Lucho Ayala on doing kissing scene with male actor: “It’s okay, it’s being professional, it’s just doing your part.”

Ikinuwento ni Lucho Ayala ang isang karanasang hindi niya malilimutan nang minsan mag-regional tour sila kaugnay ng dating primetime series na One True Love. Isang babae raw ang dumakma sa maselang bahagi ng kanyang katawan. "Sa crotch! Nagulat ako kasi ano yun, e, babae, e! Babae. Nagulat ako kasi akala ko gay, pero pagtingin ko, babae! Babae talaga, nagulat ako!... Talagang ginanoon, ha? Solid! Nagulat ako kasi babae.”


Isa si Lucho Ayala sa most promising young actors ng Kapuso network.

Napanood siya sa mga GMA-7 teleserye na Indio, Binoy Henyo, at One True Love. At ngayon ay kasama siya sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Nasaan Ka Man.

Dahil sa kanyang kaguwapuhan at ganda ng katawan, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lucho kung nakatanggap na ba siya ng indecent proposals mula sa gays.

“Wala pa, wala pa,” mabilis niyang tugon.

Aware naman daw siya na maraming bading sa mundong ginagalawan niya.

“Even before, I know that, kasi marami rin naman ang nagsabi sa akin, even my manager na rin, sinabi sa akin.

“Pero so far, wala pa, e,” sabi ni Lucho tungkol sa indecent proposals.

Ano ang advice sa kanya ng manager at tito niyang si Cesar Buendia tungkol dito?

“Iyon nga, any proposals or any, kahit conversations lang, kailangan kong sabihin sa kanya rin, especially pag may mga below-the-belt na.

"Pero so far, wala pa, wala pa.

“Ewan ko, siguro I’m lucky enough na hindi ko lang alam, baka hindi nila kayang gawin sa akin iyon. Or hindi nila kayang sabihin sa akin.

"Pero so far, wala talaga, as in honestly, wala.”

TOUR INCIDENT. Wala rin daw gay na nagtangkang ligawan siya. Baka natatakot sa kanya dahil baka saktan niya ito?

“No, no, mabait akong tao!” tawa ni Lucho.

Paano kapag may nanligaw sa kanyang gay, ano ang gagawin niya? Paano niya iha-handle?

“I wouldn’t be too harsh on them, kasi especially... siguro hindi, siguro magiging suplado ako kapag bastos masyado.

“Kasi ayoko naman yung nababastos, e, di ba?

“Lahat naman tayo ayaw nating nababastos, di ba?

“Pero I wouldn’t be too harsh on them, sasabihin ko na lang na, ‘Sorry,’ blah-blah-blah.’”

May nambastos na raw sa kanya, as in hinipuan siya, pero babae!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron actually! When was this? One True Love yata, regional tour sa Bohol.”

Saan siya hinipuan?

“Sa crotch!" bulalas niya.

"Nagulat ako kasi ano yun, e, babae, e! Babae.

“Nagulat ako kasi akala ko gay, pero pagtingin ko, babae! Babae talaga, nagulat ako!

“Kasi nga yung stage, parang nasa complex yun, e, yung sa likod niya parang nasira yung tali.

“E, we have to walk pa, parang pataas doon sa van.

“Merong mga marshals na inaano kami. E, kulang, ang daming tao, so tig-isa na lang. E, kulang e.

“Ang daming tao, kung anu-ano ang ginagawa, kini-kiss kami, tapos may humipo nga.

“Talagang ginanoon, ha? Solid! Nagulat ako kasi babae.”

Wala na raw siyang nagawa.

“Kasi ang daming tao, kaya dumiretso na ako sa van.”

Paano kaya siya magre-react kung nagkataong gay ang dumakma sa kanyang private part?

“Wala. Hindi ko na magagawang mag-react kasi ang dami nang tao, parang wala na akong time mag-ano, didiretso na ako sa sasakyan.

“First time nangyari sa akin yun, ha? Talagang solid!” tila hindi pa rin makapaniwalang kuwento ni Lucho.



GAY ROLE. May mga nakapapansin sa pagkakahawig ni Lucho kay Tom Rodriguez.

What if may offer kay Lucho na isang project na tulad ng kay Tom sa My Husband’s Lover, tatanggapin ba niya ang isang gay role?

“Ako, I’m an actor who wants to try it all.

"Gusto ko diversity, e, alam mo yun? Diverse.

“Ako, na-try ko nang mag-kontrabida, naka-try na ako ng role na mayaman, naka-try na ako na mahirap... gusto ko ma-try lahat, e.

“Actually, yeah, I would want... I would want to. Papayag ako.”

Papayag ba siya sa kissing scene with another male actor?

“It’s okay, it’s okay. Kasi it’s being professional naman, e, it’s just doing your part, you know.

“Yung mga Hollywood actors nga, solid nga sila kahit... alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sa Tonight Show, di ba, Johnny Depp? Di ba, si Johnny Depp kay Jimmy Kimmel, kiniss siya, di ba?

“Hindi nga show yun, e, di ba?”

May ibang male stars na ayaw gawin iyon dahil baka makuwestiyon ang kanilang sexuality. Dahil ba iyon sa orienation ni Lucho bilang isang theater actor kaya papayag siyang gumanap sa papel ng isang bading?

“Yeah, actually, sa theater, sa theater ganoon, e. Lahat puwede mong gawin doon, e.”

Kung nude scene?

“That I cannot tell. I’m not sure. I don’t know.

"It’s just that parang hindi pa ako ready.”



ON ACTING. Sa bagong primetime drama series ng GMA-7 na Kahit Nasaan Ka Man, gaganap si Lucho na ka-love triangle nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin.

Mula sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr., kasali rin sa cast sina Eula Valdes, Michael de Mesa, Rita Avila, at Tessie Tomas. Magsisimulang mapanood ang Kahit Nasaan Ka Man sa Lunes, September 23.

Ayon kay Lucho, ang pag-arte talaga ang gusto niyang gawin.

“Kasi iyon nga, I started with theater talaga.

"Iyon ang primary reason, gusto ko talagang ma-hone yung acting ko talaga.

“I know kulang pa, I know kulang pa. I know there’s room for improvements rin talaga.

"Pero iyon nga, acting, acting talaga.”

Parehong nais tutukan ni Lucho ang pagiging artista sa teatro at sa telebisyon at pelikula.

“Both, acting on stage and TV... any acting."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN