Senator Bong Revilla hires handwriting expert to scrutinize documents linking him to Napoles pork-barrel scam

Senator Bong Revilla Jr. is scheduled to deliver his privilege speech, where he is expected to explain in detail how he "legally" and "validly" disbursed his PDAF within the years covered by the Commission on Audit’s special audit.


Nag-hire na raw ng handwriting expert ang opisina ni Senator Bong Revilla Jr. para kumilatis sa mga dokumentong diumano’y pinirmahan ng senador at ng kanyang staff.

Ang mga pirma ay upang i-endorso umano ang bahagi ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF)—o mas kilalang pork barrel—sa mga non-government organizations (NGOs) na may kaugnayan kay Janet Lim-Napoles, mula 2007 hanggang 2009.

Dahil ang depensa ni Senator Bong ay pineke ang kanyang pirma, kumuha ito ng handwriting expert, ayon na rin sa kanyang abogadong si Joel Bodegon.

Kinasuhan ng plunder ng National Bureau of Investigation (NBI) si Senator Bong—kasama sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at Senator Jinggoy Estrada—dahil sa diumano’y pagbulsa ng bahagi ng kanilang pork barrel sa pakikipagsabwatan diumano kay Napoles.

Sa ulat ng Philippine Star kahapon, Sabado, September 21, nakatakda raw mag-deliver ang senador ng kanyang privilege speech sa susunod na linggo.

Dito ay tinitiyak raw niyang mabibigyang-linaw ang mga akusasyong ibinabato sa kanya, at maipapaliwanag ng detalyado kung paano niya “legally” at “validly” ipinamahagi ang kanyang PDAF, sa loob ng mga taong kinapalooban ng special audit ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa isinampang kaso ng NBI, tinatayang umaabot sa halos P224.5 milyong piso ang naibulsa raw ng senador mula sa mga suhol galing kay Napoles.

Ayon sa abogado ni Senator Bong, ang pag-amin ni Benhur Luy na gumagawa sila ng mga pekeng dokumento para kay Napoles ay nagpapatunay na hindi raw maituturing na “credible” witness ang whistle-blower.

Si Luy ang nagsasalita laban sa mga inakusahan ng NBI ng plunder at malversation of public funds.

Tinawag pa ni Atty. Bodegon si Luy na “liar,” dahil daw sa pagtestigo nito under oath na milyung-milyong piso ang naibulsa ng mga mambabatas, kabilang na ang kanyang kliyenteng si Revilla.

Ani Atty. Bodegon, “You know, the whistle-blowers themselves confessed to falsifying the documents, and themselves getting the PDAF funds, albeit to say they gave the money to Napoles, which the latter vehemently denies.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, where’s the money? Benhur Luy and his cohorts stole it.”

Noong nakaraang linggo ay tumestigo si Luy sa hearing ng Senate Blue Ribbon committee tungkol sa pork-barrel scam at inamin niyang may personal siyang kaalaman sa mga transaksyon ni Napoles.

May kaalaman din daw si Luy sa mga bank account numbers, at maipapakita raw niya ang pagkakasangkot ni Napoles sa scam.

Sinabi rin ni Atty. Bodegon na ang statement ni Luy ay “worthless and hearsay” and “cannot be used as basis, even for the court, to freeze assets.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN