Sid Lucero says goodbye to attitude problem: “Now, every step I make, every thing I do has a direct impact on another person’s life, and that is my daughter."

“May mga times na masama ang pakiramdam ko and I say certain things or act in a certain way that is negative and reflects negatively on me. May umabot na point na wala na akong pakialam. Now, every step I make, everything I do has a direct impact on another person’s life, and that is my daughter," pahayag ni Sid Lucero tungkol sa malaking pagbabago sa kanyang buhay.


Maayos na ang buhay pag-ibig ni Sid Lucero kaya’t inspirado siyang pagbutihin ang trabaho sa teleseryeng Magkano Ba Ang Pag-ibig? na pinagbibidahan nila ni Heart Evangelista.

Last year, matatandaang nagkaproblema si Sid dahil diumano sa pagiging “unprofessional” ng aktor sa set ng Hindi Ka Na Mag-iisa.

Bagamat ipinakilala ito bilang leading man ni Jennylyn Mercado, kinalaunan ay nawala ang character ni Sid sa naturang serye.

Ang isa sa mga sinasabing dahilan: attitude problem.

Taliwas ito sa magandang disposisyon ni Sid nang humarap siya sa press conference ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? noong September 17.


EARN THE RESPECT OF HIS PEERS. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Sid na handa siyang patunayan sa lahat na karapat-dapat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapuso network.

“Oh yeah, I have a family now. I don’t want my daughter to grow up without respect for me. I want to gain back the respect that I lost with the people I’ve worked with,” masayang bungad ng aktor.

Mas naging responsable raw si Sid, 32, at positibo ang pananaw sa buhay dahil sa pagkakaroon nila ng anak ng girlfriend niyang si Bea Lao, 27.

Si Bea ay drummer ng all-female band na General Luna.

Saad ng aktor, "I think the greatest change is, kasi pag pumunta ako ng trabaho, I go because it’s fun. It’s not just work. It’s because I love this.

“May mga times na masama ang pakiramdam ko, and I say certain things or act in a certain way that is negative and reflects negatively on me.

“May umabot na point na wala na akong pakialam,” balik-tanaw ni Sid sa dati niyang pag-uugali.

Ngunit mas lumawak daw ang pang-unawa niya dahil sa karanasan niya bilang ama.

“Now, every step I make, every thing I do has a direct impact on another person’s life, and that is my daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, the fact that I wake up earlier now, the fact that I go to work because I love it, and at the same time, hindi na ako napipikon sa maliliit na bagay, because I know na kapag may ginawa akong mali, hindi lang ako ang madedehado.

“Ok lang kung ako lang. Hindi, e.”

Aminado si Sid sa mga pagkakamali niya noon.

Pero bakit nga ba siya nawalan ng gana sa career niya noon?

“That’s a very serious question. You want a serious answer?” ang paiwas na sagot ni Sid.


"SLOW DOWN" STAGE. Maging ang pribadong buhay ng aktor ay naapektuhan noong mga panahong may pinagdadaanan itong problema.

May ilang buwan din silang hiwalay ni Bea bago muling nagkaayos at saka nagkaroon ng anak.

Kuwento pa ni Sid, mas maganda ngayon ang takbo ng relasyon nila ng kanyang nobya, na kasama na niyang nakatira sa iisang bahay.

“Oh yeah, we’re very much together now. We’re really good. It’s fantastic at home.”

Pero isasantabi muna raw nila ang planong pagpapakasal dahil prayoridad nila ang gastos para sa kanilang anak.

“Huwag muna nating pilitin iyon. It’s easy to get married and regret it after.

“Siguro nasa stage kami na slow down muna tayo. Let’s concentrate on our baby.

“Let’s try to make everything smooth and then let’s decide when everything’s ok na.

“Mamaya na muna yung sa amin. Kasi pag gano’n, we have to think about the gastos and all that.”

Hindi ba nagwo-worry ang nobya niya dahil wala itong pinanghahawakang kasal?

Paliwanag ni Sid, “That’s true. But, I would say responsibility ng lalaki yun to assure her.

“Pero hindi ko rin masabi yun for myself kasi hindi naman ako perfect.

“Pero yun ang gusto kong mangyari na I try my best to assure her that this is what I want. And we live together, so, wala naman [dapat ika-worry].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng aktor, hindi basehan ang kasal para masabing matatag ang pundasyon ng isang relasyon.

“Naniniwala ako dun. Kasi for me, a proposition in the eyes of God, not in the eyes of a priest or a church.

“If I throw out my heart and soul, that’s basically it. It’s a promise to each other. Yun na rin yun.”

Pero hindi rin daw ibig sabihing wala na sa plano niya ang pagpapakasal.

“We’ll get there. Mangyayari at mangyayari yun. Nasa plano yun,” aniya.


HANDS-ON DAD. Samantala, natutuwang ipinagmalaki ni Sid na nasusubaybayan niya nang husto ang pag-aaruga sa baby girl niyang si Halo Eve.

“Grabe, one month and ten days pa lang ang laki na ng pinagkaiba,” bulalas ng aktor.

Nagpapalit daw siya ng diapers at nagbabantay sa gabi habang natutulog ang sanggol.

“Oo naman! I am very hands on. Hindi ako natutulog kasi mahina siya umiyak and medyo paos.

“’Tapos natutulog lang ako pag hindi ko na kaya.

“Hindi puwede kaming pareho kami tulog [ni Bea]. Kailangan may sasalo sa isa’t isa, e.”

Tingin ba niya ay magiging overprotective dad siya paglaki ni Halo?

“Naiisip ko yun. Pero ‘di ko pinag-iisipan kasi gusto ko i-enjoy yung ngayon.

“Siyempre maraming advices and mga horror stories yung mga tito and tita, friends or parents.

“May idea ako kung saan pupunta since mabilis panahon.”

Pero sana raw ay lumaking responsable si Halo pagdating ng araw.

“If she turns into, like, my youngest sister is super responsible, I don’t have to be super strict. Pero feeling ko ma-spoil ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN