Tessie Tomas proud mom of New York-based fashion designer; returns to TV via Kahit Nasaan Ka Man

Bagamat isang fashion designer sa New York ang anak ni Tessie Tomas, hindi raw niya maisusuot sa Kahit Nasaan Ka Man ang mga likha nito. Aniya, “medyo may pagka-sosyal" para sa kanyang karakter ang disenyo ni Robin Tomas.


Halos isang taon ding hindi napanood sa telebisyon ang beteranang aktres na si Tessie Tomas.

“Naging busy going abroad sa asawa kong British. Tapos, I was also helping out my son who has a business in New York,” panimulang kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).



SON’S BUSINESS. Isang fashion designer ang anak ni Tessie na si Robin Tomas sa U.S. (READ STORY about Robin Tomas)

“He’s trying to carve a name sa New York as a designer, sa city mismo, sa Manhattan.

“He’s trying to establish himself as a global brand, meaning to say, baka sakaling dumikit sa mga Calvin Klein, ganyan-ganyan.

“Not as a designer for famous brands but establishing his own brand—Tomas naman siya, Tomas ang brand niya.

“So mayroon nang tatalo kay Tessie Tomas—Tomas din."

Dagdag pa niyang biro, “So, magiging litson ni Mang Tomas na lang ako."

Naisingit sa usapan si Imelda Marcos, na madalas niya i-impersonate. Naisuot na ba ng dating Unang Ginang ang mga likha ng anak?

Sagot ni Tessie, “Nakalinya pa lang siya, sana pansinin siya ni Imelda.”

Pero si Tessie, very proud na isinuot ang purple gown ng anak sa Aliw Awards.

Dugtong ng comedienne, “He’s building his name, his own RTW line, so he’s traveling to China, and then to Bangkok, to buy fabrics.

“Iyon ang pinakaimportante, fabrics, para walang kamukha. And also, he’s talking to suppliers, nandoon na siya sa level na iyon.”



COMEBACK SERYE. For her part, pagkatapos magpabalik-balik sa New York at England, aasikasuhin muna raw ni Tessie ang pag-aartista sa Pilipinas.

“So ngayon ako naka-focus sa career naman, sa showbiz career, sa career ko na ulit.”

Gaganap siya bilang ina ni Eula Valdes sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Kahit Nasaan Ka Man.

“Si Eula naman ang aampon kay Kristoffer Martin na love interest naman ng bulag na bidang babae, na gagampanan naman ni Julie Anne San Jose."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi maisusuot ni Tessie sa Kahit Nasaan Ka Man ang mga damit na dinisenyo ng anak niyang si Robin.

Sabi niya, “Medyo may pagkasosyal, e, hindi rugged.

“Gowns, meron siya, tapos yung mga glamour na mga damit.

“Si Lea Salonga, nakapagsuot na ng design niya.

“Tapos, he did the entire collection, all the costumes for the musical Nine ng Atlantis, na ang hirap, na 1950s na look.”

Bago ang Kahit Nasaan Ka Man ay ang Coffee Prince nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang show ni Miss Tessie sa Kapuso network.

Hindi muna siya tumanggap ng project pagkatapos nito.

“Hindi na, nagpe-pacing rin ako.”

Bakit siya nakumbinsi na tanggapin ang Kahit Nasaan Ka Man?

“Nakaka-miss, nakaka-miss siyempre,” sabi niya.

“Tumulong lang naman ako sa anak ko at saka doon sa pagiging Mrs. Pullin ko na nagpupunta sa England.”

Mabait na ina ang karakter niya sa Kahit Nasaan Ka Man.

“Mabait, oo! Ako yung music-minded, ako na kakampi ako kay Kristoffer, ako yung defender of the musical genre.

“Kasi music-minded yung bata, tapos ayaw niya, si Eula, gusto niyang maging lawyer yung bata.

“Ako yung nagsasabi na, ‘Huwag mong patayin yung pangarap ng anak mo.’

“Ako, music teacher, marunong tumugtog ng piano,” kuwento pa ni Tessie sa papel niya.

At may heavy drama scenes sila ni Eula!

“Magkakaroon, oo... oo, meron.”



YOUNG CO-STARS. Ano naman ang masasabi niya sa mga baguhan o kabataang artista na tulad nina Julie Anne, Kristoffer, at Lucho Ayala?

Aniya, “Mabuti, okay naman.

“Actually mahirap yung ilang mga eksena, pero ibig kong sabihin, yung working atmosphere, masaya at saka magaan.”

Napuri rin ni Tessie ang kanilang direktor na si Gil Tejada Jr.

“Kasi si Direk Gil, relaxed as a director. Hindi masyadong pushy na, ‘Gawin mo ito, mag-breakdown ka dito,’ or whatever.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN