Ai-Ai delas Alas apologizes to PNoy after Jed Salang’s camp insinuates the President is meddling in their legal troubles

Ai-Ai delas Alas on PNoy’s alleged meddling in her legal troubles with husband Jed Salang: “Ako, humihingi ako ng paumanhin para sa sarili ko kasi nakakahiya naman sa Presidente, nakakahiya sa Malacañang, na pati yung mga pangalan nila nadadawit sa domestic problem namin ng husband ko. E, mali yun. Diyusko naman, alangan naman pati lovelife ko ba naman isipin pa ng Presidente na


Naniniwala si Ai-Ai delas Alas na may kapalit na magandang bagay at blessing ang anumang sigalot at problemang dumarating sa kanyang buhay.

Gaano man kabigat ang pagsubok ay hindi raw siya sumusuko at hindi kailanman nawala ang pananalig niya sa Diyos.

“Alam ko naman na si Lord, never naman Niya akong pinabayaan.

“Kahit marami akong problema na pinagdaanan… Ganun talaga kasi gusto Niya lang ipakita sa akin na tao lang ako, nasasaktan,” panimulang bungad ng successful comedian.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ai-Ai matapos ang presscon ng pelikulang Kung Fu Divas, kagabi, Setyembre 20, sa Dolphy Theater, sa loob ng ABS-CBN compound.

Pinagbibidahan ni Ai-Ai at ni Marian Rivera, directed by Onat Diaz, at produced by Star Cinema, Reality Entertainment at O & Co. Picture Factory, ang Kung Fu Divas ay ipalalabas sa mga sinehan simula Oktubre 2.

Pagkatapos ng sinuong niyang marital problems sa asawang si Jed Salang, itinuturing ni Ai-Ai na blessing ang pagdating ng Kung Fu Divas.

Bukod nga sa nakagawa siya ng kakaibang pelikula, nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Marian Rivera.

Kasabay ng pagdating ng problema nila ni Jed ay ginagawa ni Ai-Ai ang Kung Fu Divas. Paano nakatulong si Marian sa kanya noong mga panahong iyon?

“Nakita niya ako. Pag yung may time na nakikita niya ako na medyo naluluha-luha ako, ’binibili niya ako ng potato chips. Yun lang ang katapat ko, potato chips,” natatawang sabi ni Ai Ai.

STILL HURTING AND CRYING. Ngayong nakakatawa na si Ai-Ai at mukhang masaya na siya, masasabi bang tapos na siyang umiyak sa kinahantungan ng relasyon kay Jed?

“Ayoko namang maging plastic, may mga times pa rin na pag naiisip ko, naiiyak ako, naaalala ko.

"Siyempre, hindi naman agad-agad yun e, kasi medyo malalim ito. Kasi, nag-asawa ako, e.

“Hindi naman ito syotaan lang or any relationship. It’s marriage e, marriage yung hindi nag-work out, so medyo malalim yung sugat sa akin. Pero alam ko na, balang araw, I’ll move on.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na siya galit?

“Ayoko nang magalit, ayoko nang magalit. And yun, sabi ko nga, moving forward.

"It’s hard to forget, it’s easy to forgive. Yun yung parati kong prayers kay God, na sana magsabay.”

Napatawad na ba niya si Jed?

“Papunta na tayo doon, nagdarasal pa rin ako,” dagdag niya.

APOLOGY TO PNOY. Kaugnay pa rin ng problema nila ng asawang si Jed, na umabot na sa demandahan, ikinalungkot ni Ai-Ai ang pagkakadamay ni Pangulong Noynoy Aquino at ng Malacañang.

May lumabas kasing balita na nakikialam si PNoy sa kaso. Galing umano ang alegasyong ito sa kampo ni Jed, partikular na sa abugado nito.

“Ako, humihingi ako ng paumanhin para sa sarili ko, kasi nakakahiya naman sa Presidente, nakakahiya sa Malacañang, na pati yung mga pangalan nila nadadawit sa domestic problem namin ng husband ko. E, mali yun.

“Sabi ko nga, e, next time na magsasalita sana yung lawyer niya, sana isipin niya na yung kliyente niya ay may gag order, na lahat kami may gag order.

"Anytime, hindi kami puwedeng magsalita.

“Ako, ingat na ingat ako na magsalita about that. And maling-mali yun na anytime naisip niya na gusto niyang magpa-interview…

“Magdasal na lang siya para sa mga tao natin sa Zamboanga at mga kababayan natin, para hindi ka makapagsalita nang hindi maganda.

“Kasi ang dami ng problema ng Malacañang, ang dami ng problema ng ating Presidente, bakit pa naman ako dadagdag?

"Di ba naman, nakakatawa naman yun. Nakakatawang nakakaasar,” saad ng beteranang komedyante.

Nadadawit si Pangulong Aquino sa usaping ito dahil ang kapatid nitong si Kris Aquino ay malapit na kaibigan ni Ai-Ai. Pero ni minsan daw ay hindi nakialam ang Pangulo rito.

“Diyusko naman, alangan naman pati lovelife ko ba naman isipin pa ng Presidente natin. Lovelife nga ni Friendship [Kris], hindi niya iniisip, lovelife ko pa ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba naman nakakatawa talaga yun? Mamrublema pa ba naman siya sa lovelife ko?”

Dahil sa pangyayaring ito, bumalik ba ang galit niya kay Jed?

“Hindi, hindi. Kasi, unang-una hindi naman siya kagalit-galit. Sabi nga, we should know our battle, we should choose our battle.

"Bakit mo naman papatulan yung ganung walang kakuwenta-kuwentang sinasabi, di ba?”

Ang advice din ba ng lawyer niya na huwag nang patulan?

“Oo, siyempre. Anything bawal. Kasi may gag order kami. Nagtataka nga ako bakit siya nagsasalita at nagpapa-interview.

“Kung gusto niyang [abugado ni Jed] magpa-TV, kumuha siya ng kliyenteng walang gag order.”

Hindi ba nila pwedeng kakasuhan ang kampo ni Jed?

“Ewan ko. Tignan natin baka mabuwisit ang Malacañang, sila ang mag-ano... Sila ang magkaso sa kanila para matuto,” biro ni Ai Ai.

NO PSG ESCORTS. Bago ang isyung ito, nauna nang sumulpot na diumano’y humiling ng seguridad si Ai-Ai at in-assign umano ang ilang tauhan ng Presidential Security Group (PSG) para bantayan siya.

Matagal na itong pinabulaanan ni Ai-Ai, at muli niyang inulit ang pagpapaliwanag tungkol dito.

“Dati ko pa yung kinokorek. Yung mga kasama ko… hindi naman marami, dalawa lang sila. PNP [Philippine National Police] yun.

“And ako ang nagpapasuweldo doon. Hindi ako nagnanakaw sa bayan, hello!”

Bahagi nga raw ito ng paninigurado para sa seguridad niya.

“Oo, part yun ng protection ko para sa sarili ko, and ako ang nagbabayad doon. Syempre naman, problema ko ito, e.

“Bakit ko naman sila isasali? Yun nga yung sinasabi ko doon nga sa lawyer niya. Unang-una, huwag mong ipahamak yung kliyente mo, di ba?”

CLOSENESS TO KRIS. Ano ang pakiramdam na nadadamay sa problema nilang mag-asawa ang closeness nila ni Kris?

“Parati namang ganun e, hindi ko nga maintindihan kung bakit. Siguro kasi, minsan yun ang downside pag ka-close mo yung matataas sa lipunan habang ikaw ay mababa lamang. Di ba totoo naman yun?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero never ba siyang humingi ng tulong kay Kris pagdating, halimbawa, sa personal protection?

“Hindi, never. Siyempre, never.

"Basta nakikinig lang iyan ng mga problema ko, pero never naman siyang nagganun,” giit ni Ai-Ai.

Anong support ang ibinibigay ni Kris sa kanya?

“Friendship, ganun. Tapos pandidilatan nila lang ako. Yun ang support niya, yung pandidilat,” dagdag pa niya.

Tinext niya ba o pinadalhan ng mensahe si Kris o si Pangulong Noynoy dahil sa pagkakadamay ng mga pangalan nila?

Balik ni Ai-Ai na malinaw na biro: “Ngayon, mamaya, ite-text ko si Mr. President. Textmate kami, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN