Kristoffer Martin goes on “Twitter diet” while doing Kahit Nasaan Ka Man

Kristoffer Martin ignores negative comments from fans of Julie Ann San Jose-Elmo Magalona loveteam, “Mas magandang tahimik na lang ako kaysa patulan ko pa, kaysa may masabi pa sila. Sa akin, trabaho lang ako. Hindi nila kailangang tirahin ako ng personal kasi nagtratrabaho lang ako.” Kristoffer will be paired with Julie Anne in GMA-7’s new primetime series Kahit Nasaan Ka Man.


“Twitter diet” daw ngayon si Kristoffer Martin para maiwasan ang mga hindi magagandang komento ng mga masusugid na fans ng Julie Anne San Jose-Elmo Magalona loveteam (JuliElmo) sa nasabing social networking site.

Ayon sa binatang Kapuso actor, simula noong maanunsiyo ang pagtatambal nila ng dalagang singer para sa bagong primetime soap opera ng GMA-7, ang Kahit Nasaan Ka Man, sunud-sunod na raw ang mga Twitter messages ng JuliElmo fans sa kanya.

Sabi pa ng 18-year-old actor, karamihan sa mga ito ay “masakit” tanggapin.

“Meron mga ‘mas boto pa rin kami kay Elmo,’ ‘di kayo bagay.’ Masakit,” ani Kristoffer nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang press conference para sa programa kagabi, September 19.

Kaya minabuti na lamang ni Kristoffer na gawing madalang ang pag-check niya sa Twitter habang ginagawa ang Kahit Nasaan Ka Man.

Iniiwasan din daw niyang sumagot sa mga Twitter post na naka-tag sa kanya.

Aniya,” Kapag nag-reply ako, baka sabihin nila nakuha nila ang atensyon ko. Tapos baka magtuluy-tuloy ang bash nila sa akin.

“Mas magandang tahimik na lang ako kaysa patulan ko pa, kaysa may masabi pa sila.

“Sa akin, trabaho lang ako. Hindi nila kailangang tirahin ako ng personal kasi nagtatrabaho lang ako.”

WORRIED AND BOTHERED. Bago pa man ito, sabi ni Kristoffer, inasahan na niya na maraming fans nina Julie Anne at Elmo ang magagalit sa kanya/

Sa katunayan, nang ialok sa kanya ang proyektong ito, gulat daw ang unang reaksiyon niya.

“‘Yon ang pinaka-main reaction ko, as in gulat talaga,” pag-amin ni Kristoffer.

“Siyempre, JuliE;mo ‘yan e, di ba? ‘Yon talaga ang unang pumasok sa utak ko, na JuliElmo loveteam.

“Biglang ‘yon ang pumasok sa utak ko na baka masira ako kasi yung mga fans nila malakas.

“Nag-worry din ako, na-bother din ako.”

Gayunpaman, pag-ulit ni Kristoffer, “Sige, trabaho lang naman ‘to, e. Tingnan na lang muna natin bago natin sabihan ng ibang bagay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto dahil aniya, “Trabaho, e. Sino bang ayaw ng trabaho?”

"HINDI AKO MAGALING KUMANTA." Samantala, magkahalong saya, kaba, at takot naman daw ang naramdaman niya nang malaman niyang isang musical ang gagawin nila ni Julie Anne.

Kung si Julie Anne ay kilalang mahusay na singer, kabaligtaran daw ito para kay Kristoffer.

“Okay lang sa akin kumanta pero kasama ko si Julie at hindi naman ako magaling kumanta!” natatawang sabi ni Kristoffer.

Naikuwento pa niya sa PEP ang ginawa nilang pagrerekord ng theme song ng soap opera, ang “I’ll Be There.”

“Nag-duet kami. Ang tagal kong ni-record ‘yan, e.

“Sabay kaming nag-record. Kapag flat ako, sinasabi niya, kapag sharp, sinasabi niya.

“Talagang binantayan niya ako. Binantayan niya ako the whole time na nag-record kami,” natutuwang pahayag ng binata.

Hindi pa raw alam ni Kristoffer kung gaano siya kadalas makikitang kumakanta sa musical drama na Kahit Nasaan Ka Man, na magsisimula sa Lunes, September 23.

Ganunpaman, sabi niya tungkol sa kuwentong ito, “Sobrang natutuwa ako, sobrang kakaiba siya, ang ganda.”

Bukod sa istorya, pabiro ring sinabi ni Kristoffer na dapat abangan sa teleserye ang Kristoffer-Julie loveteam.

Pagmamalaki niya, “Bago ito, baka ito na pala yung hinahanap ninyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN