Gwen Garci reveals "verbal abuse" she experienced from former live-in partner

Tinalikuran noon ni Gwen Garci ang kanyang showbiz career upang sumama sa dating live-in partner niyang si Nicola Coccia. Ngunit nagbago raw ang pagtingin ng Italian chef sa aktres matapos niyang isilang ang kanilang anak na babae. Lahad ni Gwen, “Pinapahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Lagi niyang sinasabi sa akin na, ‘You’re so fat, you’re so chubby!’ Kakapanganak ko pa lang, tapos gusto mo na agad pumayat ako? Hindi naman ganun


Tuluyan na raw isinara ng dating Viva Hot Babes member na si Gwen Garci ang kanyang puso sa dating live-in partner niyang si Nicola Coccia, isang Italian chef.

Tumagal ng apat na taon ang relasyon nina Gwen at Nicola na nagbunga ng isang anak na babae.

Bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila? Samantalang sumama pa siya noon kay Nicola kahit saan ito madestino?

Sabi ni Gwen tungkol sa nagwakas niyang relasyon, “Alam mo, sa isang relationship, pag nawala na yung respect, wala na.

“Siguro yung love, hindi yung walang hanggan na love, e.

“Hindi mo talaga masasabing forever kayo, e.

“Merong dumarating na magsasawa sa ‘yo… hindi perfect, e. Walang perfect na guy.

“Siguro dumating yung time na nagsawa siya sa akin.

“Kumbaga, hindi na siya na-challenge, e. Naghanap na siya ng iba.

“Parang sa kanya nag-iba, e. Sabi niya, ‘Everything went so fast and I’m not ready for it.’

“So, ako naman, sabi ko kanya, ‘After I gave up everything, this is what you gonna do?’

“E, kasi naman, tumaba ako. Ang tingin ko naman, ‘Is that how you measure love?’”

Ayon kay Gwen, nahuli raw niyang nambababae si Nicola.

“Kasi hindi nga niya ako maganyan [sexual intercourse], e. Tapos sinasabi niya sa akin na ang taba-taba ko.

“So, ang ginawa ko, after a month pagkatapos kong manganak, kahit bawal, nag-gym na ako.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwen sa launching ng isang adult magazine last week.



RESPECT. Kailan naramdaman ni Gwen na hindi na siya nirerespeto ng ex-boyfriend niya?

Lahad niya, “Pag umuwi siya ng bahay, iba na ang treatment niya. Laging mainit ang ulo. Laging nagrereklamo about his work.

“Pag yayain mong ganyan [mag-sex], lagi siyang nagri-reason out na pagod siya.

“Tapos malalaman mo through sa iPad na binili niya for me… doon ko pa siya mahuhuli sa e-mail niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos nung nahuli ko siya, bigla niyang sasabihin sa akin na, ‘Everything went so fast and I’m not ready for this. I think you go back to your mom and cry for six months and let me enjoy my life first.’

“Siyempre, ako naman, ’After I gave up everything, ganito ang gagawin mo sa akin?’ So, masakit yun sa akin.

“Nung natauhan ako, sinabi ko sa sarili ko na I’m gonna change. Hindi ko na igi-give up lahat for a guy.

“Ibabalik ko yung dati kong katawan… siyempre, kahit paano, nawala ako nang matagal, e.

“Nag-start akong mag-modelling sa abroad, international.

“So, nung napansin-pansin ako dun, nag-decide akong bumalik dito para balikan yung [showbiz] career ko at magulat sila sa laki ng ipinagbago ko.”

Patuloy pang pahayag ni Gwen, “Actually, hindi ko siya [Nicola] gustong iwanan, e. Pero yun na nga, nagsawa siya sa akin, nawalan na siya ng gana.

“Hindi naman niya ako pinaalis pero nawala na yung respect niya sa akin.

“Pinapahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Lagi niyang sinasabi sa akin na, ‘You’re so fat, you’re so chubby!’

“Kakapanganak ko pa lang, tapos gusto mo na agad pumayat ako? Hindi naman ganun kadali.”



NOT BATTERED GIRLFRIEND. Wala naman daw naranasang pambubugbog si Gwen noong nagsasama pa sila ng kanyang ex-boyfriend.

Pero torture daw sa kanya na lagi siyang sinasabihang mataba. Nababalewala na rin daw siya sa loob at labas ng kanilang tinitirhan.

Ngayong maganda na ang pangangatawan niya, bumabalik ba ulit sa kanya ang ex-boyfriend niya?

Sabi ni Gwen, “Oo, pero dahil sa galit ko sa kanya, inisip kong huwag na lang.

“Gusto ko namang maranasan ang iba, na yung handang magbigay ng love sa iyo.

“Yung naranasan ko kasi sa kanya, nawala yung love niya."

Dagdag niya, “May isang guy na nagparamdam ng love niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung tinanggap ko yung guy, siya [Nicola] naman yung nagagalit sa akin.

“Pero yung sa guy na tinanggap ko, hindi naman seryosohan yun.”

Nanghinayang ba si Gwen na tinalikuran niya ang kanyang career dito sa Pilipinas upang sumama noon sa kanyang boyfriend?

“Oo naman,” sagot niya.

“Sana nag-focus na lang ako sa career ko. E, di sana hindi na lang akong nagpakagaga kung nalaman ko sa simula pa lang na ganun ang mararanasan ko?

“Sobrang naasar ako sa sarili ko dahil nag-promise siya ng lahat, na hindi naman niya tinupad.

“Nag-promise siya na ako lang… tapos nung i-remind ko sa kanya yung mga promises niya, ang sagot sa akin, ‘What can I do? Love fades.’

“Tapos sasabihin niya sa akin na ‘I love you like a sister.’ Pagkatapos ng lahat? Ganun na ba ako kapangit?”

Kuwento ni Gwen, nakila niya sa Pilipinas si Nicola, at inakala nga raw niya mamahalin siya nito nang todo kaya naman sinundan pa niya ito sa Shanghai, China.

“Sabi niya sa akin nung bago ako sumunod sa kanya, handa raw siya for anything.

“Then, nung nagbuntis ako at nanganak, wala na, nag-fade na raw yung love niya sa akin.

“At sinabi nga niya sa akin, he loves me like a sister.”



FINANCIAL SUPPORT. Sinusuportahan ba ni Nicola ang anak nila?

Ayon kay Gwen, “Kung hindi ko pa ipinaglaban at sinabi sa kanya, hindi pa niya gagawin.

“Nagbibigay siya ng P40k a month, pero recently lang. Yun talagang nag-away kami nang todo.

“Saka dumadalaw lang siya once or thrice a year. Nagtatagal lang siya dito for three days lang.

“And then, yung support niya for our kid, ipinapadala niya sa mommy ko. Ayaw niyang pahawakan sa akin.

“Isa pa sa masakit na sinasabi niya sa akin, materialistic daw ako.

“Sabi ko, ‘Ano bang mga naibigay mo sa akin? Meron ka bang ibinigay sa akin? May bahay ba? May lupa ba? Sasakyan? Wala, di ba?... Pagkain lang. Tapos sasabihan mo akong materialistic?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masakit yung words na yun sa akin dahil hindi ako ganun.”

Kuwento pa ni Gwen, dumating daw siya sa point na awang-awa siya sa kanyang sarili dahil wala siyang perang pambili ng bagong damit sa kanyang pagdadalantao.

Ang ibinibigay lang daw na pera sa kanya ay tamang-tama lang na pang-grocery nila.

Nakarating raw ito sa kanyang ina at pinadalhan siya agad ng pera.

Sabi pa ni Gwen, nitong huling pagbisita raw ng kanyang dating ka-live-in sa kanilang anak ay nagpasaring pa rin daw ito sa kanya.

“Kasi lagi kong isina-shopping yung anak ko. Ipinapakita ko sa kanya.

“Then, nung nandito siya, sinabi niya na isa-shopping ko yung baby namin. Sabi ko, sasama ako.

“Bigla ba namang nag-dialogue, ‘Bakit, ang tingin mo, i-shopping din kita?’

“Sagot ko sa kanya, ‘Hindi porke sasama ako sa iyo magpapa-shopping ako sa iyo. Kaya kong bumili para sa sarili ko. Sasama lang ako para sa baby ko. Tapos, mamasamain mo pa!’”

Ayaw raw munang magka-boyfriend ni Gwen ngayon dahil naniniwala siyang sagabal sa kanyang career ang lovelife.

“Lalo na ngayon, may gagawin akong theater play.

“First time kong magti-theater at iikot nila sa lahat ng Casino Filipino. Dito ko maipapakita yung acting ko.

“Ayaw ko namang ma-distract sa gagawin ko. Lalo na ako, madali akong maano [in love]. Kaya ako na mismo ang iiwas.”

Maliban sa teatro, magti-taping din si Gwen ng Pantasya, isang cable mini-series na pinu-produce ng Viva Productions.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN