Christian Bautista still mum about breakup with Carla Dunareanu: “We both said na hindi na kami magsasalita, out of respect.”

Laking pasasalamat ni Christian Bautista sa kanyang co-stars at direktor: “Natulungan talaga ako nina Direk Louie [Ignacio] and si Andrea [Torres], saka si Mikael [Daez], na matagal na kasi na hindi ako nag-acting. Talagang ni-refresh ako, parang nabigyan ako ng confidence.”


Matagal namayagpag bilang sikat na mang-aawit si Christian Bautista, na tinaguriang “Asian Pop Superstar.”

Sa loob ng mahabang panahon, puno ang iskedyul niya ng singing assignments, na umabot pa sa mga bansang Indonesia at Singapore.

Pinakahuli ay ang nilabasan niyang The Kitchen Musical, na inere muna sa Singapore.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, nakasama si Christian sa Princess and I ng ABS-CBN, pero pure acting at walang singing ang naging papel niya rito.

Sa paglipat niya ng network mula ABS-CBN papuntang GMA, nagkaroon uli siya ng pagkakataong sumabak sa acting ng isang teleserye.

Itinuturing ni Christian na malaking tulong sa kanyang acting ability ang kasalukuyang niyang serye sa GMA-7 na With A Smile, na pinagbibidahan din nina Mikael Daez at Andrea Torres.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Christian sa dressing room ng Sunday All Stars nitong nakaraang linggo, pinuri niya ang nagawa para sa kanya ng mga kasamahan sa soap.

Saad nito, “Natulungan talaga ako nina Direk Louie [Ignacio] and si Andrea [Torres], saka si Mikael [Daez], na matagal na kasi na hindi ako nag-acting.

“Talagang ni-refresh ako, parang nabigyan ako ng confidence.

“So, I went there na parang estudyante na, ‘What can I learn from all these?’

Pagpapatuloy niya, “That’s one of the things I want to do din as well.

“Kasi, parang it’s been a long time na I haven’t done a soap.

“So, parang ngayon kasi, gusto kong maiba yung ginagawa ko. I want to try to build other talents pa if I can.”


LAST EPISODE. Ibinalita ni Christian na hanggang dalawang linggo na lang ang itatagal sa ere ng With A Smile.

“It’s one season, and we’re very grateful sa lahat ng mga sumuporta,” sabi nito.

Hindi naman mababakante ang singer-performer dahil magsisimula na ang stage musical niyang Cinderella sa Resorts World.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabalita niya, “I’m gonna focus on Cinderella, the musical.

“That’s what I’ve been rehearsing in between the tapings.

“So, mag-i-start kami niyan this October 10 up to December. I’m doing thirty shows.”

Lalabas pa ba siya sa Sunday All Stars?

“Yes, yes. So, yun! Cinderella on the weekends, pero I’ll do Sunday All Stars, siguro up to… hanggang kailan, kasi may matinee ‘ata ako, e.”

Hindi ba masasakripisyo ang iba niyang trabaho sa musical production?

“Ah, I knew that this was happening din naman, so naka-programa na ‘yan. And GMA-7 knows na naman even before I moved pa.”


NO EFFECT. May pagbabago na ba sa sitwasyon niyang walang lovelife?

Nangingiti tugon ni Christian, “Hindi ko muna iniisip yun as of the moment.”

Nilinaw ng PEP.ph kay Christian na ang nais naming alamin ay kung may epekto sa takbo ng kanyang buhay at career ang kawalan niya ng lovelife ngayon.

Diin naman niya, “As of the moment, hindi ko muna siya… I don’t let it affect whatever I’m doing as of the moment.”

Mas magaan ba para sa kanya o hindi na lang niya pinapansin?

“Ahm, depends on the day. Pero ano naman… I focus on what’s in front of me as of the moment, so I do my best.”

Tinanong namin si Christian kung puwede siyang mahingan ng pahayag tungkol sa dating kasintahang si Carla Dunareanu. Nag-uusap pa ba sila?

“Hindi na,” napangiting kumpirma ng mang-aawit.

Ngunit bawi nito, “We both said na hindi na kami magsasalita, out of respect.”


HOLIDAY PLANS. Paano sa darating na Pasko, may plano na ba siya?

Sabi naman niya, “Christmas is always refreshing to anyone.

“That moment I think is for family, so I will use that to really… you know, to make up for lost time to my family because of my work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya magiging malungkot dahil wala siyang lovelife?

“I don’t think so. Christmas is about Christ and what it is, e.

“Hindi siya Pasko na Sinta o Sana Ngayong Pasko, it’s about how you give your love, it’s not what I don’t have.”

Ibig bang sabihin, kung walang lovelife ay di kabawasan sa kasiyahan niya sa Pasko?

“Kung malungkot ka sa Pasko dahil wala kang lovelife, then you don’t know or understand what Christmas is all about.”

Hanggang kelan kaya siya magiging single?

“Ahm, every day is a possibility—you’ll never know.

“Ano naman, anything is possible.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN