Michelle Vito on guard against KathNiel bashers: “Pinaghahandaan ko po.”

Aminado si Michelle Vito na dati niyang crush si Jericho Rosales na nabaling naman ngayon kay Enrique Gil. Aniya, “Crush ko pa rin si Kuya Echo, pero, as teen, si Kuya Enrique, ang galing kasi niyang sumayaw. Tapos, sa teleserye niya ngayon, yung Muling Buksan Ang Puso, araw-araw ko siyang napapanood, mas napapansin ko ang hitsura niya.”


Hindi naniniwala si Michelle Vito na nagtatapos sa teleseryeng Aryana ng ABS-CBN ang kanyang acting career.

Isa si Michelle sa Star Circle Batch 13 na ini-launch ng ABS-CBN nitong taon. Kasabay niya sina Jane Oineza, Janella Salvador, Julia Barretto, Khalil Ramos, among others.

Sinabi ni Michelle noon na ang “edge” niya sa mga ka-batch ay ang kanyang kontrabida role sa Aryana.

Pagkatapos ng Aryana, kasama naman ngayon si Michelle sa Metro Manila Film Festival entry na Pagpag nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Na-tap din siya ng BNY bilang pinakabagong celebrity endorser ng clothing apparel company.

Sa contract signing ni Michelle para sa BNY sa Sir Boy’s Food Republique noong September 18, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star Magic artist.

Kuwento ni Michelle, “Excited po ako, kasi first movie ko po yun. First MMFF ko rin po.

“Sina Daniel at Kath po, super-bait po nilang kasama at saka maasikaso po sila.

“At saka, yung mga negative na lumalabas, hindi naman po totoo. Nagti-treat pa sila. Sobrang bait po nila at sobrang mapagkumbaba po nila.

“Kung saan po kami naka-standby, magkakasama po kami.

“Hindi po sila yung parang gusto nila, may sarili silang mundo, talagang nakikihalubilo sila sa amin.”


BASHERS. Love triangle raw silang tatlo sa pelikula.

Hindi ba siya kinakabahan na baka may mga fans ng KathNiel na magalit sa kanya?

Nangiti ito at saka sinabing, “May mga fans po na nagpupunta sa set namin, pinipiktyuran, parang nagtataka sila, bakit ako ang kasama.

“’Sana si ganyan.’ So, parang nag-i-start na silang mag-isip kung anong role.”

Hindi naman daw siya yung tipo ng pumapatol sa nangba-bash sa kanya.

“Hindi ko na lang po pinapansin, kasi, kung papansinin ko, mas lalong lalaki lang po,” pag-amin niya.

Sa nabanggit niyang nakakatanggap siya ng pangba-bash, madalas, tungkol saan yun?

“Parang noong time po ng Aryana, sinabi po nila sa akin na hindi naman ako magaling umarte, ‘Sana, iba na lang ang gumanap.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung ganoon po. So, ako naman, hindi ko na lang pinapansin dahil mas lalaki pa at mas maano pa sila na awayin ka, i-bash ka po nila,” kuwento pa niya.

Sa mga KathNiel fans, may nang-aaway ba sa kanya?

“Wala pa naman po, pero, I’m sure, meron po, pinaghahandaan ko po.

“At saka, yung role ko kay Daniel, medyo ano po… kaya alam ko na posibleng may magagalit sa akin.”


SHOWBIZ PARTNER. Sa halip na si Daniel, si Enrique Gil ang binanggit niya na gusto niyang makapareha kung sakali at bibigyan siya ng pagkakataon ng ABS-CBN.

“Ang cute po kasi, parang iba ang guwapo niya ngayon,” kinikilig niyang pag-amin.

Dati, si Jericho Rosales ang binanggit niya na gusto niyang makapareha.

Biro namin sa kanya, dahil ba mag-aasawa na ito kaya hindi na si Jericho ang binabanggit niya ngayon?

“Kasi po, noong time na yun, nakita ko si Kuya Jericho, nakikita ko naman siya.

‘Pero, noong time na yun, parang super fresh niya noong time na yun, super iba ang dating niya sa akin.”

Wala na ba siyang crush kay Jericho?

Aniya, “Crush ko pa rin po si Kuya Echo, pero, as teen po, si Kuya Enrique, ang galing kasi niyang sumayaw.

“Tapos, sa teleserye niya ngayon, yung Muling Buksan Ang Puso, araw-araw ko siyang napapanood, mas napapansin ko ang hitsura niya.”

Posible raw ba na hindi niya mabangit din si Daniel dahil takot siyang ma-bash?

“Hindi naman po, dati po, crush ko rin si DJ [Daniel].”

Pero, ngayon hindi na?

Mabilis niyang sagot, “Hindi naman po. Kasi po dati, naba-bash din po ako noong sinabi ko na crush ko si DJ, parang nagagalit sila sa akin, ‘Bakit ganyan?’”


CAREER PATH. Matagal na ring natapos ang Aryana, pero, wala pa siyang kasunod na programa sa telebisyon.

Wala ba ang pagka-inip sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po, kasi, nag-aaral din naman po ako, home study po ako, so, hindi naman po masyado.

“At saka, after naman po ng Aryana, nagkaroon po ng launching na Star Magic Circle 2013 and after po noon, sumunod na rin po ang 100 Most Beautiful ng Yes! Magazine, then, movie po.

“Hindi naman po ako naubusan ng blessing,” pagpapasalamat niya.

Sa batch nga lang nila, tulad ni Julia Barretto, ilu-launch na siya sa isang teleserye. Si Jane Oineza naman ay may Muling Buksan Ang Puso.

Naikukumpara ba niya ang sarili niya sa ibang ka-batch niya na may mga plano na sa career nila?

“Hindi naman po, kasi, parang may time naman kami sa isa’t isa.

“Tapos, si Jane naman po, given naman po na parang ang tagal na rin po ni Jane sa showbiz.

“Sobrang deserve niya kung magkakaroon siya ng magagandang project, magkakaroon siya ng magagandang role.

“At yun nga, magaling siyang umarte, so, given na po yun.

“Kay Julia, okay naman po sa amin kung siya ang mauna sa amin o kahit sino po.”


BIDA ROLES. Dahil kontrabida siya sa Aryana, ganoong klase ng mga karakter ba niya gustong makilala o gusto rin niya na bida naman at inaapi-api?

Ayon kay Michelle, “Gusto ko po, ako naman ang pabida na ako naman ang inaapi.

“Kasi, parang ever since before, never ko pang na-try na maging mabait.

“Even sa supporting role, palaging kaibigan ako ng kontrabida.

“Gusto ko naman na ako ang inaapi para maramdaman ko naman na ako ang naghihirap, hindi nakaayos.”

Sa huli, ano ang mas gusto niya, sumikat o magka-trabaho?

“Gusto ko pong sumikat,” ang nakangiting pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN