Nikki Gil on moving on after breakup with Billy Crawford: "There’s no use looking back."

Nikki Gil on what she learned from relationship with Billy Crawford: “Ako, natutunan ko what I’m capable of doing pag dating sa usapang pag-ibig… I feel like I know my limits. I know when to walk away because I know that I’ve done everything I could to make it work… I mean you don’t wanna regret anything and say, ’I could have done this.’ We have been given enough time to really make it work, you know. And I&a


Si Nikki Gil ang guest sa Bandila segment na “Ikaw Na!” noong Lunes, September 16.

Bagamat mas kilala siya bilang MYX VJ at co-host ng ABS-CBN Sunday noontime show na ASAP, marami ring acting projects si Nikki sa kasalukuyan.

Kasama na rito ang kakatapos lamang na pelikulang Badil, para sa nakaraang 2ndSineng Pambansa National Film Festival.

Kabilang din siya sa ABS-CBN teleserye na Maria Mercedes, na ipapalabas na ngayong Oktubre.

Marami ang nakakapansin sa taglay na galing ni Nikki sa pag-arte, at dahil nga dito’y nabansagan siya bilang isang “underrated actress.”

Ano kaya ang masasabi niya tungkol dito?

Tugon niya kay Boy Abunda, “I really much prefer that than being overrated. But you know, it’s nakaka-humble kasi, Tito Boy...

“I just really wanna perform and share my gift and I don’t really mind if it comes, you know... without credit being given to me. You know, it’s... I guess part of being passionate about your work.”

ROLE IN BADIL. Tapos nang ipalabas sa mga sinehan ang Badil, kung saan marami ang pumuri sa acting ni Nikki, kahit maikli ang role na kanyang ginampanan.

Aniya, “Thank you very much. But you know, Tito Boy, I play a very small part of the movie, that’s why I’m not ashamed to say na kahit ako ay fan ako ng movie, kasi napakaganda nito.”

Sa nasabing pelikula, ginampanan ni Nikki ang papel ng isang guro na naging miyembro ng board of election inspectors. Sa paggawa ng pelikula na raw niya nalaman ang tungkol sa talamak na vote-buying na nagaganap tuwing panahon ng eleksiyon.

Saad naman ni Boy na naging malapit daw sa kanya ang naturang pelikula dahil ito’y kinunan sa isang barangay ng isang isla ng Samar kung saan siya nanggaling.

Tanong niya kay Nikki, “How was it working with Chito [Roño, director] and ano yung pelikula, what it is about?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Nikki, “It was set sa gabi... no, the day before the election. Little do we know, maraming nagaganap.

“Ako, Tito Boy, I am privy to the fact that totoo... talagang nagaganap ang vote-buying, but I do not know na merong secret system talaga.

“May sistema talaga, and you will be surprised about the amount of money that is being handed out.”

Dagdag ni Boy, ang bilihan ng boto ay parang “namimili ka lang ng prutas sa palengke.”

Ani Nikki, “Casual.”

Dagdag pa ni Boy, “Ang sistema ay pinakukulayan ang daliri mo para hindi ka na makaboto.”

Ayon naman kay Nikki, “Kasi iba pa yung binibili ang boto, meron namang titintahan ka na para hindi ka makaboto.”

Aside from Badil, abala rin si Nikki sa Maria Mercedes na eere na ngayong Oktuobre. Nasasanay na ba siyang gumanap ng mga offbeat roles?

Nakangiting sagot nito, “I’m liking it. I really don’t like being stereotyped to play kontrabida.”

HOW IS NIKKI NOW? “I’m good,” ang tugon ni Nikki nang matanong kung kumusta na siya ngayon.

Sabi ni Boy, marami raw nabigla sa naging ending ng kanilang halos limang taong relasyon.

Nakangiting sagot ni Nikki, “Ako rin naman.”

Sunod ni Boy, “Parang this was the perfect couple. What happened?”

Patotoo ni Nikki, “I wish I knew. Well, what happened? I think Tito Boy, more importantly, what’s happening now for me—that’s more important.

“You know, there’s no use looking back. I just wanna look forward, I just wanna be excited for the things to come... to the people that I’ll be meeting.”

Nagkausap na ba sila after the breakup?

Sagot ni Nikki, “No.”

Are you ready to see him?

Aniya, “I did see him on ASAP.”

Did you say hi to each other?

Tugon niya, “Yeah.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEARNINGS. Ano naman ang mga natutunan ni Nikki sa naging relasyon nila ni Billy?

Pahayag niya, “Ako, natutunan ko what I’m capable of doing pag dating sa usapang pag-ibig.

“That I know now to… I feel like I know my limits, I know when to walk away because I know that I’ve done everything I could to make it work.

“I mean you don’t wanna regret anything and say, ’I could have done this.’

“We have been given enough time to really make it work, you know. And I’m okay.”

Usisa ni Boy, “You are better today than what you were… let’s say a few years back?”

Sabi ni Nikki, “Oh, yeah. I mean, in a relationship pag bumangon ka naman mula sa pagkakadapa, I mean, of course, you’re in pain for a while.

“But soon you will realize that there were so many things that you’ve learned and so many things that you’ve learned—about yourself, about being a partner, which will really equip you for your future partner.”

Panghuling katanungan ni Boy, “Pagkatapos ng chapter na ito sa iyong buhay, naniniwala ka pa rin ba sa pag-ibig?

Ayon kay Nikki, “Oo naman, I still believe in love now more than ever because I am excited.

“Because naniniwala ako, siyempre, sa kung ano ang itinanim mo, yun ang aanihin mo, and I have a very simple concept of love, Tito Boy.

“Which is... you trust and you know you love a person, you give your everything, you trust and you make it work. You can hope that you get it right the next time around.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN