Senator Grace Poe confident Senate will approve FOI bill

Positibo si Senator Grace Poe-Llamanzares na sa Senado ay maipapasa ang Freedom of Information (FOI) bill, pero tila hindi ganito ang inaasahan niya pagdating sa Lower House.


Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Grace Poe sa ginanap na launching ng first-ever Filipino crowd-sourced music video, ang "Kayanihan," na ginanap sa Club Filipino kaninang tanghali, Setyembre 20.

Ang Kayanihan project ay naghihimok sa mga Pinoy na magkaroon ng pagkakaisa at maging positibo upang makamit ang pag-unlad ng bansa, at pinasinayaan nga ito sa pamamagitan ng paglunsad ng "Kayanihan" song.

Suportado raw ng senadora ang proyektong ito.

Aniya, “I support the cause and admire those behind it.

"I think it’s importante talaga na sabihin natin sa ating [mamamayang Pilipino] na tama na yung biktima tayo palagi.

"Kaya naman talaga natin kung magsasama-sama tayo, so yun lang naman.”

FOI BILL. Nagkaroon naman ng positive development sa isinusulong na Freedom of Information (FOI) bill, matapos magkaroon ng dalawang hearing ang committee on public information ng senado tungkol dito.

Ayon kay Senator Grace, na siyang committee chairman, positibo ang feedback sa ginawang hearings.

Kamakailan ay sinabi ng bagong senador na pagdating sa committees ay aprubado na ang FOI bill.

Aniya, “Sa Senado, walang problema. I think before the end of the year, it will be approved, just like it was in the 15th Congress.

“But in the Lower House, that’s where I ask for the support of our countrymen to… well, if they can make their involvement felt.

"If they can write their congressmen, like they do in other countries, they write their congressman to let them know where they stand.”

Sa pamamagitan ng FOI bill, magkakaroon ng access ang media, pati na rin ang mga ordinaryong mamamayan, sa government and public records.



TRANSPARENCY. Marami ang naniniwala na sa pamamagitan ng FOI bill ay mapipigilan ang ilang katiwalian sa pamahalaan, gaya na lang ng paggamit sa pork-barrel fund na ipinamamahagi sa mga mambabatas.

Ani Senator Grace hinggil sa FOI bill, “Importante talaga ’yon kasi, lalung-lalo na yung mga issues ngayon [gaya ng pork barrel], tapos nagkakaroon ng malaking duda ang ating mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naniniwala ako na dapat yung mga dokumento sa gobyerno, available sa lahat para magkaroon ng kapangyarihan [ang mamamayan] talaga, di ba?”

Pagpapatuloy ng first-time senator, “Sabi ng Presidente [Noynoy Aquino], ‘Kayo ang boss ko.’ Paano tayo magiging boss kung hindi naman talaga natin alam kung ano yung nangyayari?

“Kaya ako talaga, nung kampanya pa lang, sinabi ko ipaglalaban ko ang FOI.

"At ang media, kailangan protektahan, kasi sila ang tenga at mata natin sa Senado, sa Kongreso o kung saan man.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN