Julie Anne San Jose denies choosing Kristoffer Martin over Elmo Magalona as leading man in Kahit Nasaan Ka Man

Sa pakikipagtambal ni Julie Anne San Jose kay Kristoffer Martin, sinabi ng young singer-actress na hindi na niya kailangang magpaalam pa sa mga tagahanga ng tambalan nila ni Elmo Magalona. Paliwanag ni Julie Anne, “Kami naman po ni Elmo, may sari-sarili naman kaming mga projects at siyempre, may iba naman kaming ginagawa. And I would like to take this opportunity na makatrabaho ang ibang artists, di ba? Para rin naman po mag-grow ako as an actress and sa sarili ko rin po.&


Isang malaking sorpresa para sa mga tagahanga ng Julie Anne San Jose-Elmo Magalona loveteam na ang katambal ni Julie Anne sa unang primetime series niya sa GMA-7, ang Kahit Nasaan Ka Man, ay si Kristoffer Martin.

Inaasahan kasi ng JuliElmo fans na magbabalik-tambalan ang kanilang mga idolo, ngunit sa halip ay sa ibang young actor ipinareha ng Kapuso network si Julie Anne.

Pero ayon kay Julie Anne, hindi naman niya kailangan pang magpaalam sa fans ng loveteam nila ni Elmo tungkol sa pagtatambal nila ni Kristoffer sa isang teleserye.

Saad niya, “Actually, I really don’t have to.

“Kami naman po ni Elmo, may sari-sarili naman kaming mga projects at siyempre, may iba naman kaming ginagawa.

“And I would like to take this opportunity na makatrabaho ang ibang artists, di ba?

“Para rin naman po mag-grow ako as an actress and sa sarili ko rin po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Julie Anne sa presscon ng Kahit Nasaan Ka Man kagabi, September 19, sa 17th floor ng GMA Network Center.

FANS’ REACTION. Handa na ba siya sa magiging reaksiyon ng fans nila ni Elmo? Ang iba nga ay hindi itinatago ang kanilang pagtutol sa pagkikipagtambal ni Julie Anne kay Kristoffer.

Sabi ng 19-year-old singer-actress, “Tanggap ko naman po, tanggap naman po namin that we really cannot please everybody.

“It’s up to them naman po kung ia-appreciate nila kaming dalawa together.

“Magkakaiba ng opinyon ang mga tao. Siyempre, kami naman po, professional naman din po kami.

“Ginagawa po namin ang trabaho namin para mabigyan ng magandang entertainment ang mga audience.”

Pero parang hanggang sa huling sandali ay nagpepetisyon pa rin ang JuliElmo fans na sila dapat ni Elmo ang magkatambal. Ano ang reaksiyon ni Julie Anne dito?

“I feel okay,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, management decision naman po talaga yun at sila naman po talaga ang nagka-cast.

“And yun nga po, sinabi ko kanina na nagkataon po na may project ako at magkakaroon din siya [Elmo] ng project na sarili niya.

“So, wala naman po sigurong dapat iproblema dun.”

Aminado si Julie Anne na nakakatanggap siya ngayon ng pangba-bash at hate messages mula sa ilang tagahanga.

Saad niya, “Siguro po, hindi lang sila sanay na iba ang nakakatrabaho namin. But, ano… sana bigyan nila kami ng chance.

“Kasi, tina-try naman namin ang best namin na ibigay sa kanila kung ano ang hinahanap nila.

“And siyempre, hindi lang naman kailangan mag-base sila sa kung sinong pair.

“Nagtatrabaho kami individually and, siyempre, as a team, di ba?”

Natutuwa naman daw si Julie Anne sa mga fans nila ni Elmo na suportado rin ang pakikipagtambal niya kay Kristoffer.

“Opo, meron pa rin naman po at meron at meron pa rin naman talaga,” sabi niya.



PERSONAL CHOICE? Diretsahang tinanong ng PEP si Julie Anne kung totoo ang balitang siya mismo ang namili kay Kristoffer na maging leading man niya sa Kahit Nasaan Ka Man.

Ayon pa sa balita, nagsabi raw siya na ang gusto niyang makapareha ay yung magaling umarte para nadadala rin siya sa pag-arte.

Mabilis naman ang pagtanggi ni Julie Anne sa naturang isyu.

Aniya, “Wala pong ganun. Wala pong ganun, wala pong personalan.

“At saka, hindi po kami nagde-decide.”

Pero mas masaya ba siya na si Kristoffer ang leading man niya ngayon?

“Opo, masaya naman po ako. But I can’t compare kasi magkaiba naman po sila,” pagtukoy niya kay Kristoffer at sa dati niyang ka-loveteam na si Elmo Magalona.

Pinabigyang-linaw rin namin kay Julie Anne ang isyung lumabas noon na pagkatapos maipalabas ang pelikula nila ni Elmo na Just One Summer ay nagbitaw raw siya ng salita na ayaw na niyang umarte at mas gusto niyang kumanta na lang at mag-aral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po akong sinabi na ayokong mag-act,” tanggi niya.

“Like ako, ang focus ko pong talaga is singing. Kumbaga, yun po talaga ang forte ko.

“Parang ako, acting for me is just a bonus.

“I’m just a singer who can act. I’m not saying na actress ako.

“Siyempre, marami pa po akong dapat matutunan sa field ng acting.

“At saka, ano po, ayun, hindi ko naman po sinabi.

“Siyempre, kung ano po ang ibigay ng network sa akin, tatanggapin ko po.”



BIG CHALLENGE. Isang malaking hamon daw para kay Julie Anne ang pagbibigay sa kanya ng GMA-7 ng lead role sa Kahit Nasaan Ka Man.

Ang talento niya sa pag-awit at pag-arte ang kailangang ipamalas ni Julie Anne sa kauna-unahang primetime series na pagbibidahan niya.

Paglalarawan niya sa kanyang role, “Isa po akong bulag dito. Mahilig po akong kumanta at tumugtog ng mga instruments.

“Kababata ko po dito si Leandro [Kristoffer Martin]. Akala ko, angel siya na ipinadala ng mommy ko noong mamatay siya.”

Hindi raw pa-tweetums ang tambalan nila ni Kristoffer sa kanilang primetime series. Kaya ang sumunod na tanong namin sa kanya: May kissing scene ba sila rito?

“Yun agad ang tanong?” natawang sabi ni Julie Anne.

“Hindi pa namin alam.Pero ako naman, basta trabaho.”

Ito rin ang unang proyekto ni Julie Anne na hindi si Elmo ang kapareha niya. May pressure ba siyang nararamdaman?

“Yes, somehow I feel pressured. Kasi, first time kong magli-lead sa isang soap, tapos primetime pa.

“I’m really, really thankful sa network and sa GMA na nabigyan ako ng ganitong klaseng project.

“Somehow, na-pressure talaga ako kasi malakas po ang kabila, e!” natatawang pag-amin niya.

Makakatapat ng Kahit Nasaan Ka Man ang Got To Believe ng ABS-CBN kung saan bida naman sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ngunit ipinagmamalaki pa rin ni Julie Anne ang teleserye nila ni Kristoffer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kasi po, napaka-heartwarming po ng kuwento. Ang message nito, about true love.

“Hindi mo alam na nandiyan lang pala siya sa tabi mo. Hindi mo ini-expect.

“Kumbaga, unexpected love.”



UNEXPECTED LOVE? Nakaranas na ba siya ng ganito sa totoong buhay?

Natatawang sabi niya, “Wala po… kasi ang focus ko pa sa pagmamahal, sa family ko, e. And puwede naman pong ibaling ang love sa family.

“At ako naman po, I’m not closing my doors to anyone naman. Kasi, darating at darating din naman ang panahon.

“Pero sa ngayon, huwag muna. Kasi, meron akong school. Meron akong work.

“Marami talaga akong priorities sa buhay at marami akong gustong marating.

“Madali lang naman yun.”

Ang tingin ng marami kay Julie Anne ay parang takot siyang umibig.

Mabilis naman niyang sagot dito, “No, it’s not that natatakot ako—hindi pa ako ready.

“Hindi pa ako ready makapag-commit and I believe na kapag nakapag-commit ka sa isang bagay, or especially sa love, sa isang relationship, ang pinakamagandang foundation is yung friendship.”



RURU & ALDEN. Natawa naman si Julie nang may magbanggit ng pangalan ng Kapuso teen star na si Ruru Madrid.

“Hindi po, hindi po… masyado pa po siyang bata. Marami pa siyang dapat matutunan sa buhay,” sabi niya.

Sila ni Alden Richards, kumusta na?

“A, okay naman po… let’s all move on,” pag-iwas naman ni Julie Anne.

Nag-uusap na ba sila ni Alden kapag nagkikita sila?

“I would rather not talk about that,” iwas pa rin niya.

“And, I think, it’s not a big deal for me naman.

“Kasi, okay naman kaming lahat. Nagtatrabaho kaming lahat, professionally.

“So, I think, I shouldn’t be answering this question. Let’s all move on.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN