Kristoffer Martin reacts to negative comments of KathNiel fans about his soap with Julie Anne San Jose

Nagulat daw si Kristoffer Martin na may halong musical ang teleserye nila ni Julie Anne San Jose na Kahit Nasaan Ka Man. Kuwento niya, “Actually, nung nalaman ko na musical pala siya at kakanta rin ako, sa story conference na mismo. Hindi ako nakapag-prepare. Hindi ako nakapag-voice lessons. Aaminin ko, hindi ako magaling kumanta… marunong lang.”


Sa September 23, Lunes, na ang simula ng airing ng bagong primetime series ng GMA-7 na Kahit Saan Ka Man, na pinagbibidahan nina Kristoffer Martin at Julie Anne San Jose.

Makakatapat nito ang ABS-CBN primetime series Got To Believe, na pinagbibidahan naman nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Yun ang isa pang nakaka-pressure!” sabay tawa ni Kristoffer sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Nakaka-pressure yung timeslot namin, kasi alam naman natin na… malakas yung magiging katapat.

“Iyon talaga ang double pressure sa amin ni Julie.

“Pero actually, in the first place, hindi naman kami nakikipag-compete, e.

“Parang it’s all about business, e, na we have to do good also.

“Kung sabagay, business is competition also.

“Pero for us naman, kaming mga artists, hindi na namin pinuproblema ‘yon.

“Ang sa amin, ibibigay namin ang best namin.”

May mga fans sina Daniel at Kathryn, at maging fans nina Julie Anne at Elmo Magalona, na grabe ang negative reaction sa pagtatapat ng shows na pinagbibidahan nila. Ano ang reaksiyon dito ni Kristoffer?

Aniya, “Actually, may mga natatanggap nga ako ganun, e.

“Na, ’Anong laban niyang si Kristoffer Martin kay Daniel? Sino ba ‘yan?’

“E… okey! Ako po, nag-i-start pa lang po ako. Yun lang ang sasabihin ko.

“Panoorin n’yo lang muna po ako bago n’yo ako sabihan ng kung anu-anong bagay.

“May mga bashers na JuliElmo, pero majority ng mga nababasa ko, galing sa mga fans ng KathNiel [Kathryn-Daniel].

“Nahi-hurt ako siyempre kapag nababasa ko. Sobrang sensitive akong tao, e.”

Bakit hindi na lang niya iwasang magbasa ng mga negatibong komento para hindi siya masaktan?

Sabi ni Kristoffer, “Hindi, binabasa ko.

“Kasi kapag hindi ko binabasa, naku-curious ako na… mamaya wala namang tumanggap.

“Para lang alam ko, para aware ako sa mga nangyayari. Na akala ko okey, e, hindi naman pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kesa lagi kang positive, lagi kang masaya, lagi kang kampante.

“Masakit kapag may nababasa akong negative o hindi maganda. Masakit kasi… hindi naman nila ako kilala.

“Pero naiintindihan ko rin sila. Fans sila, e.”



PUBLIC ACCEPTANCE. Bakit niya iniisip na baka hindi tanggapin o tangkilikin ng mga tao ang tambalan nila ni Julie Anne?

Saad ni Kristoffer, “Siyempre, mas maganda na yung isipin mo ay yung mga ganun. At least, prepared ka, di ba?

“Hindi ka naman magiging nega sa ganun, e. Parang sometimes, dapat bukod sa positive thinking e prepared ka rin sa anumang negative na puwedeng mangyari.

“But then, gusto kong isipin na tatanggapin naman ng tao itong soap namin, kasi kakaiba.

“Plus maku-curious sila, kasi before ay hindi naman kami magkatambal ni Julie. Tapos musical siya.

“Sana subaybayan nila, kasi for eight weeks lang ito, e. Hindi pa natin lang alam kung mag-i-extend.”

Kadalasan sa mga nagiging magka-loveteam ay nagkakaroon ng kissing scene sa mga teleserye. Mayroon din kaya silang ganitong eksena ni Julie Anne?

Sabi ni Kristoffer, “Hindi ko alam. Kasi in the first place, hindi naman kami pina-ready for that.

“Feeling ko, hindi naman. Kasi ang packaging ng image ni Julie ay wholesome.

“E, ako, hindi na naman ako bago sa mga ganyan, e.

“Pero for Julie, ayaw pa yata ng network, e.”



MUSICAL. Sa trailer ng Kahit Nasaan Ka Man, may eksenang naggigitara at kumakanta si Kristoffer. Talagang sasabay siya sa pagkanta ni Julie Anne?

“Kaya nga, e!” sabay ngiti ng young actor.

“Natatakot nga ako, e. Kasi si Julie Anne yung kasama ko!

“Actually, nung nalaman ko na musical pala siya at kakanta rin ako, sa story conference na mismo.

“Hindi ako nakapag-prepare. Hindi ako nakapag-voice lessons.

“Aaminin ko, hindi ako magaling kumanta… marunong lang.”

Noong bata pa si Kristoffer ay naging finalist siya sa singing search ng ABS-CBN na Little Big Star, hosted by Sarah Geronimo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya ito ang magbukas sa kanya ng pagkakataon na magkaroon ng recording career?

“Hindi naman natin alam. Pero sabi nila... maganda naman yung mga feedback sa boses ko.

“May ilan lang na nagsasabi rin na hindi bagay ang boses ko kay Julie, ganyan.

“And for me, okey lang, kasi hindi naman talaga ako singer, e.”

Pero open siya sakaling may offer na pasukin din niya ang recording?

“Okey naman. Siyempre ayoko namang magsara sa kung anu-anong mga bagay na, malay natin, iyon pala yung talagang path ng career ko. Hindi natin alam.”

How about having a duet sa album ni Julie Anne?

“Oo naman!” bulalas niya.

“Pero mapi-pressure ako! Mapi-pressure ako definitely.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN