagsimula na rin si Mark ng series of mall shows para sa paglulunsad ng kanyang album na The Sound of Love.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark sa dressing room ng SAS, last Sunday, September 15, masaya niyang ibinalita na inaayos na ng Viva Artists Agency (VAA) ang indie film na gagawin niya.

"It’s under Viva and may meeting kami this week," banggit niya.

Wala pang maibigay na detalye si Mark tungkol sa indie film na gagawin niya, maliban sa ang makakasama niya rito ay si Bela Padilla.

Panay rin ang biro ni Mark kung ano ang gagawin niya sa pelikula.

"Sabi, ipakita ko na raw lahat. Joke!" tawa niya.

Sinasabi niyang may frontal nudity siya, pero binabawi naman niya ito agad.

“Tingnan natin… tingnan natin,” pahabol naman niyang sabi. “Pero hindi ko pa talaga alam.”

Hanggang saan ba ang kaya niyang pagpapaka-daring?

“Uhm... pubic hair?” biro niya sabay halakhak.

“Hindi ko kaya ang frontal... puwede siguro side lang.

“Kung likod-likod, baka. Hindi ko alam, e, sana maganda ang istorya.

“Sana maganda yung istorya na hindi naman ako mahiya sa mga kaibigan ko at sa mga pamilya ko.”

Sa mga naunang panayam kay Mark ay sinabi niyang bukas siya sa pagpapa-sexy o daring roles.

Umayon naman siya dito at sinabing, “Oo, ginawa ko na sa Full Monty [musical play] at ano…

“E, kasi lahat gumagawa na niyan [nudity], e. Pag gumawa ako ng ganyan, sana yung talagang maganda.”



INDIE MOVIE. Handa na ba siya sa anumang hingin sa kanya ng direktor, gaya ng butt exposure o frontal nudity?

Sabi ni Mark, “Actually, may in-offer sa aking indie film pero pinag-isipan kong mabuti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang preso na may older woman na kasama ko sa movie.

“Yun, payag ako dahil magaling na aktres yung babae... dapat parang Rosanna Roces.”

Tinanggihan ba ng Viva?

“Yata... hindi ko pa alam. So, okay, baka hindi talaga para sa akin yun.

“Who knows, baka ‘eto talaga yung para sa akin… hindi ko alam, e.

“Kung ano yung hihingin ng direktor? Yun lang ang kaya ko siguro—yung likod lang or facial expression lang.”



GAY ROLES. Nauuso ngayon ang gay-themed projects sa TV man o pelikula. Willing na ba si Mark tumanggap ng gay roles?

“Actually, no,” mabilis niyang sagot.

“Well, yun nga, pag gagawin mo, parang nakiki-ride ka na lang sa ano.

“Tinanong nga ako kung ako yung gumanap sa My Husband’s Lover... walang problema, actually.

“Pero kasi, parang maganda na yung pagkakaganap nila, parang hindi ko… nong nakita ko, parang okay, perfect na perfect na sa kanila.

“Pero kung bibigyan ng offer siguro… kasi nagawa ko ‘yan sa MMK [Maalaala Mo Kaya] pero drag queen ang role ko.

“Siguro nga puwede, wala namang problema.”

May hesitation pa ba siya sa pagpapa-sexy o pagtanggap ng gay roles?

“Wala na siguro, feeling ko wala na,” sagot ng singer.



BANDWAGON. May pinapangalagaan ba siyang image?

“Wala na siguro.

“Actually, sinasabi nga nila, ‘Okay, kung gagawin mo na naman ‘yan, mabubuklat na naman yung mga [gay] issues na ‘yan.’

“Wala na akong pakialam, wala na akong pakialam.

“Pero ang concern ko is, dahil naki-ride ka lang sa uso, okay, gagawin ko na rin ‘yan—malay mo, tanggapin din ako.

“E, paano kung hindi ako tanggapin ng publiko kung gaganap ako ng ganoon? Wala, ginawa na ‘yan ng lahat.

“Pipiliin ko lang siguro, pero wala akong problema kung ano yung roles.”

Bakit reluctant si Mark sa pagpapa-sexy gayong sexy naman siya talaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiti niyang sagot, “Kasi, unang-una, hindi naman ako dumating dito para maging aktor na yun ang magiging bread and butter ko.

“Ibigay na lang natin ‘yan sa mga totoong actor na award-winning...

"Pero goal ko rin ‘yan, ha? Gusto kong manalo ng award para maiba.

“So, kung gagawin ko yun [pagpapa-sexy], sana naman magka-award ako, pang-award talaga.”



FESTIVAL WORTHY. May kilig kay Mark ang balitang may mga nag-aabang na masilip ang kanyang kaseksihan sa pelikula.

“Talaga?” nakangiti niyang sabi.

“Alam mo, ang goal ko this year, pag gumanda ang katawan ko, pag solid na solid, cut na cut at pag may offer na maganda?

“Sabi ko nga, kung may gagawin akong project na gagawin sa isang international [filmfest], gagawin ko yun.”

Hindi pa ba siya kumbinsido na puwede siyang umarte?

“Actually, matagal na akong hindi umaarte, yung mga teleserye dito [GMA-7], so hindi ko na alam.

“Siguro marami akong ipon na kapag may ibibigay sa aking role, baka magampanan ko na nang maayos.”

Siya ba ang tumatanggi sa projects o ang Viva?

“Siyempre, ang Viva rin.

“Pero kung ayaw ko… eto nga [indie project ng Viva], sinabi ko na hindi ko gagawin.

“Pero sabi nila, ‘Mark, gawin mo.’ Okay.”

Naniniwala naman si Mark na kailangan na niyang lumabas sa kanyang comfort zone.

“Siguro nga, nakita na nila yung Full Monty kaya gusto nilang gawin ko itong indie film.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN