Benjamin Alves admits to prioritizing work over lovelife: “I really can’t handle both, so okay na yung trabaho muna.”

Hindi naman itinago ni Benjamin Alves na nag-date na sila ni Janine Tugonon pero binigyang-linaw pa rin niya ito. Aniya, “Ang sabi ko, we’ve gone out but we’re not going out—we’ve gone out with friends, kaming dalawa lang, pero, it’s not as a date. We’re of age naman na we can go out and see people na wala namang kailangang label.”


Ang pinagbidahang pelikula ni Benjamin Alves na Sana Dati ay humakot ng maraming awards, kasama ang Best Picture, nitong huling Cinemalaya Independent Film Festival.

Dahil dito, minithi ni Benjamin na ipalabas sana ng GMA Films ang Sana Dati sa mga regular na sinehan.

Nagkatotoo na ang wish ni Benjamin dahil ngayong September 25, ipalalabas na nga sa mga sinehan ang award–winning na pelikula.

Kinumpirma ito ni Benjamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikula noong Huwebes, September 19.

Sabi niya, “Yes, that’s my wish.

“I think as an actor, also for the filmmaker, the first thing is to release a good product.

“The second one is, hope to be viewed by many and to be received well.

“So, it was received well enough sa Cinemalaya, it garnered some awards.

“And now, it’s gonna be released by GMA Films and Quantum Films.

“I think it’s great timing... we’re happy, I’m happy.”


UNTYPICAL AUDIENCE. Naniniwala naman si Benjamin na kayang tanggapin ng mga manonood ang pelikula nila kahit sabihin na iba ang manonood ng mga indie films.

Saad niya, “Yes, sure, yung new trailer namin also helps.

“Yung Cinemalaya, it’s a different crowd, they want to be enticed.

“But for those who just wanna watch, I think the Filipino audience, natutuwa naman sila.

“Nakakapanood din naman ng Hollywood romantic film na hindi given away ang ending.”

Mukhang sa Pilipinas, marami pa rin sa mga manonood ang hindi pa talaga tinatangkilik ang indie films.

Isang patunay rito ang nakaraang Cinemalaya movies na ipinalabas sa mainstream cinema, pero hindi masyadong pinasok ng mga tao.

Ayon naman kay Benjamin, “I think it progressed, I don’t think it ever regressed.

“The good thing is, no matter how slow, for once, Cinemalaya has been successful this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think there’s always an audience for it. I don’t think we’re still far from selling out theaters because hindi pa rin ganoon [kalakas].

“But to get a general release, that’s already a peak.


LEADING MEN. Tatlo silang leading men ni Lovi Poe sa pelikula. Bukod kay Benjamin, kasama rin sa Sana Dati sina Paulo Avelino at TJ Trinidad.

Sina Benjamin at Lovi ay minsan na ring nagkatambal sa pelikulang Guni-Guni, pero hindi sila talaga na-link nang husto. Hindi ba si Lovi talaga ang tipo niyang babae?

“Lovi? Oh, well, no! Sino ba naman ang hindi magkaka-type kay Lovi?” nakangiting sabi ni Benjamin.

“I think they tried to give that angle before.

“Parang I heard some stories like yung Guni-Guni, yun ang promo namin.

“Pero kami, I think, the best thing is, we work so well together, kasi wala kaming inhibitions, walang reasons to impress.

“We’re always in communication even after Guni-Guni.

“Until now, we’re always in communication, so maganda yung ganoon.”

Hindi ba siya nagparamdam kay Lovi kahit paano?

“No, hindi ako nagparamdam, siguro timing lang. I don’t know if she is taken.

“Hindi naman ako aggressive, for once, as a suitor. I mean, who knows naman?

“I mean, I’m not opposed to it but I don’t think it’s time for anything.”


GOING OUT. Natawa naman si Benjamin nang ang itanong na sa kanya ay ang tungkol sa beauty queen na si Janine Tugonon.

Noong nakaraang interview kasi ni Janine sa The Buzz, itinanggi nitong may “something” sa pagitan nila ni Benjamin.

Ito ay sa kabila ng mga naging pahayag ng Kapuso actor na lumalabas sila kasama ang mga kaibigan at minsan ay silang dalawa lang.

Sabi naman ni Benjamin tungkol dito, “She didn’t deny anything.

“Ang sabi ko, we’ve gone out but we’re not going out—we’ve gone out with friends, kaming dalawa lang, pero it’s not as a date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, like I’ve said before, we’re of age naman na we can go out and see people na wala namang kailangang label.

“So, she didn’t deny anything.”

Kumusta na nga ba ang lovelife ni Benjamin?

Giit niya, “Wala nga, e. I heard kapag may trabaho ka, you can’t be sad.

“I’m busy now, so hindi mo naman puwedeng sabihin sa Diyos na ibigay mo sa akin ang lahat.

“I really can’t handle both, so okay na yung trabaho muna.”


SOAP PROJECTS. Mula naman noong May ngayon taon ay wala pa siyang regular na teleserye sa Kapuso network.

Pero ginagawa naman niya ngayon ang Katipunan para sa GMA News TV.

Hindi ba siya naiinip na matagal na rin siyang bakante sa teleserye?

“Well, hindi naman because, yun nga, I’m doing Katipunan na pang-mid-October.

“I have Islands for Cinema One, but as far as regular soap, I’ve always been trusting GMA for timing.”

Hindi ba siya naiinip?

“No, because when you don’t work, it’s not like you’re not doing anything... you want to get better, you’ll take workshops.

“So, yun ang ginagawa ko… I was able to travel… I was able to go to New York and L.A. these past few months,” saad niya.

Nabalita na may teleserye din sila ni Janine Gutierrez.

“Yeah, but the last time I heard, it was pushed back, sana matuloy siya.

“Me and Janine, we talked and we’re both excited to work together.

“If not the soap, siguro we can work together pa rin like Wagas or Magpakailanman.”

Sa mga artista ngayon, napapansing mas matagal masundan ng proyekto kapag nakatali ang actor sa mga lead roles.

Sa kontrata ba Benjamin sa network, kailangan bang nasa leading-man status palagi ang karakter niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “That’s up to GMA and Jonas Gaffud [his manager] if they have an objective.

“But for me, as long as the role is good, I really don’t mind. I’ve never been known to ask kung, ‘Lead ba ‘yan?’

“I’ve always been known to ask, ‘What’s the role?”

“I don’t even mind guesting in a soap that’s existing now, basta maganda ang character,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN